Chapter Five

61 3 0
                                    

.

Chapter Five

NAPABUNTONG-HININGA si Yuna nang makita niyang nagbubulungan ang mga kaibigan

habang papasok siya sa canteen ng University na kanilang pinapasukan. Break noon at iyon ang isa sa

mga pagkakataon nilang apat na magkasama-sama sa loob ng school campus. Iba-iba kasing kurso ang

kinukuha nila. Siya ay Journalism, si Betty ay Nursing, si Miranda ay kumukuha ng Business

Management, samantalang si Jenny naman sa Criminology.

Babatiin sana niya ang tatlo nang biglang isiniksik ni Miranda sa gilid ng mesa si Betty.

"Huwag mo na akong tanggihan, wala ka namang boyfriend, right?" pilit pinalalim ang tinig na

wika ni Miranda.

"No, walang nobyo si Yuna," segunda naman ni Jenny, tumayo ito sa likuran ng dalawa at binuhat

ang humahagikhik na si Betty, "pero may fiancé na siya!" Tapos ay nakangisi na siyang hinarap ng

mga ito.

"That's not what happened!" reklamo ni Yuna at nagmamadaling nilapitan ang mga kaibigan.

"Hindi ako humagikhik at lalong hindi ako nangunyapit kay Benjamin ng ganyan!" nakaturo sa mga

braso ni Betty na nakapulupot sa leeg ni Jenny.

"Oh right, he kissed you!" Sabay-sabay na wika ng tatlo na siyang nagpa-init ng mukha niya.

Magpapatuloy pa sana ang mga ito sa katutukso sa kanya nang marahan niyang pinagbabatukan

ang mga ito.

Nagtawanan sila. Nakitawa na rin ang iba pang mga estudyanteng malapit sa kanila.

"Honestly girls, hindi siya ang inaakala ninyong siya," wika ni Yuna nang sa wakas ay tahimik na

silang apat na nakaupo at kumakain.

Ilang araw na siyang tinutukso ng mga ito at tila matagal pa bago magsasawa.

"Todo deny ka pa eh! Obvious naman na gusto mo rin siya. Hinayaan mo pa ngang halikan ka

niya. Sa harap pa namin ha!" wika ni Jenny na sinang-ayunan ng dalawa.

"No," umiling siya, sumubo muna bago nagpatuloy. "He's a devil! A devil that walks in living

daylight, ready to manipulate you," she insisted.

"If he's a devil, then he's a very handsome devil na palaging nakamasid sa kanyang reyna.

Ahh...gusto ko ring magkaroon ng devil fiancé na katulad niya," wika ni Betty na nakipag-highfive pa

kay Miranda.

Bahagyang napasimangot naman si Jenny. "Then go look for a guy!" tila naiiritang sabi ni Jenny

kay Betty na mukhang humihingi ng pasensiyang nakatingin sa nagsalita.

"Hah! I give up!" sabi ni Yuna, hindi napansin ang pagbigat ng hangin sa pagitan ng dalawang

kaibigan. Ang tanging nasa isip niya ay wala sa mga sasabihin niya ang paniniwalaan nila.

"Yup. Just give up Yun," nakangising tinapik siya ni Miranda sa balikat. Sinimangutan lang

naman niya ito at inabala ang sarili sa pagkain.

"Hindi red-haired ang dreamboy ko pero kung siya ang magiging kapalit, I guess it's okay."

Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon