Chapter 4

14 2 0
                                    

Chapter 4: What it feels?

Shanniah's POV

"Never say you have failed until you have reached your last attempt, and never say it's your last attempt until you have succeeded" basa ko dun sa facebook status ko na kanina ko lang pinost.

11:40 pm na hindi parin ako makatulog.

I was now in a mountain region found in Cagayan province.

Kanina nga habang papunta pa lang kami dito, hindi ko maitago na mamangha sa tanawin.

Tapos napakapresko pa at malamig ang simoy ng hangin.

Yung Land Rover car Nykuz parang siya lang meron nito dito.

Nung papunta pa lang kami dito, alam niyo yung feeling na paakyat kami sa Baguio.

Paakyat, pababa at paikot-ikot pa. Kung hindi lang ako sanay sa ganitong uri ng daan, baka sumuka na ako.

Konkreto naman din ang daan noong nasa high way pa lang kami pero nung paakyat na, ay nako aalog talaga ang hinaharap ng mga babae sa daan.

In short rough road.

Hay nako nakakaantok tong biyahe na to ha?

Para kasing dulo na ng mundo yung destinasyon namin eh.

Tapos mangilan-ngilan lang yung mga bahay dito.

Ang ipinagtataka ko lang ay sino yung bumuhat sakin papunta sa kwartong ito?

Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami dito eh.

Basta nagising na lang ako sa loob ng kwartong ito.

"Sino kaya ang nagubuhat sakin? Si Nykuz ba?"bulong ko.

Ano kaya ang feeling habang kalong niya?

I am very much sure na tunay ang very lean muscles niya.

Only city people have swooned over fast and artificial muscle.

Nakakapanghinayang tuloy, di ko man lang naramdaman kung sino ang nagbuhat sakin.

Pero infairness ha, natuwa ako sa pagtanggap niya sakin.

At siya pa mismo ang nagsalansan ng mga bagahe ko sa dala niyang kotse.

Haaay nako,

Napakarami kong first impression kay Nykuz.

Una, super gwapo siya sa aking paningin. Katunayan nga ay hindi agad ako nakahuma ng ibalandra niya yung sarili sa mismong harap ko kanina sa airport.

Kahit yung pagkunot ng noo niya di man lang nakabawas sa kagwapuhan niya.

Natatawa pa rin ako ng maalala ko kung paano ko siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

Para bang isa akong alien na naligaw sa planetang Earth.

Ayon sa aking mapagkakatiwalaang mga mata, Nykuz is a typical example of a handsome man.

Lahat ata ng magagandang adjectives na maisip ko ay bagay na pang-describe sa kanya.

*tuut*

May isa akong notification.

May nag-like sa status ko and at the same time ay may nagpadala ng comment.

Galing kay Sherry, ang bestfriend ko dahil naiintindihan niya yung sarili kong mundo.

Minsan kasi pang-out-of-this-world yung mga naiisip kong gawin.

"Parang may pinaghugutan lang ah."basa ko dun sa comment.

Nagpunta ako dun sa private conversations at nagsend ng message sa kanya.

Romantic Love StoriesWhere stories live. Discover now