Chapter 2

29 2 0
                                    

Chapter 2: Parking Space

Gab's POV

*kinabukasan*

Nagbihis ako ng sleeveless at jeans.

Pagkatapos kong isuot ang sleeveless ay sinuot ko naman yung maong jacket ko.

Pagkatapos kong magbihis. Agad na akong bumaba at pumunta ko saan naka-park ang bike ko.

Umangkas na ako sa aking big bike nang maisuot ko ang aking helmet.

"Gabrielle Marie! Akala ko ba di mo na ginagamit yan?"

Nailing na nag-krang ako para umandar ang motor at pina-rebolusyon pa ang gasolinador.

"Mali kayo mommy! Ginagamit ko pa rin ito!"pasigaw kong sagot kay mommy.

Bago pa siya makalapit sakin ay agad na akong nagpaalam at pinaharurot na ang aking big bike papuntang university.

*UNIVERSITY*

Ayun nakita ko na agad ang kotse ni Guian at doon ko ipinark ang motor ko.

"Alam mong hindi dito ang parking space ng motorsiklo."sabi ni manong guard nang mapansin ang sasakyan ko pagkababa ko sa motor.

Hinubad ko ang aking helmet at ngumisi sa guard at kinindatan pa siya.

"Sanay ka na sa bike kond dito talaga siya naka-park diba?"sagot ko sa guard.

"Sige."tumango na lang si manong guard at hinayaan na ako.

Biglang may bumusina na isang asul na kotse at muntik na akong mapalundag sa gulat.

Napasimangot ako sa lalaking bumaba at lumapit siya sakin.

"Di ka ba marunong bumasa? Para sa mga cars and owner type jeeps lang ang pwedeng i-park dito. Doon ka sa kabilang banda, doon ang motor parking area."direct to the point na sabi ng lalaki.

"Excuse me."aniko habang hinuhubad ang jacket para itali sa bewang ko.

"Nakasanayan ko ng mag-park dito at walang problema ang guard doon. Kung gusto mo, humanap ka ng ibang space para sa kotse mo."

Napansin ko naman na nakatingin na samin ang ilang students at napilitan nang lumapit samin ang guard.

"Sandali lang. wag kayong mag-away dto. Gab, kung pwede lang sana ay ilipat mo na lang ang bike mo."

"Pero manong ako ho nauna dito! At Okay naman po sa inyo kanina kung di pa dumating dumating ang damuhong ito."

"Pero wala na siyang space Gab. Pagbigyan moa na lang ako sa ngayon.OK? Kung gusto mo, doon mo na lang i-park malapit sa guard house itong bike mo at nang mabantayan ko rin ito. Okay lang ba yun sayo?"

Okay. Sige pagbibigyan ko na lang siya.

Kawawa naman.

"sige!"bagot kong sagot.

"Mister, pwede mon ang i-park dito ang kotse mo. Gab, dalhin mo na muna yang bike mo dun. At wag kang manggugulo kung ayaw mong malaman ito ng mommy mo."napatingin ako sa guard ng masama.

Saka tumingin din ako sa lalaking damuho.

"It's your day."sabi ko nang nakangisi sa kanya.

Saka ko siya kinindatan bago ko inilipat yung kotse ko malapit sa guard house.

"Salamat."rinig kong sabi nung lalaki kay guard.

Pagbalik ko sa kotse ni Guian ay naka-park na doon yung kotse pero wala na yung lalaki.

Romantic Love StoriesWhere stories live. Discover now