Chapter 22

11 1 0
                                    

Chapter 22: A True friend

Shanniah's POV

Akmang bubuhatin na sana ni Malco si Sherry pero pinigilan niya ito.

Paika-ikang umupo sa sofa si Sherry.

Ano bang ginagawa ni Sherry? Manganganak na nga eh.

"Hon, please don't do this to me. Let's go to hospital."nagsusumamong saad ni Malco sa asawa.

"No. Not unless you promise me na hahanapin mo ang kamoteng gubat na iyon. Alamin mo ang dahilan kung b-bakit bigla na lang niyang iniwan sa pedestal si Shan at nang matahimik na ang mundo ko. Magkakaalaman na ang lahat. Para talagang hindi na umasa ng umasa ang lukaret na to."pagmamatigas ni Sherry.

Aww na-touch naman ako dun. Kahit naghihirap na siya, ako pa rin ang iniisip niya.

NAsabi ko na ba kay Sherry na I love her so much more than a friend. She's a treasure. Bihira ang makahanap ng tunay na kaibigan sa panahon ngayon.

"Magkaibigan nga kayo. Parehong matigas ang ulo niyo. Fine!"itinaas ni Malco ang kanang palad at sinimulang manumpa. "sa ngalan ng pag-iri mo sa first baby natin, hahanapin ko ang kamoteng gubat na iyom. Are you happy now? Can we go to the nearest hospital?"

Pilit na ngumiti si Sherry kahit alam niyang nararamdaman na niya ang bugso ng pagiging motherhood.

"S-sige. Buhatin mo na ako. Pumutok na ata ang bag of water ko!!!"

"What?"nataranta na si Malco.

Dinala na namin siya sa hospital. Ako naman nakasunod lang habang inaalalayan sila.

MAsayang-masaya ako sa itinakbo ng buhay niya. Parang kalian lang na pareho kaming very single and available. Same looking for Mr. right.

Sherry found her love match. I found mine too. Yun nga lang. Sherry has happy ending. Sa akin, wala. As in nada.

Matapos ang maikling paghihiwalay namin ni Nykuz, nabalitaan ko na naging matagumpay ang research project niya. Nag-offer ng partnership ang isa sa malalaking oil company ng bansa dito para pangunahan ang project.

The seed came to be a good source of liquefied petroleum gas. Halos bumaba ng 30% ang presyo ng LPG dahil mas mura na ngayon ang raw materials.

Aside sa balitang mas lalong tumaas ang income tax return, wala na akong ibang nasagap na balita tungkol sa kanya.

Nagpakalulong ako sa trabaho. Yung tipong wala ng bukas.

=-=-=-=-=-=-=-=-

A/n: Lame and short? Pfft...


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon