Chapter 13

21 1 0
                                    

Chapter 13: Girlfriend

Shanniah's POV

Hah! Bluffing? Convince me more buddy.

Hindi mo ako madala sa mga panganiyan-ganiyan mo. Akala mo ha.

"Kung iyan talaga ang gusto mo,you can send me now. As in now na po."hamon ko.

Malakas naman ang loob kong hindi niya ako mapapabalik ng Manila agad. He needed my service.

Tinignan ko si Nykuz. Pinag-aaralan ko lang kung paano lalabanan ang hamon niya.

Kayang-kaya ko to. Kahit na anytime siguro mabubuwag yun sa simpleng titig niya. Aish nakakainis naman ako sa sarili ko.

Totoong pangarap ko na magiging exciting ang love life ko. I longed that spark from movies ang books I read.

Realistic akong tao pero hindi pa rin naalis sa isipan ko na baka magiging totoo yun.

Kay Nykuz ko naramdaman ang ganoong spark. Of all people pa, kay Nykuz ko naramdaman na sa tingin ko ay malayong magiging kami at magkaroon ng happy ending.

I'm twenty-five but still believe in love and romance that last forever.

"Fine."sabi ni Nykuz na nakataas ang dalawang kamay.

See? Hindi ka mananalo sa akin. Ako pa na pinanganak na magaling mangatwiran.

"Pack your things."sabi niya.

"Huh?"nabangenge ako dun ah.

Anak ng kamoteng gubat naman oh. Pinatulan niya yung hamon ko.

Baka naman nangjo-joke time lang to. Tumingin ako sa kanya.

Seryoso ba siya o hindi?

Seryoso nga! Lagot na!

Hindi pupwede lalo pa ngayong may rason na ang pag-stay ko dito.

Buwisit na Nykuz to. Hindi man lang pinagbigyan ang ego ko.!

Ano ba dapat kong gawin sa pagkakataong tulad nito? Tulala akong nag-isip.

Napakamot ako sa ulo. At talagang pinahurapan ako ng sarili kong utak dahil ayaw gumana.

Wala bang multiple choices?

Back in my school days, I hated essays and type of examinations that requires critical thinking.

Napapagod ang utak ko sa ganoon. I loved objective type of questions. At least doon, may ideya man ako o wala sa tinatanong, meron pa rin akong maisasagot dahil may pagpipilian.

Sige gagawa ako ng choices.

Choice A: pack your things and give that big 'hah' on Nykuz's face.

Tingnan lang natin kung sino ang may huling halakhak. Pero tumututol yung puso ko.

Shanniah's Heart says: Kung paiiralin mo ang pride mo, walang magiging happy ending ang first spark mo. So, what's choice B?

Choice B: magmatigas at hayaan si Nykuz sa gusto niya.

Shanniah's Heart says: Nag-iisip ka ba? Anong pinagkaiba niyan sa choice A?

Oo nga naman no?

Chice C: magmanikluhod kay Nykuz at sasabihing "iyon lang ba ang gusto mo? Tara pakasal na tayo."

Shanniah's Heart says: Wala ka bang pride? E di parang pinalabas mo na rin na easy-to-get ka.

Nagra-rumble na lahat ng body systems ko. Damay-damay lahat.

"Bwiset."sigaw ko.

"Wala na bang Choice D?"-ako

"Choice what?"nagtatakang tanong ni Nykuz.

"Kinakausap mo ba ang sarili mo?"nagdududang tanong niya sakin.

"Naman. Minsan subukan mo rin ang ganoon."sagot ko nang Makita ko ang magiging reaction ni Nykuz sa ginawa ko.

"Don't worry, it is very much healthy"dugtong ko pa nung Makita kong unconvinced ang itsura niya.

My precious heart, do it have to be Nykuz? Pwede bang si Lee MinHo na lang?

"Ok fine! Kung nasa katinuan ako ng pag-iisip, papaya ako. Pero dahil wala ako sa katinuan ng pag-iisip, sige pumapayag na ako." Naka-pout na sabi ko.

"Pumapayag saan?"

Kuuuh! Ang sarap balyahin ng kumag na to.

"Payag na akong maging girlfriend for hire mo. Pero may kondisyon."syempre hindi naman ako papaya na magpadehado no.

"Blurt it out. I'm listening." Triumph is visible all over his face.

I smirked.

"Not now! Pag-iisipan ko pa ang lahat."mahirap ng mag-isip. Ganitong may world war three sa kalooban ko.

PApayapain ko muna baka sakaling pwedeng masuhulan.

"Don't think too much. Huwag kang mag-alala hindi ka madedehado rito."

Dapat lang!

"Nga pala, what happened to the 'behave and no more flirting' na pinagsasasabi mo kanina sa gubat?"I mocked

"That's different."

"Anong ipinagkaiba nun? Ikaw pwede mag-misbehave at ako bawal?"maktol ko.

"That's what they call male power sweetie."hinawakan niya yung baba ko yung parang hahalik?

"Sakyan mo na lang hmm?"tapos iniwan na niya ako.

"That is rather male chauvinism."bulong ko.

Kapag ako dito madedehado Nykuz, naku, utang na loob. Uubusin ko ang mana ko sa pag-hire ng hitman para hunting-in ka.


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon