Epilogue

571 12 3
                                    

Epilogue

3rd Person's POV

(After 1 month)

Nakatingin si Steven sa bintana...nakatunganga.

Gulung-gulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata, tanda ng ilang gabing pagkapuyat at pagod.

Ang gwapong mukha nito ay hindi na nagawang ahitan ang maliliit na tumutubong balbas.

At ang damit nito ay noong isang araw pa yata suot at hindi na nakuhang magpalit pa.

Sa may sahig ay nagkalat ang mga bote ng alak at mga pictures ni Ava.

Napakamiserable nito.

"Steven?"untag ni Mariz dito, sanay ito na nakikita siyang malinis at hindi ganoong haggard na haggard ang anyo.

Pero hindi siya sumagot.

Nanatili pa rin siyang nakatitig sa bintana na parang may hinihintay.

"You know Ma-an. I was really hoping that she will be back."pumiyok siya, basag ang tinig.

At kailangan niya ang ibayong pagpipigil sa sarili kung hindi ay baka umiyak siya sa harap nito.

Pero yatang pasaway ang kanyang mga luha, kahit anong pagpipigil niya ay hindi niya pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa tuwing naaalala si Ava.

Kaya nga palagi siyang umiinom ng alak dahil akala niya makakalimutan niya ang sakit pero hindi parin.

Kahit anong gawin niya hindi niya ito malimot-limot.

"I was telling myself that this is just a nightmare... that Ava is still alive and one day, things will be back where it used to be, where me and her always laughing, playing and fighting. Na magigising na lang ako isang araw, na kasama ko siya at naglalampungan kasama ang anak namin. But its all lies, she's no longer here and she will never come back."sabi ni Steven, itinukod ang mga kamay sa bintana at tumaas-baba ang balikat.

Napaiyak na din ang babae, she can see how miserable he is.

"Everywher I go, I always see her beautiful face and I always remember our memories when we're still together. I really, really love her."pamiyok siya.

Lumingon siya sa babae at parang pinipiga ang puso niya sa nakita.

"Kahit ngayon nakikita ko ang mukha niya sayo."

"Steven."usal ng babae

"Kahit boses niya naririnig ko rin."hysterical na sinabunutan niya ang sariling buhok.

Romantic Love StoriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang