Chapter 55

86 9 1
                                    

Miracle's POV

Tahimik lang ako sa biyahe hanggang sa makauwi ako. Si yabang ang nagsundo sakin. Ayoko sanang sya ang sumundo sakin pero mapilit si Dad.

Tss! Ano bang nagustuhan niya sa mayabang na yon? -,-

Edi sana sya nalang nagpakasak kay Arzelin tutal gustong gusto niyang ang mayabang na yon tss!

Wala si Dad nang makauwi ako. Binilinan niya lang yung mga maids na asikasuhin ako. Pero sabi ko ako na bahala.

May nakita kong isang malaking box sa kama ko nang makapasok ako sa kwarto. Di naman sya ganon kalaki.

"Dress?"

Hays!

Walang gana kong tinungo ang salamin habang bitbit yung dress. Tinapat ko sya sa katawan ko para tignan kung hanggang saan. About 3 or 4 inch above the knee yung iksi ng dress.

"At kailan pa ako nagsuot ng ganito?! Tss!"

Binalik ko nalang yung dress sa lalagyan niya at naghanap ng formal pants at button down.

[Yung button down/button down blouse, eto yung blouse na may butones mula neck line hanggang baba tsaka long sleeve sya. Gets?]

Naligo ulit ako at nagpalit. Nilugay ko lang yung buhok ko at wala ng ibang cheche bureche sa mukha. Simpleng pabango lang at simplemg ayos lang.

Ayokong nagsusuot ng masyadong pang-girly. Masyadong maarteng tignan. Tss!

Bago ako lumabas ng kwarto, umupo muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Sasabihin ko ba sa kanya?

Eh kaso kapag sinabi ko baka panghinaan naman ng loob yon. -,-

Mas babae pa naman yun kesa sakin. Tss!

Napagpasyahan ko nalang na wag nalang sabihin. Wala pa namang kami eh kaya ayos lang. Lumabas na ako ng kwarto, nakita ko naman si yabang na naghihintay sakin habang nakaupo sa couch. Napatingin sya sakin at tumayo na rin.

"Let's go?" nakangiting tanong niya. Inirapan ko lang sya at nauna na akong maglakad. Hindi ko na rin sya hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng kotse at ako na mismo ang nagbukas.

May mga kamay naman ako kaya di ko sya kailangan!

Sumakay na rin sya sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Dinala niya ako sa isang restaurant. Di ako pamilyar sa lugar kaya di ako alam kung ano to. Malayo layo rin to sa bahay namin dahil matagal ang biyahe.

Akmang hahawakan niya yung kamay ko nang umiwas ako. Napakunot naman sya ng noo at ako? Sinamaan sya ng tingin.

"Di naman ako lampa, bulag o ano. Tss! Kaya kong maglakad mag-isa" may pagkainis na sabi ko sa kanya. Pinauna ko syang maglakad.

Eh di ko naman alam kung bakit kami nandito. -,-

Malamang kakain!

"You're here. Oh? Sya na ba si Miracle?" sabi nung isang matandang babae. Pero parang hindi sya matanda sa suot niya at sa itsura niya.

Mukha syang artista at mukhang dalaga. Pero may mga kulubot-kulubot na kasi sya kaya nalaman kong matanda na.

"Yes Madame, have a sit" baling naman ni yabang sakin. Ayoko sanang tumabi sa kanya pero no choice ako.

So pamilya nya lahat ng nandito? Tss! Wala naman akong paki!

"We arrived here to arrange your engagement party. Isang buwan nalang naman at ikakasal na kayo and that's exciting right?" panimula nung matandang babae.

The Bad Boy's Love 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon