Chapter 3

21 1 0
                                    

Chapter 3: Friends

Francis's POV

"Gander, mali ang iniisip mo."depensa ko kay Gab.

Nagri-rehearse kasi kami ngayon dahil bukas na ang finals.

At kami pa naman ang defending champion this year.

"Hindi tomboy ang kasa-kasama niyong yun? Ano pala siya?"nagdi-dribble na sabi ni Gander habang nakabantay naman ako sa kanya.

"she's just herself. Hindi siya tomboy. Babae siya. In fact, may gusto siyang lalaki na nasa team natin."

F*ck sh*t!

Hindi ko dapat ibuking ang sikreto ni Gab!

Kung hindi, lagot ako sa kanilang tatlong mga lalaki.

Not to mention kay Gab.

"Ows? At pwede bang malaman kung sino?"-Gander

"Pasensya na, hindi pwede. O ano, ishu-shoot mo ba yan o hindi?"

Gander's POV

Palabas na ako ngayon ng gym.

Kakatapos lang kasi ng practice namin ng basketball.

"Hey bro. Kamusta?"tanong ni Armond Louie na nakasandal sa kotse niya dito sa parking lot ng university.

Sadyang hinintay niya yata ako ng kinakapatid ko.

"Bro! Long time no see."natutuwang sabi ko sa kanya at nag-fist bomb pa kami.

"Kumusta sa seminary?"-ako

"Ah, tumigil na ako eh. Papasok ako rito to take another course after vacation."

"Ah ganun ba? Bakit ka tumigil doon? Di mo na gusting magpari?"-ako

"Gusto ko pa rin sanang tapusin pero, as you well know. Two years lang ako doon. Ayaw kasi ni dad na manatili pa ako doon. Anyway, magkakasama na naman tayo tulad ng dati. Diba?"

"Tama ka. Pero ba't kailangan mo pang kumuha ng ibang course?"tanong ko.

"Yun ang gusto ni daddy. Wala naman akong magagawa."

Nga pala, limitado lang ang sinasabi sakin nitong si Armond Louie.

Ganun pa man ay alam kong ayaw ni ninong na magpari ang unico hijo niya.

Ang gusto niya ay palitan siya ni Armond Louie sa pamamahala ng family business nila.

"Susunod ka pala sa yapak ko ha?"sabi ko na lang.

Kumibit naman si Armond Louie.

"Siyanga pala. Wala ka bang gagawin bukas? Punta ka sa Astrodome. Finals na namin kasi."imbita ko.

"Sige ipa-reserve mo na lang ako ng mauupuan sa likod ng bangko niyo."-Armond Louie

"Sure. Akong bahala sa'yo."-ako

Sumakay na si Armond Louie sa sasakyan niya nang Makita ang grupo nila Francis.

Nagmumukha tuloy na bodyguards yung apat nung Gab na yun.

Gab's POV

Ayun nakita namin na kausap ni Gander yung lalaking umagaw ng spot ko sa parking space.

Pagkalingon namn ulit kay Gander wala na siya. Sumama na sa mga ka-team mates niya.

"ah eto pala yung may-ari ng kotseng ito."sabi pa ni guian na pinaparinggan yung lalaki na pinapaandar yung kotse.

Nakatayo parin kaming lima sa likuran ng kotse.

"Siya na nga."sagot ko saka lumapit sa window ng driver's seat ng kotse.

"Hi, nagkausap na tayo kanina. Ako nga pala si Gabrielle."pagpapakilala ko.

"at ikaw si?"

"Armond Louie. Pwede bang tumabi muna ang mga kaibigan mo at aalis na ako?"seryosong wika niya.

"O, huwag ka munang umalis. Natatandaan kita eh."sabi naman ni Sean na naka-cross arms pa at tumabi sakin.

Samantalang nasa likuran parin ng kotse sila Lester.

Si Francis naman nagpupunas ng pawis kasi kagagaling lang niya sa practice nila.

"Oo nga pala. Nagkita na tayo kahapon."sabi pa ni guian na lumapit na rin samin.

"Doon sa restaurant. Nabangga mo si Gab."

"Oo at humingi ako ng despensa kahapon. Wala naman akong utang na loob o atraso sa inyo diba?"mahinahong sagot ni Armond Louie.

Pero hindi niya prin pinapatay ang makina.

"Ah wala sa amin yun. Kaya lang, inagawan mo siya ng parking space eh. Alam mo kase, sa kanya ang lugar na ito. Dapat sa bike niya ito eh."paliwanag ni Guian.

"Guian napag-usapan na natin to diba? OK lang sa akin yun. Sa kanya na itong space na ito kung gusto niya. Ibibigay ko na sa kanya nang maluwag sa dibdib ko."sabi ko na hinawakan pa ang akin dibdib.

Ngumisi naman ako sa lalaking ito.

Armond Louie, hmmm nice name.

Magandang lalaki ito.

At mukhang maginoo pa.

Kaya lang masungit siya at sobrang seryoso ang mukha.

Naalala ko pa yung tangkad niya, ang malamlam na mga mata at matangos na ilong.

Maganda rin ang korte ng labi niya.

"Maitanong ko lang. dito ka ba nag-aaral?"tanong ko.

"Hindi."sagot niya.

"Ah eh di pansamantalang sa kanya lang pala ang space mo Gab."

Mukha namang nabunutan ng tinik si guian at ngumisi kay Armond Louie.

"Sige. Makakaalis ka na. pwedeng... magkaibigan na tayo?"-ako

Tumango lang ng bahagya si Armond Louie at napsulyap pa sakin na kinindatan ko naman.

Tumabi si Farncis at Lester para padaanin yung blue car ni Armond Louie.

"Ba't panay ang kindat mo dun?"nakangising tanong ni Francis.

"Tinanong mo pa! Halika nga."

Binatukan pa ni Sean si francis saka kinaladkad na papalabas ng campus, patungo sa kotse niya gamit yung shirt niya.

Haha kawawang Francis.

"Pano na si Gander?"tanong naman ni Lester.

"Isa ka pa!"singhal ni Guian kay Lester na binuksan ang kotse at sumakay na si Lester sa passenger seat habang kinuha ko naman yung big bike ko sa may guard house.

"Sa makalawa nga pala ang race Gab!"sigaw ni Guian habang nakasunod ako sa kanilang kotse.

"Alam ko! Practice tayo mamaya!"

---

a/n: wehehe!! Okay lang ba yan?

VOTE | COMMENT

Kamsahamnida!!! Najung ebwaeyo!!!


Romantic Love StoriesWhere stories live. Discover now