10

4.1K 97 6
                                    

Carlz's pov

"Woahh ginawa talaga yun ni Eve? I never imagined she can be that chismosa"sabi ni Jevz at ininom ang beer in can na hawak niya.

Pinag-uusapan namin ang mga tanong sa akin ni Eve na bumabagabag sa akin.

"Hindi naman siya ganun dati di ba?"tanong din ni Pritz.

Kumaway muna siya sa babaeng dumaan at kimindat naman yung babae.

"Dude stop that"saway naman ni Jevz sa kanya.

"Walang masama sa ginagawa ko. Single ako"sabi ni Pritz at ngumisi.

Simula nung maghiwalay sila ni Liadette ay lagi na siyang ganyan. Hindi na siya naging matinong kausap at napapabayaan niya na ang mga motorshops niya.

"Single ka nga pero yang puso mo si Liadette pa din ang sinisigaw"pabulong na sabi ni Jevz.

"I dont know kung ano pa nga ba ang pinag-uusapan natin. Maybe I should go home"sabi ni Nathan at inayos ang salamin niya.

"Ang sabihin mo gusto mo lang malambing ang Misis mo"sabi ni Pritz na nakipag bro fist pa kay Jevz.

Hindi naman nagsalita si Nathan at umupo ng maayos ulit tsaka binuksan ang beer na nasa harap niya. That means his guilty.

"Eh ikaw naman Jevz kamusta naman ang panliligaw mo kay Mhiane?"nakangising tanong ni Pritz.

Sumimangot si Jevz sa tanong na iyon. Ang alam ko nagbabalak pumunta si Mhiane sa Paris para umpisahan ang karera niya bilang Model doon.

"Wala naman akong pag asa sa kanya pero hindi yun dahilan para mambabae ako ulit. Ayoko ng balikan yung bagay na matagal ko ng binago para sa kanya"sabi niya at uminom ng alak.

"Ang laki ng pagbabagong dulot ng pag-ibig ano? Kaya niyang pagandahin o sirain ang isang tao" sabi ni Pritz at nilagok ang alak niya.

Tama siya. Ang laki nga ng naiidulot ng pag-ibig sa isang tao. Kaya kang baguhin o di kayay palalain pa. Sa akin malaki ang naidulot ni Yanna. Sa kanya ko natutunan na hindi lahat ng gusto mo o mahal mo mapapasaiyo.

"Ikaw Carlz may balak ka bang ligawan si Eniki este Yanna na pala" nagulat ako sa tanong ni Pritz.

"Wag muna ipagkait na wala kang gusto sa kanya dahil alam namin dude"sabi naman ni Pritz at tinapik ako sa balikat.

"Wala akong balak angkinin si Yanna. Sa simula pa lang alam ko namang si Ranz ang pipiliin niya"sabi ko at tumingin sa mga taong sumasayaw sa gitna.

"Dude mahirap yan at masakit."sabi pa ni Pritz.

Masakit. Sobrang sakit nga pero ito yung sakit na hinding hindi ko bibitawan. Kasi kapag binitawan ko mas masakit ang mararanasan ko.

"You know what dude madaming magagandang babae jan-"hindi ko na pinatapos si Pritz ng tumayo ako.

"They're nothing compared to her"sabi ko at lumakad na paalis.

Nakita ko pa sa di kalayuan si Eve na nakatingin sa akin ng mataman. Wala akong balak na makipag-usap pa sa kanya.

Walang makakapantay sa kagandahan ni Yanna sa paningin ko kahit sino pa mang magandang babae ang tatayo sa harap ko siya lang ang makikita ko.


Jevz's pov

"That was harsh bro"sabi ko kay Pritz.

Alam kong matagal ng mahal ni Carlz si Eniki pero hindi ako nakialam because I know Ranz can handle that. I admire how strong Carlz is. Hindi madali na ang babaeng mahal mo may mahal ng iba.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon