CHAPTER 57: MR. MCGREY IS ARRESTED

46 3 0
                                    

Miracle's POV

Natapos na ang klase. Nauna kaming lumabas kila gunggong kaya nandito pa kami ngayon sa field. Ang tagal kasi ng mga yon.

"Nga pala, matanong ko lang Mira" pambabasag katahimikan ni Krisa habang nakatingin sakin, napakunot noo naman ako. "Diba gustong gusto kang ipakasal ng tatay mo kay Arzelin? Tuloy ba talaga?" parang nag-aalangang tanong nya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. "Hangga't maaari, ayokong matuloy yon. Di ko naman gusto si Arzelin para sakin" walang ganang sagot ko.

"Paano kung matuloy? Paano si Sammer? Anong gagawin mo?" tanong naman ni Jona kaya napatingin ako sa kanya. "Oy no offense ah! Nagtatanong lang ako. Nakaka-curious lang kasi. Hayst! Ang daming nangyayari sa buhay mo ngayon Mira" dagdag pa nya.

Napaisip ako bigla dahil sa tanong nya. Kahit ako, di ko alam ang sagot. Di ko alam kung ano bang gagawin ko.

"PANGEEEET!!!!!!" rinig kong sigaw ni....

Sino pa ba? Edi yung gunggong!

Papalapit sila samin, si Sammer naman parang bata habang tumatakbo. Tss! Baliw na baliw na naman sakin ang gunggong.

Bigla akong napangiwi.

In fairness, kahit tumatakbo sya gwapo pa rin ng mukha. Napaka-hygenic talag---photogenic pala yon.

"Titig na titig ka sakin?" taas kilay na tanong ni Sammer. Sinamaan ko naman sya ng tingin at tumayo na ako.

"Mangarap ka, tss!" pananaray ko. Bigla naman syang ngumuso pero inirapan ko nalang sya at tinalikuran.

"Kanina ka pa masungit sakin! Ano bang nagawa ko?" pagdadrama ng mokong pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Baka nakita ka kanina" rinig kong sabi ni Hunter kaya napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila.

Nakita ko naman si Sammer na nilakihan ng mata si Hunter kaya napatakip ito ng bibig. May hindi ba sila sinasabi sakin?

"A-ahh... ang ibig kong sabihin eh bilisan na natin!" pag-iiba ni Hunter.

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako. Nasa ibang kotse sila Hunter, Razzel, Krisa at Jona. May sariling kotse kasi yung dalawang mag-jowa.

Tahimik lang ang biyahe namin ni gunggong. Nakakawalang ganang magsalita ngayon. Nakarating naman na kami sa hospital. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng pinto ni Sammer pagkatapos nyang mag-park.

Sakto lang din ang pagdating nila Krisa. "Tara na! Miss ko na si Justine haha!" nasasabik na sabi ni Hunter.

Pumasok na kami sa loob ng hospital at tinungo ang room no. na binigay samin ng nurse. Buti nalang wala si Dad.

Pumasok na kami sa loob ng room na yon at nadatnan namin si Justine na inaasikaso ng mga nurse. Napangiti ako nang makita ko syang gising na. Napatingin sya samin at biglang ngumiti.

"KKKKKJJJJJJ!!!!!" sigaw ni Hunter at tumakbo papalapit kay Justine at niyakap. Iniwan pa nga ang bag eh. Tss!

"Hays! Hindi ko talaga alam kung lalaki ba talaga tong si Hunter o bakla" rinig kong sabi ni Sammer kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh? Ganyan ka na naman kung tumingin sakin?"  nakangusong sabi nito.

"Hoy! Wag nga kayong mag-away sa harap ni KJ! Respeto naman sa pasyente!" sigaw ni Hunter. Nagtawanan nalang kami.

Nilabas na nila Krisa yung binili nilang pagkain at inayos sa ibabaw ng table na nasa parang sala. Ako naman, umupo ako sa tabi ni Justine.

"Ano? Okay ka na?" tanong ko kay Justine. Tumango naman ito.

The Bad Boy's Love 2 Where stories live. Discover now