Chapter 6 | Kiss

560 84 25
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Hanggang sa matapos ang party ay hindi matanggal ang ngiti ko. Mula noong nakilala ko si Xavier ay wala na laging mapagsidlan ang saya ko pero kaakibat din ng kasiyahang iyon ay ang takot ko.

Natatakot ako, Xavier is too good to be true at imposibleng walang catch ang lahat ng ito.

"Girl, mapipilas na ang pisngi mo," sita sa akin ni Stella.

Madaling araw na ng matapos ang party dahil may ilang kasiyahan pang naganap. Plano naming mamasyal bukas bago kami umuwi sa Muñoz para sa pagpasok kaya kailangan na naming magpahinga.

"Ano bang nangyari kanina?"

Muli kong naalala ang nangyari kanina. "Tinanong niya ko kung pwede siyang manligaw," hindi ko na mapigilan ang pagtili ko.

"Aguy! Tinanong ka pa lang kung pwedeng manligaw pero 'yang reaction mo parang inalok ka na ng kasal," Alaska ni Stella. Nagtawanan sila ni Solana.

Napasimangot na lang ako saka pinikit ang mga mata. But as I closed my eyes, bumalik sa balintataw ko ang mga pangyayari kanina.

Nervous. I don't know what's happening. He seems to be allowing me to see his soul and his bare when he looks at me. I can't handle the excitement. I am very curious to find out what it is.

"You might be thinking that everything between us comes too quickly. I'm not rushing you, baby. I'm willing to wait, but allow me to prove myself first. Allow me to court you. "

He's neither asking a question nor asking for permission. There doesn't appear to be any room for a "no" in his demanding voice. It seems like he will carry out the plan whether I like it or not.

NAGISING ako dahil sa mga munting ingay sa kwarto ko. Tiningnan ko ang mga pamangkin kong nagtuturuan kung sino ang gigising sa akin. Agad ko silang tinawanan at hinalikan sa pisngi. Steffi and Felicity stay at my bed while I prepared myself. May lakad kasi kami ngayon with my friends, family and Xavier. The thought of him made my heart pumps rapidly.

I wore my black skinny jeans paired with beige boucle knit top and my gladiators. Kahit kasi gusto kong artehan ang porma ko, hindi ko magawa dahil baka kapag nakita ako ni Daddy na ganoon ay hindi niya na ako payagang lumabas.

Kasama ang dalawang bata, bumaba kami sa sala at doon ko sila nakita, nakagayak na sila at mukhang ako na lang ang hinihintay. Sinuyod ng mata ko ang mga taong kaharap ko at nakita ko si Xavier na kausap si Solana.

He's wearing his black classic shirt with his gray hoodie paired with slim fit jeans and his gray converse. Simple lang din ang suot nila Stella at Solana kaya naisip kong tama lang itong sa akin.

"Where's Kuya?" Ate Sofia asked. Doon ko lang din napansin na wala nga ang kapatid ko.

"Umalis siya kagabi. Hindi ko alam kung saan nagpunta," Ate Aira said. Tinext na lang nila si Kuya kung saan kami pupunta para kung sakali na gusto niyang sumunod ay makakasunod siya.

Sumakay kami sa van ni Daddy at si Mang Dindo ang nagmaneho para sa aming lahat. Pumunta kaming lima sa pinakalikod ng sasakyan. Habang nasa byahe nag-kantahan sila Hunter at Stella. Nag-kwentuhan pa ng mga kalokohan namin noong highschool kaya't napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan.

"Tapos natatandaan mo ba noong Prom, tapos inawardan si Selene na Prom Queen? Men, ayos na sana kaso no'ng ilalagay na ang sash natapilok pa ang loka," kwento ni Stella kaya naghagalpakan sila ng tawa.

"Men, her reaction was priceless. Parang gusto niya na lang kainin ng lupa noong mga panahon na 'yon," sabi naman ni Hunter.

Dama ko na ang pag-iinit ng pisngi dahil doon. Halos hindi na kasi ako makaupo noong gabing 'yon dahil sa mga nagsasayaw sa akin, hindi ko alam kung bakit noong araw na iyon pa sumuko ang heels ko. Pakiramdam ko noon maiiyak ako, pero chineer naman ako ng adviser ko kaya medyo naging okay naman ang pakiramdam ko, pero inulan naman ako ng kantyaw mula kay Stella at Hunter. Tinawag pa nila akong The Prom Queen with a broken heel.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon