Chapter 2 | Good night

815 92 72
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

MAAGA akong nagising. Actually, hindi ako sigurado kung nakatulog ba ako.

"Selene, natulog ka ba?" pang-aasar sa akin ni Stella.

"Kainis ka kamo! Iniwan mo ako doon kahapon!" gigil kong sagot.

Tinawanan niya lang ako bago bumalik sa bed niya. Sakto namang lumabas si Solana sa banyo. Maaga yata ang pasok niya ngayon. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Sorry sa kahapon. Baliw talaga si Carrie. Lagi niya naman akong pinagseselosan. Ang hindi niya alam kaibigan ko lang talaga si Xavier. Sorry ha? Siya nga pala, nag-sorry na rin ba siya sayo?" tanong niya at naalala ko na namang muli ang nangyari kahapon.

"Oo. Kainis nga 'eh, pangiti-ngiti pa! Pafall!" I babbled.

Nakita ko ang ngisi niya sa akin. Shit, bakit ko sinabi 'yon? Narinig ko rin ang hagikgik ni Stella. 'Buti na lamang at tulog pa ang iba naming kasama.

"Huwag kang mahuhulog sa ngiti niya baka masaktan ka," sabi ni Solana habang nakangisi.

"Bakit, nahulog ka na ba sa mga ngiti niya?" I asked.

"Hindi 'no! Pero nakita ko kung ilang babae na ang umiyak para sa kanya," sabi niya bago ipagpatuloy ang pag-aayos ng sarili.

Naligo na lang ako, baka sakaling mahimasmasan. Nakalimutan ko ang skincare ko kagabi dahil sa kaiisip ko sa kanya at sa ngiti niya. Nagbihis na rin ako saka nag-ayos na.

Dumiretso na kami ni Stella sa canteen at nagsimula ng kumain ng umagahan. Napabuntong-hininga ako ng maalalang muli ang nangyari dito kahapon.

"Lalim ha, nalunod ako!" sambit ni Stella habang ngumunguya.

Napakasiba nitong tao na 'to pero hindi naman tumataba.

"Alam mo, naisip ko parang hindi pala dapat ako nag-dorm," naagaw niya ang atensyon ko kaya naman inusisa ko kung bakit.

"Napakarami kasing bawal. Alam mo naman ako, I like breaking the rules. I despise conformity, kaso baka magkaroon ako ng bad records sa OSA kapag ginawa ko 'yon," she said.

Tinawanan ko lang siya. Halata kasing frustrated siya. Ang OSA or Office of the Student Affairs kasi ang nangangasiwa sa mga dormitories sa loob ng school at nakakahiya naman talaga kapag nagkaroon siya ng bad record doon.

"Kailangan talaga ng rules para maging maayos ang kalagayan ng mga estudyante," saad ko.

Well, pabor naman talaga ako sa mga rules nila. That way, mas mapapangalagaan nila ang kaligtasan ng mga estudyante.

"Eh, hindi ko rin kasi feel sila Ate Caroline. Naiinis nga ako kasi ang ingay-ingay nila kagabi," dabog niya. Napahalakhak tuloy ako dahil sa hitsura niya.

"Ano ka ba? Pangatlong araw pa lang natin silang nakakasama 'no. Ikaw pala ang judger sa ating dalawa. Give them the benefit of the doubt, malay mo naman mas maging close pa natin sila sa mga susunod na araw."

"Ah basta! May tiwala ako sa instinct ko," she mumbled while chewing her food.

"Hello everything, how are you to find out!"

Napalingon ako matapos kong marinig 'yon. Nakita ko ang nakangising mukha ni Hunter.

Lumapit siya sa amin at naupo sa bakanteng upuan, "nag-aadik ka ba?" kunot-noong tanong ko. Nagtawanan naman sila ni Stella.

"Hay naku! Selene Francheska, try mo rin kasing mag-social media para updated ka. So, Hunt, napanood mo ba iyong vlog na nahulog siya sa puno, grabe tawang-tawa ako," kwento ni Stella.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now