29

3.2K 85 14
                                    

Yanna's pov

Umaga na. Umaga na pero gising na gising pa din ang diwa ko. Hindi ako makatulog.

Ang nangyari kagabi.

Ang sinabi ni Dracel.

Ang ginawa niya at ang paghalik niya sa akin ay paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.

Di ba dapat nilalayuan namin ang isa't-isa?

Mali ito eh. Hindi ito ang tama. May mga tao kaming masasaktan. Alam ko din sa sarili ko na hindi ko pa kayang buksan ang puso ko sa iba pero kapag nasa harapan ko si Dracel ay para akong nawawala sa sariling katinuan.

May mahika sa bawat tingin ni Dracel na kusang nagbubukas ang puso ko. Kahit alam kong mali ito hindi ko ito dapat maramdaman.

Na pabaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok nito. Mabilis akong kumilos at pinagbuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting si Kuya Xam at may dala siyang dalawang box.

"Hey Princess"sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Pasok ka Kuya"sabi ko at tumabi sa pinto.

Agad pinatong ni kuya sa kama ko ang mga box at nakangiting bumaling sa akin. Umupo ako sa tabi niya.

"Ito ang susuotin mo bukas Princess. Nangangako ka naman kay kuya di ba na darating ka sa kasal ko"sabi ni Kuya habang nakangiti.

Napatingin ako sa box at nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang laman nun.

Bumabalik na naman ang ala-ala ng babaeng nakatayo sa gitna ng altar habang umiiyak.

Nawala iyon ng maramdaman ko ang hawak mi Kuya sa kamay ko. Nakangiti siya at bigla akong niyakap.

"Are we forcing you too much? I'm sorry Princess-"

"H-hindi kuya pupunta ako. Pupunta ako sa kasal mo"tumango-tango naman si kuya at hinarap ako.

"Thank you Princess"sabi niya bago umalis at isarado ang pinto.

Kailangan ko ng harapin ang takot ko. Kailangan kong harapin ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

Ranz.. Kung naririnig mo ako... Sana naman bumalik ka na..

Tumayo na ako at nag-ayos papasok pa ako sa Sweet Haven. Ako ang gagawa ng wedding cake ni Kuya. Makabawi man lang ako sa mga panahong nahirapan sila ng dahil sa akin.

Pagkababa ko ay napabaling ang atensyon nila sa akin. Nakatingin sila at hinihintay kung magsasalita ba ako. Ngumiti ako sa kanila.

"Bakit?"tanong ko.

Umiling si Papi at Mama at lumapit sa akin.

"Handa ka na bang pumunta sa kasal ng Kuya mo?"tanong ni Mama.

Alam ko namang nag-aalala sila sa akin dahil sa mga nangyari noon.

"Opo"sabi ko dahilan para ngumiti si Mama at yakapin ako.

"Masaya kami anak. Sobrang saya ko"sabi pa niya.

Ngumiti nalang ako at hinayaan silang yakapin ako. Sa bawat pagdurusa ko ngayon ay hindi na ako nag-iisa. Hindi katulad noon na hinaharap ko ang lahat ng mag-isa.

Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Lolo Russel at sa pamilya Lee. Lalong-lalo na kay Ranz.

Kahit anong gawin kong paglimot. Paulit-ulit lang. Paulit-ulit pa din akong binabalik sa kanya.


Carlz pov

"Good morning sir Carlz"napatingin ako sa dating secretary ni Dad at tumango sa kanya.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon