CHAPTER 56

171 9 7
                                    

Miracle's POV

Hinatid ako ni gunggong sa bahay. Buti nalang at wala si Dad kaya nakaligtas pa ako. At buti nalang, wala rin sila Arzelin tss!

Tulad ng dati kong ginagawa, naghahalf bath muna ako bago matulog. Nagpray at pumikit na. Inaantok na kasi ako.

Haaaaayyyy...

**Kinabukasan**

1 week na nga lang pala at mag-eexam na kami for the first quarter. At malamang nyan, kinakabahan na si gunggong haha!

Bakit ko nga naisip yung sinabi ko sa kanya?

Imposibleng mapasama sya sa rankings. Whole grade 12 students ang maglalaban laban sa rankings. Sa dami ba naman ng estudyante sa campus at sa dami ng matatalino kasama na kaming mga nasa highest sections, malamang nyan hindi sya makakapasok.

Pero may tiwala akong kakayanin nya, kung gugustuhin nya. Kung talagang gusto nya akong maging girlfriend, gagawin nya lahat kahit pa na alam nyang mahirap at sobrang imposible. And besides, hindi lang naman para sakin yung gagawin nya, for his sake rin. Para ipagmalaki na sya ng Dad nya. Right? Haha!

Pagbaba ko, naabutan ko si Dad na kumakain. Naalala ko naman bigla si Justine, kamusta na kaya sya?

"Where have you been last night?" tanong niya pagkaupo ko.

Binigyan ako ng maid ng pagkain at inumin. "May pinuntahan lang" sagot ko. Medyo kinakabahan ako dahil alam nyo na? Tss!

"Kasama si Sammer? Tama ba?" napatingin ako sa kanya nang itanong nya yon. Di ko alam kung nagagalit ba sya o ano dahil di ko mabasa ang nasa isip nya. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin.

"You know kung gaano kaimportante para sa pamilya natin at sa pamilya ng mga Einstone ang kasal nyong dalawa ni Arzelin! You can't say no nang basta basta Miracle! Wag mong ipahiya ang apilyedo ko sa kanila" galit na sabi nito.

Nakaramdam naman ako ng inis kaya napayukom ako ng palad.

Tss!

"Di naman pwede na pati tong bagay na to, kayo magdedesisyon. Ayokong magpakasal sa kanya! Ayoko sa kanya! Kung ganito lang rin naman ang kahihinatnan ko dito, babalik nalang ako sa dating ako. Yung buhay ko dati. Besides, I can live without others help, without your money or everything na binibigay mo sakin. Nakaya ko ngang mabuhay hanggang ngayon" madiing sabi ko. Napayukom naman sya at alam kong nagalit sya sa sinabi ko.

"I can live without a family. Sa totoo lang, mas gusto ko pa yung dati kong buhay kaysa ngayon dahil pakiramdam ko ang liit liit ng mundo. Ang hirap gumalaw nang kampante at malaya dahil pakiramdam ko, para akong nakatali at may limitasyon lahat ng galaw ko" di ko na mapigilan ang sarili ko ngayon. Natigilan naman sya sa sinabi ko.

"Pati  ba naman pagmamahal sa isang tao, kokontrolin nyo? Pati ba naman pagmamahal walang kalayaan?" dagdag ko pa. Hindi sya nagsalita at nanatiling tahimik.

Gusto ko sya as my father dahil mabuti syang tao, maalaga at ipaparamdam nya talaga sayo na may ama ka at anak ka nya. But this time? When it comes to love, parang nag-iiba yung tingin mo sa tao. Na kahit magulang mo, handa mong suwayin para lang makapagmahal.

"Ayokong kamuhian ka. Ayokong ituring ka tulad ng kung paano ko ituring si Mr. McGrey. Alam kong mas mabuti at mas better kang tatay kaysa sa kanya. Ayokong magalit sayo. Kaya Dad, di mo ako kailangang ipakasal kay Arzelin. Kaya mo namang patakbuhin yung negosyo mo nang wala sila" sabi ko ulit sa kanya.

Tumingin ako sa wrist watch ko at tinignan ang oras. 6:10 am na. Di na ako nagpaalam sa kanya at umalis nalang ako. Di na rin ako nagpahatid sa driver namin dahil parang gusto kong magbus ngayon.

The Bad Boy's Love 2 Where stories live. Discover now