CHAPTER 58

73 5 0
                                    

Sammer's POV

Hays! Kahit madalas kaming magkita ni bebe labs eh na-mimiss ko pa rin sya T-T

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagdidiscuss sya. Bakit kaya ang lakas ng tama ko sa kanya?

Ahiiiikkk!!! Kinikilig na naman ako!

Nagpasalumbaba ako at muling tumitig sa napakaganda nyang mukha. Masasabi ko ngang napakaswerte ko dahil meron akong Miracle hihi! Kaso di naman officially na sakin! T3T

Magpapakatino talaga ako para sa kanya. I don't want to lose her. Sya naging dahilan kung bakit ako nagbago, kung bakit meron na akong motibasyon sa buhay.

"Wala kang matututunan sa pagtitig sa mukha ko" rinig kong sabi nya pero hinayaan ko lang sya. Hihi!

"At isa pa gunggong, hindi ako nagpunta rito para titigan mo lang! Hala sige, sagutan mo to! Di ka na naman nakikinig!" sermon nya ulit. Pero ngumiti lang ako.

Para talagang asawa ko na sya. ^3^

Imbis na mainis ako o masindak sa mga sermon nya, mas kinikilig ako! Ewan ko ba! Pakiramdam ko kasi mag-asawa kami HAHAHAHA! Siguro yun nga!

"Kahit sandali lang, time out muna tayo" wala sa sariling sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"5 minutes. At sa 5 minutes na yon, siguraduhin mong na-memorize mo na lahat ng formula! Kapag nakakuha ka ng mababang score wag mo na akong lapitan" nanguso naman ako dahil sa sinabi nya.

"Sabi ko nga mag-aaral na" mahinang sabi ko. Sininghalan nya lang ako at saka inabot ang notebook kung saan nakasulat yung mga formula.

Nanlulumong binasa ko yung mga yon. Hayst! Panget naman eeeehhh!! Minsan na nga lang akong mag-request ayaw pa akong pagbigyan.

T^T

"Wag mo kong simangutan dyan gunggong. Gusto ko lang naman magfocus ka sa inaaral mo. Oh baka..." napatingin ako sa kanya nang huminto sya sa pagsasalita.

Kunot noo ko syang tinignan. Parang may kakaiba sa tingin sya sakin. Bakit parang malungkot sya?

Why?

Umiwas sya ng tingin at mahinang bumuntong hininga, pero narinig ko yon. "Baka ano?" tanong ko.

"W-wala" tila nauutal nitong sagot.

Imposibleng wala.

"Ano nga?" pangungulit ko.

Narinig ko ulit syang bumuntong hininga bago nagsalita. "Baka hindi ka naman talaga seryoso. I mean... b-baka di mo naman talaga gusto na maging tayo. Ayokong pilitin ka sa pinagagawa ko, dahil magmumukha akong desperada. Kung ayaw mo, pwede mo namang sabihin sakin. A-ayos lang" bigla naman akong natigilan sa sinabi nya. Habang sinasabi nya yon, hindi sya makatingin sa mga mata ko.

"No. Gustong gusto kita Panget! Gusto kitang maging girlfriend, di lang yon. I want you to be my woman for the rest of my life" sabi ko sa kanya nang may malungkot na tono.

Sorry...

Napatingin sa sakin. "S-sorry kung hindi ako nagseseryoso sa pagrereview. I... I just... missing you. I know it's rude p-pero gusto lang talaga kitang titigan ngayon. Pero I promise, magfofocus na ako sa review" sabi ko pa. Hinawakan ko yung kamay nya at nagsusumamong tumitig sa mga mata nya.

"Please, sorry na" sinseradong pakiusap ko.

Waaaaahhh!!! Ayokong magalit sya sakin, magtampo huhu! Baka di na naman nya ako pansinin!

Bigla syang tumawa ng malakas kaya napangiwi ako. "Ang drama mo talaga gunggong HAHAHAHA! Oh sya sige, i-memorize mo na yan para makapag quiz ka na" napanguso naman ako.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jun 26, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

The Bad Boy's Love 2 Où les histoires vivent. Découvrez maintenant