CHAPTER 54

83 6 0
                                    

Sammer's POV

Naalimpungatan ako nang sunod sunod na mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table habang nakapikit.

Humiga ako ulit at tinignan kung ano yun. Biglang nagising ang diwa ko nang makita ko yung sunod sunod na text ni panget. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.

Waaaaahhh!!!

Nilagay ko muna yung cellphone ko sa dibdib ko at tumingin sa kisame habang nakangiti. Halos umabot yung ngiti ko sa tenga.

WAHAHAHAHA!!!! SA WAKAAAAAS!!!

Kinikilig na naman ako!!! Aaaahhhh!!!

Dumapa ako at binasa yung text niya. Or should I say, MGA text niya. Hihihi!!

Di ko maiwasang mapapadyak dahil sa mga nababasa ko. Waaahh! Ano ba panget! You making me crazy again! Nakakabakla kang mahalin!

"From my baby panget. My labidabs! Nyahahahaha!"

"Sorry sa inasal ko kahapon" pagbasa ko sa unang text niya.

Okay lang my bibi! Hahah!

"Di dapat kita trinato ng ganon kahapon. Alam kong nasaktan kita kaya sorry"

Okay nga lang ono bo bwebwe kwo!!!

"Tumawag ka pala sakin kagabi at hindi ako yung sumagot non kundi si yabang" napakunot ako ng noo.

Yabang? Sino--- AAAAHHH!! SI ENGKANTO!

Tss!

Napalunok ako bigla dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Tss! Bakit naman ako mahihiya sa engkanto?!

"Mamaya na nilang kita tatawagan mukhang tulog ka pa" napanguso naman ako.

Miss ko na yung boses mo kaya pwede ba ngayon nalang? BWAHAHAHAHA!

"Ikaw nalang pala tumawag, wala akong pang-tawag. Basta tawagan mo nalang ako kapag gising ka na. Sorry ulit gunggong"

Waaaahhh!!!

Bigla akong napapadyak dahil sa sobrang kilig. Oo na! Sabihan nyo na akong bakla! Wala akong paki! Basta kinikilig ako!

Hoy! Para sabihin ko sa inyo girls! Mas babae pa kiligin ang mga lalaki kapag kinikilig kaya wag kayong ano!

Tinaas taas ko pa yung convo namin baka sakaling may naiwang message. Tss! Wala man lang I love you?

Wahahaha! Okay lang! Sasabihan mo rin ako niyan someday! Kung pwede nga lang sana ngayon haha!

Kinlick ko yung dial at tinawagan ang bebe ko. Agad niya namang sinagot yon. Wahahaha! Inaabangan niya talaga ako! Oha! Nababaliw na siya sakin! Wahahaha!

"Hi panget hihi!" iniiwasan kong kiligin pero kinikilig talaga ako. Hayst! Sa kaniya ko lang naramdaman tong ganito. Nakakainis siya!

.
.
.

Miracle's POV

Napangiti ako nang tawagan ako ni gunggong. Di naman kami nakapag-usap nang matagal dahil tinawag ako ng maid, pinatatawag daw ako ni Dad. Kakabangon ko palang nung nagtext ako kay gunggong kaya hindi pa ako kumakain. At isa pa, hinintay ko syang tumawag.

Tss! Puyat siguro kakaisip na naman sakin! Hahaha!

Nilagay ko na yung cellphone ko sa loob ng drawer ko at bumaba na. Naabutan ko naman si yabang don, kasama niya yung kapatid niyang babae na si Adrell.

Bakit ang aga nila dito?

"Oh? Maupo ka na" sabi naman sakin ni Dad. Umupo ako sa tabi ni Adrell at sya ang napapagitnaan namin ni Arzelin.

The Bad Boy's Love 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon