Chapter 11

633 30 13
                                    

TASY's POV

"Sagad, pre" Nag-uusap si Macsimo at William habang inaayos nila ang drums nila. Hindi ata sila matapos tapos diyan, eh? Parang nung isang pa nila yan pinapakielaman.

"What if patingin niyo na lang kayla Coach, diba?" Sarkastikong sabi ni Kime. "Hindi, kaya namin 'to-"

"Nung isang araw niyo pa yan kinakalikot, eh!" Ani ni Mikayla. Janica went beside me and talked to them later on.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila nang tignan ako ni Macsimo at tumabi sa akin.

Pawis ang mukha niya, dahil kakatapos lang namin sa practice pero hindi pa rin sila nagpapahinga.

Pauwi na sana kami, kaso hintayin raw namin sila, at mukhang badtrip na yung iba dahil ang tagal talaga nila!

"Are you tired?" He asked. Gusto ko man magsinungaling, talagang pagod na ako at gusto ko ng magpahinga at matulog.

Medyo mahirap na ang tinuturo sa amin, dahil next week, they will teach us the steps for our first song.

"Yeah..." sagot ko at hinimas ang kamay kong masakit at may onting paltos na. It hurts, really. Dahil ilang oras kong hawak ka ang flag, na masakit sa balat, at wala pa akong suot na gloves.

He nodded at akala ko ipagpapatuloy niya ang pagkalikot sa drums ng tumayo sila at nilagay na sa storage ang mga equipment.

"Finally!" Sigaw ni Mikayla, na nakadungaw sa pinto ng storage. "Tsk, kala ko hangang umaga na tayo dito, eh." Kumamot siya ng ulo.

Macsimo was wiping his head and face when he went to me. Nakatayo na ako sa entrance ng gym at handa ng umalis.

Nauna na si Alexia umuwi dahil may gagawin raw siya. Madilim na ata sa labas dahil anong oras na rin kami natapos kanina.

"Tara na, uwi na tayo." Yaya sa amin ni Macsimo. Tumango ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

Janica, Ian and Mikayla are infront of us, katabi ko naman si Macsimo at nasa likod ko si William at Kime na maingay.

"I'm sorry kung natagalan kami, natatanggal kasi ang ibang turnilyo." Lumingon ako kay Macsimo at ngumiti, "nah, okay lang."

"Do you have your car with you?" Tanong muli niya, umiling ako. Wala akong dala ngayon kotse dahil sumabay lang ako kanina kay Kuya papunta sa school.

"Nope, sumabay ako kay Kuya kanina, eh. Mukhang sira na naman kotse ko. Tsk, kaines nga eh." Kumamot ako sa ulo dahil mukhang commute na naman ako.

Minsan lang umuwi si Kuya sa bahay, may sarili kasi siyang condo unit na regalo sa kaniya ni Mama.

"Oh, sabay ka na sa akin, if that's okay with you?" Tumingin ako sa gilid at nagpigil ng ngiti.

"Okay, sure!" Masayang sabi ko.

"Hay, Sana all..." Parehas kaming lumingon ni Macsimo dahil nagsalita ang dalawa sa likod namin.

"Tanga, anong sana all? Torpe ka kasi, kaya 'di ka napapansin!" Natatawang sabi ni Kime kay William at inasar ito.

"Yaks, hanggang ngayon 'di ka pa rin umaamin kay faye?!" Natatawang sabi ko kay William. Umiling siya at kumamot sa batok.

Inakbayan siya ni Macsimo habang tumatawa, "Wag niyong asarin, he's making a move na nga, eh."

Siniko siya ni William habang namumula, mukhang nahihiya.

When we arrived at the parking lot, nagpaalam na ang mga kaibigan ko.

"Bye!" I waved at Janica who went inside William's car, na mukhang magsasabay dahil nasa iisang daan lang ang mga bahay nila.

"Let's go.." Lumingon ako kay Macsimo. Medyo natigilan ako dahil iba na naman ang gamit niyang kotse.

Yayamanin talaga 'to!

Pumunta ako sa passenger seat at nagulat pa dahil pinag buksan ako ni Macsimo nang pinto.

"Thanks!" Umupo ako at inayos ang gamit ko.

I looked at the mirror to fix myself. Nakahigh ponytail ako at mukhang haggard pa!

"Seat belt, please?" Napabitaw ako sa buhok ko na inaayos ko at sinuot ang seat belt. Macsimo maneuvered the car.

"Type mo na lang address mo sa waze" tumango ako at kinuha ang phone niya at tinype ang address ko.

Babalik ko na sana sa phone holder ng may nagtext sa kaniya, hindi ko na sana papansinin at sasabihin kay Macsimo na may nag text ng mabasa ko kung sino yon.

Issa:

Let's meet, honey, please?

"M-macsimo..." tawag ko sa kaniya at pinakita ang phone niya. Kumunot ang noo niya sa akin, mabilis lang na sulyap ang ginawad sa phone.

"Nag text si Issa, magkita raw kayo." I cleared my throat, binalik ko na ang phone niya sa phone holder.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa bintana.

"Tasy-" my phone vibrated, someone is calling me.

Lalong kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang caller. Why is he calling me?

Bumungtong hininga ako at dinecline ang tawag. Ibabalik ko na sana muli ang phone sa bulsa ng pants ko ng mag vibrate muli ito.

"Shit..." naiinis kong sabi.

Dinecline ko ulit iyon, pero may nag pop na notification sa akin.

Theron:

Where are you?

I sighed reading his message. Ba't ko ba kasi hindi pa blinock ang number niya?

Bigla muling tumunog ang phone ko, dahil tumatawag na naman si Theron.

"Answer it, mukhang importante." Tumingin ako kay Macsimo. I saw how tight his grip on the steering wheel.

"Sorry..." aniko, tumango lang siya at hindi na nagsalita.

Sinagot ko ang tawag, naiinis na dahil bakit tumatawag sa akin ang walang kwenta na 'to?

"Ano?"

"Waoh, easy there, my honey." My jaw tightened, pumikit ako ng mariin dahil sa sinasabi ni Theron.

"Ano kailangan mo, Theron?" Walang pasensya kong sagot, "damn, i just miss you!"

Humigpit ang hawak ko sa phone, tangina, wala talagang kwenta.

"Sino?"

"You-"

"Nagtatanong."

Binabaan siya ng tawag at padabog na sinilid ang phone ko sa bag ko.

"You look pissed." Macsimo uttered. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya ng maliit.

"Of course, he makes me pissed." He licked his lower lip, seryoso pa rin ang tingin sa daan.

Tatahimik na sana ako ng maalala ang text ni Issa sa kaniya. I was hesitating to ask him about it pero kusa na talagang lumalabas sa bunganga ko.

"Magkikita kayo?" Tanong ko. Umiling siya sa akin at mabilis na sumulyap.

"No, I don't find any reason for me to see her." Sagot nito. Tumango ako at tumingin na lang muli sa bintana.

-End of Chapter 11-

The Forgotten Lover Where stories live. Discover now