Chapter 32 | Home

424 79 6
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Weeks have passed but what happened was still vivid in my memory. Hindi na muli kaming nagkita ni Xavier. Tapos niya ng sagutan ang mga tanong na ipinasa ko sa kanya at nai-submit ko na ang mga iyon kay Mister Cornelius. Binigyan pa ako ng isang buwang bakasyon ni Sir Miguel para raw sa maayos kong trabaho. Napabuntong-hininga ako.

Kung alam niya lang...

Bumangon ako sa pagkakahiga ko subalit nakaramdaman na naman ako ng pagkahilo. Lagi na lang akong ganito tuwing umaga. Iniisip ko kung kulang ba ako sa tulog o ano, pero parang hindi naman.

Lately, lagi na lang akong inaantok at laging gutom, hindi na nga ako nakakapag-excercise kaya siguro nasasabihan ako ni Ate na nananaba ako. Ibinagsak ko muli sa kama ang katawan ko at muling natulog.

Nagising ako dahil sa lakas ng pwersa ng unan na tumama sa mukha ko. Bumungad sa akin ang nakapamewang at taas kilay na mukha ni Stella.

"Ano ba! Badtrip ka naman Iste," sabi ko at mas isinubsob pa ang sarili sa kama.

"Stella and Selene's Day ngayon baka nakakalimutan mo! Bumangon ka na diyan!" bulyaw niya at hinila-hila pa ang paa ko. Asar akong bumangon pero nahiga ulit, para kasing hinihila ako ng kama pabalik.

"Alam mo may napapansin akong kakaiba sayo," she said. Inangat ko naman ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Pero hindi ko alam kung ano, mag-inom tayo sa bar ngayon. Magse-celebrate tayo dahil sold-out ang album ko," she said gleefully.

"Ayokong magbar ngayon, Iste. Magpasalon na lang tayo," suhestiyon ko.

Maligaya naman siyang tumango kaya nagbihis na ako para magpunta na kami sa dapat naming puntahan.

Nagpagupit lang ako dahil wala talaga akong gana ngayong araw na 'to. Pagkatapos namin sa salon ay kumain kami ni Stella sa labas.

Kumakain kaming dalawa ng mamataan ko si Michelle, mukhang nangayayat siya at saka maitim na rin ang ilalim ng mga mata niya. Siguro ay na-stress siya sa sunod-sunod na isyung kinasasangkutan niya.

Ewan ko ba, simula kasi noong isang linggo ay naglabasan na ang lahat ng baho niya bilang isang modelo, pati ang hidden affair niya sa P.A niya ay lumabas na rin.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa pero agad din siyang umiwas. Weird! Akala ko papatulan niya ako. Gusto ko sana siyang i-confront tungkol do'n sa mga kasinungalingan na sinabi niya sa akin pero sa estado niya ngayon, sapat na sigurong karma 'yon.

"CR lang ako," sabi ko kay Stella makalipas ang ilang minuto.

Tumayo at tinungo ang girls comfort room, mabilis lang din akong natapos kaya lumabas na ako agad pero nagulat ako dahil nakita ko si Michelle na nakasandal sa lababo. Takot at pagsisisi ang mababanaag na emosyon sa mga mata niya.

"Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo?" I asked her.

Simula talaga ngayon, kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi na ako maniniwala.

"Masama si Xavier," she said.

"Share mo lang?" barumbado kong sagot.

"Totoo ang sinabi ko Selene. Mapaghiganti siya, magaling siyang maglaro at —"

Hindi ko na siya pinatapos dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin niya. Walang lingon akong lumabas sa CR at tinungo ang table namin ni Stella.

Umupo ako at naabutan ko pa siyang nakatanaw sa kabilang mesa, lumipat ang tingin ko doon at nakita si he-who-must-not-be-named na nakaupo sa kabilang table kasama ang isang lalaki mukhang may pinag-uusapan sila.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now