CHAPTER 53

84 7 0
                                    

Sammer's POV

Sinakay nila ng ambulansya si Justine. Sunod namang sumakay si panget. Di ko naman alam kung sasamahan ko ba sya o hindi. Nagdadalawang isip ako. Baka kasi galit sakin si panget.

Hays! Bahala na!

Sumakay rin ako sa ambulansya kung nasaan si panget pati si Justine. Di naman ako pinansin ni panget kaya mas lalo akong kinabahan at naguguilty sa nangyari.

Nilagyan nila ng oxygen si Justine, yung nurse naman ginagamot si panget. Nakatingin lang sya kay Justine at mahahalata mo sa mga mata nya na nag-aalala sya.

Gusto ko syang yakapin para pagaanin ang loob niya pero wag nalang. Baka mas lalo pang bumigat.

Kahit katabi ko lang sya pakiramdam ko ang layo niya sakin. Hays! Ikaw naman kasi gunggong!

> — <

Tapos ng gamutin nung nurse si panget. Pero mukhang di niya pansin yon. Nakatulala lang kasi sya habang pinapanood yung ginagawa nila kay Justine.

Hays! Sorry... kasalanan ko.

Baka di na ako kausapin ni panget huhu!!!

Sumandal si panget at pumikit. Napanguso naman ako dahil pwede naman syang sumandal sa balikat ko pero hindi niya ginawa.

Hays!! Galit nga talaga sya sakin!

Habang tumatagal, napansin kong parang matutumba na siya kaya isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko. Hindi naman siguro niya ramdam

Ayst!!! Nakakatakot namang masaktan tong si Miracle. Yung tipong pakiramdam mo kinamumuhian ka na nya tapos hindi ka na talaga niya papansinin kasi galit sya sayo.

Waaaahhh!!! Ayoko ng ganon! Hindi ko kakayanin! Lalo akong mababaliw kapag nangyari yon!!

Nakarating na kami sa hospital. Gigisingin ko sana si panget nang magkusa syang bumangon. Nauna akong bumaba kasi ako yung nasa unahan. Aalalayan ko sana siyang bumaba nang magkusa ulit sya.

Waaaahhh!!!! Galit ba sya sakin?!! Huhuhu!!!

Nakaramdam naman ako ng kirot dahil sa pagtrato niya sakin ngayon. Para akong kaluluwa nalang na hindi niya mahawakan at hindi nya makita. Napabuntong hininga nalang ako.

Sumunod na ako sa kanila. Dinala sa operating room si Justine, naiwan naman kaming dalawa ni panget sa labas ng O.R.

Umupo ako sa tabi niya. Nakatulala lang sya habang nasa baba ang tingin. Napalunok naman ako.

Argh!!! Paano ko ba sya kakausapin? Paano ko sisimulan?!

Kinakabahan ako. "S-sorry" nauutal kong sabi sa kaniya. Hindi naman ako nakatanggap ng kahit anong salita galing sa kaniya.

Aaaahhh!!! Galit nga sya sakin!! Ikaw naman kasi Sammer! You're so careless!

"K-kasalanan ko to sorry... h-hindi dapat to m-mangyayari kung h-hindi kita inayang makipag-date" kinakabahang sabi ko pa sa kaniya.

Katapusan ko na ba?!

T — T

Hinintay ko syang magsalita pero umabot na ng ilang minuto hindi pa rin niya ako pinapansin. Napabuntong hininga nalang ako at dumistansta sa kaniya.

.
.
.

Miracle's POV

Simula kanina, nawawalan na ako ng ganang magsalita. Naguguilty ako nang sobra sa nangyari. Ako may kasalanan kung bakit hindi maganda ang lagay ni Justine ngayon.

The Bad Boy's Love 2 حيث تعيش القصص. اكتشف الآن