Chapter 22 | Huh?

412 79 20
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

The sun is rising when the plane finally lands off. Kinuha ko ang mga bagahe ko at sumabay sa dagat ng tao na naglalakad palabas sa airport. Buong biyahe akong hindi mapakali. The thought of seeing him after six long years made my heart thumped rapidly.

Agad kong kinapa ang cellphone ko sa sling bag na suot ko para magpasundo na kay Ate. Ilang ring lang at sinagot naman na nito agad.

"Hello, Ate. Nandito na po ko."

"Gosh, sorry bunso. Tinakbo kasi namin sa hospital si Dylan kaya baka hindi kita masundo. Pero kinausap ko na sila Stella at papunta na sila ni Hunter diyan," sabi ni Ate.

Hindi niya na hinintay ang sagot ko dahil binabaan na rin agad niya ako ng telepono.

Natampal ko ang noo ko ng maalalang sila Stella ang susundo sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi yata nakatulong ang anim na taon kina Stella at Hunter, parang mas lalo pa silang naging isip-bata pero alam ko naman na kahit malaro ang dalawang iyon ay mas mabigat ang problemang pinagdadaanan nila kaysa sa akin.

"Hi sa frenny kong masikip!" Stella screamed.

Nangunot naman ang noo ko. Nag-disguise pa sila kung gagawa rin naman pala ng eksena. Dahil sa hiyaw niya ay nagtinginan ang mga tao. Sinisipat-sipat sila ng mga ito hanggang may nagsigawan na at mukhang dudumog sa kanila. Agad akong hinila ni Hunter at isinakay sa sasakyan pati na rin ang maleta ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos kaming nakawala sa mga fans nila.

"Ang bobo ni Stella, puta!" Pikon na sabi ni Hunter pagkatapos ay inalis ang wig at shades niya.

"Na-overwhelmed nga ako. Bobo mo kasing mag-disguise, halata rin naman ang hitsura mo," Stella said.

I rolled my eyes. Ito ang sinasabi ko, para pa rin silang mga first year college kung magbangayan. Parehas naman nilang naabot ang mga pangarap nila, medyo lumihis lang si Hunter kasi graduate ng Veterinary Medicine pero naging isang sikat na artista.

"Balita ko, may ipapa-publish ka raw na libro? Uy! Kapag naging sikat na writer ka na 'wag mo kaming kakalimutan ha?" Hunter smirked.

"Ikaw nga diyan eh. Sikat ka na ha. Iba't ibang artista ang nalilink sayo," I mocked at him.

"Parang tanga nga, nagkakagusto sa mukhang kuhol," sabi naman ni Stella na sinabayan pa ng malutong na halakhak. Napatawa na rin tuloy ako.

"Mukhang kuhol ka diyan! If I know, crush na crush mo rin ako," buwelta naman ni Hunter.

"Oh gosh!" Bulalas ni Stella at nag-sign of the cross pa.

"Kakain tayo sa labas ha" Imporma ni Hunter sa amin. "At syempre libre mo," sabi niya habang nakatingin sa akin at nagtataas-baba pa ang kilay.

"Bakit ako? Dahil kadarating ko?" I asked.

"Tanga! Dahil ikaw ang may pinakamalaking sweldo!" Stella answered.

Hindi na ako nakaangal pa dahil huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Umagahan pa lang pero ang lakas ng kumain ng dalawa.

"Hunter! Mabilaukan ka sana," sabi ni Stella sabay pukpok sa ulo ni Hunter, paano kasi ay inagawan siya nito sa pagkain. Inabot ko kay Stella ang inorder ko, hindi naman kasi ako gaanong gutom. Buti na lang at may mga VIP rooms dito sa kinainan namin, kung wala siguro ay nakaagaw na naman ng atensyon si Stella.

"Bakit ba para kayong mga patay-gutom?"

"Ako kasi, laging maaga ang taping ko. Hindi na ko nakakakain ng maayos. Ngayon na lang ulit. Salamat sa libre, bossing," sagot ni Hunter at sumaludo pa sa akin.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now