Chapter Eleven

61 1 0
                                    

.

Chapter Eleven

"OUT WITH MY FOLKS to gather the men for our announcement. Enjoy yourself. Miss you

already. Love you. Your Benje-man"

Kinikilig na hinalikan ni Yuna ang nabasang note na iniwan para sa kanya ni Benjamin.

Pagkatapos ay nagmamadaling dinampot ang telepono para tawagan ang mga kaibigan. Inuna niya si

Miranda.

Pagkasagot nito sa tawag niya ay naunahan pa siya ni Miranda sa pagtili.

Kasalukuyan na nagbabakasyon sa probinsya ng mga lolo at lola niya si Miranda at ayon dito ay

sangkaterba ang naging manliligaw nito. May napupusuan na raw ito at balak ng sagutin.

Nagpalitan sila ng tili at balita tungkol sa kanilang mga lovelife.

Halos isang oras din siyang nakipag-telebabad sa mga kaibigan. Kung wala pang katulong na

kumatok para ipaalam sa kanyang inutusan ito ni Benjamin para personal siyang asikasuhin ay hindi pa

sana sila mahihinto sa kuwentuhan.

"Lisa, pwede mo ba kaming iwan ni Yuna?" tanong ni Valerie sa katulong nang makasalubong

nila ito habang naglilibot sa paligid ng mansion.

"P-Pero Miss, personal pong ibinilin sa akin ni Sir Benjamin na samahan ang fiancée niya at

personal na asikasuhin habang wala siya," katwiran ni Lisa, hindi umalis sa tabi ni Yuna.

"Lisa!—"

"It's okay Lisa," agap ni Yuna nang makitang akma itong pagbubuhatan ng kamay ni Valerie.

"But ma'am," nag-aalala siyang nilingon ng dalagang katulong na kahit na ilang oras pa lang

niyang nakakasama ay nakasundo na niya.

"It's okay," giit ni Yuna at pinilit itong iwan na sila ni Valerie. Sa huli ay walang nagawa si Lisa

kundi ang bantulot na lumayo.

"Hmph! I see. Kahit katulong ay mas pinakikinggan ka na kaysa sa aking ipinanganak na bahagi

ng pamilya," nakaismid na simula ni Valerie nang lubusan ng makalayo si Lisa.

"Ano'ng kailangan mo sa akin, Valerie?" mahinahong tanong ni Yuna, hindi pinansin ang harapharapan

nitong pagdeklara ng hindi pagtanggap sa kanya. "Kung narito ka para insultuhin na naman

ako tulad nang unang araw akong dumating ay alam mo sanang hindi 'yan tatalab sa akin. At kung

sakali namang gusto mong siraan si Benjamin o kaya naman ay sabihing hindi ko siya kilala, give it up.

I already know everything."

Tumalim ang pagkakatingin sa kanya ni Valerie pero sinikap nitong ngumiti. "Alam ko. Gusto ko

lang sanang itanong kung alam mo na rin bang ako ang unang minahal ni Benjamin?"

"That, too," maikli niyang sagot. "Kung iyan lang ang balak mong sabihin, please excuse me,

gusto ko nang ipagpatuloy ang ginagawa kasama si Lisa," aniya sabay talikod.

"Alam mo rin ba na dahil sa pagmamahal niya sa akin ay pinatay ni Benjamin ang lalaking

pinagseselosan niya?" Pahabol na tanong sa kanya ni Valerie.

Romantic Love StoriesWhere stories live. Discover now