Chapter 18 | Storm

440 77 28
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Pilit kong iwinawaksi ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo. Alam kong hindi ganoon kababaw si Xavier, tatanungin niya muna ako tungkol doon. Kaya hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ngayon.

"Are you okay?" Solana asked.

"Oo, ayos lang ako," sagot ko.

Nagpatuloy ang celebration hanggang sa magdesisyon na kaming umuwi. Doon na kami pinatutulog ni Miss Xavina kaso sinabi namin na kailangan naming mag-impake para sa pag-alis namin bukas.

Bago kami tuluyang umalis ay tinanong ni Ate Xavina kung pwede niya ba akong makausap, agad naman akong tumango at niyaya niya ako sa balcony ng kwarto nila ni Xavian.

"Selene..."

Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I want you to know that I am really happy, for you and Xavier. Nakita ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Ayaw na ayaw ni Xavier na nasasaktan ka, ayaw niyang nawawala ka sa paningin niya, ayaw niyang mawala ka sa kanya. As much as possible, gusto ko siyang tulungan na mapanatili ka sa tabi niya but I only have a little time left."

Hindi ko siya maintindihan pero baka kailangan niya lang ng kausap kaya nakikinig lang ako sa kanya. Hindi ko na sinubukang umimik o ano, basta gusto ko lang makinig.

"I was in love... no scratch that... I am still in love with Xavian's father. Siya nga lang siguro ang lalaking mamahalin ko dahil kahit hanggang ngayon na nandito na ko sa huling yugto ng buhay ko ay siya pa rin ang gusto kong makasama. You know, the fairy tale is a hoax. It's an ideology, a make-believe that a happy ending does exist but in reality, it's not. It is just a facade that masks the reality of love. In my case, love is painful and destructive especially when you found love with someone you can never be with."

Humarap siya sa railings at tumingin sa malayo.

"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo dahil baka ito na ang huli nating pagkikita," may inabot siya sa aking sobre. "Buksan mo kapag handa ka na."

"Maaaring sa mga susunod na araw ay kamuhian mo na ako, Selene," pagpapatuloy niya.

"You won't remember me as your cultural studies instructor, but rather a selfish bitch who'd destroyed your life. Funny, how I always chose the happiness of others over my own, tapos ngayon heto ako, pinipili ang kasiyahan na gusto ko. Gusto ko siyang ipaglaban sa tamang paraan pero nauubusan na ako ng oras. Duwag ako Selene. Mula noon hanggang ngayon duwag pa rin ako."

"Bakit mo po sinasabi sa akin 'to?"

She smiled weakly, "Dahil alam kong sa lahat ng mangyayari kayo ni Xavier ang higit na maapektuhan, patawarin mo ko, Selene. Pero sana kahit anong mangyari ay huwag mo siyang iiwan. Alam kong wala akong karapatang humiling sa'yo pero hindi niya kasi kakayanin. Ayokong madagdagan ang galit sa puso ng kapatid ko."

Pinunasan ni Miss Xavina ang luha niya. Inayos niya ang sarili niya at ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.

"Thank you and sorry for everything Selene! Sorry..."

Pagkatapos noon ay iniwan niya na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nadagdagan lalo ang bigat sa dibdib ko.

"Selene halika na!"

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako at si Solana ang nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Alam kong hindi ka okay. Sabihin mo sa akin mamaya ang problema," bulong niya. Tumango naman ako. Baka kasi kailangan ko lang ng makakausap para maibsan ang mga agam-agam ko.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now