Chapter 26

3.2K 57 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama saking mukha. Minulat ko Ang aking mga mata at agad Kong Nakita Ang isang malaking protrait na nakasabit sa gitna nang isang Hindi pamilyar na kwarto.

Natigilan ako nang mapagtanto kong protrait pala yun namin ni Gab nung kasal namin. Napa-upo ako at dun ko lamang naalala Ang nangyari kagabi. Agad Kong tinignan ang tabi ko at dun ko lang nalaman na mag katabi kami pala ni Gab. Tinignan ko Ang aking sarili at Parang gusto Kong sumigaw nang Makita Kong nakahubad ako at ganun din si Gab.

Oh my gosh.... Something happened last night.

Hindi ko Alam Kung normal ba Ang nararamdaman ko pero walang kahit ni katiting akong pagsisisi sa nangyari samin ni Gab.

Kabaliwan man isipin pero last night for me was.... Magical.

Hindi ko rin Alam Kung paano Basta Ang Alam ko ay masaya ako dahil kasama ko si Gab at Hindi ako nagsisisi sa nangyari samin.

Parang nawala lahat nang control ko Nung hinalikan ako ni Gab. Alam ko na Hindi Lang dahil sa alak Kung bakit nag paubaya ako sakanya. I know that there's still something in me that wants and seek for Gab. Siguro'y kahit isang taon na ang lumipas ay Hindi pa din nawawala Yung pag mamahal ko sakanya.

At bakit ba Kasi mawawala agad? Bakit ba Kasi maglalaho? Eh Sabi nga ni Alley siya Yung nag bigay buhay sakin e. Siya Yung lalakeng nag bigay saysay sa malungkot at tila'y walang patutungahan kong buhay.

Kinuha ko Ang damit ni Gab na malapit Lang sa direksyon ko at sinuot iyun. Tinignan ko Ito at nakita Kong mahimbing itong natutulog.

Hindi ko maiwasan Ang Hindi mapa ngiti dahil sa malaya ko itong natititigan. Sa sobrang himbing nang tulog niya ay Parang ayoko siyang gisingin at parang gusto ko Lang Itong pag masdan.

Namula Naman Ang magkabilang pisnge ko nang maalala ko Kung paano Niya pinaramdam sakin kagabi Kung gaano Niya ako ka-miss at kagustong angkinin. But the way Gab made love with me last night, was so different from the way he made love with me before.

Kagabi ay Parang takot na takot siyang masaktan ako. Ingat na ingat ang bawat pag galaw niya sakin na ultimong pag higa Lang sakin sa Kama ay kailangan hawakan Niya pa ako saking likuran.

I smiled. My Ai is different now... Differently good.

Dahan dahan akong tumayo para Hindi magising ang mahimbing na tulog ni Gab. Tinignan ko Ang kabuohan nang kwarto. So ito pala Yung kwarto ni Gab. Yung kwartong Hindi ko man Lang nakita sa dalawang taon namin na kasal.

Merong malaking portrait namin na nasa gitna nang kwarto ni Gab. Ngunit nagulat ako nang Makita ko Ang mga nakarayang maliliit na picture frames sa isang table ni Gab. It was all my stolen pictures from our wedding day.

Nakaramdam ako nang saya dahil sa Nakita ko. I didn't know Kung kailan ba nilagay ni Gab diyan Yung mga litrato ko. But what's important is, meron akong mga pictures na pina-frame Niya, at sapat na Yung bagay na Yun para masabi ko na importante ako Kay Gab.

Lumabas ako nang kwarto ni Gab at nakita ang katabing kwarto neto. This was my room. Nag lakad ako papalapit dun at nakitang wala pa ding pinagbago. Pero nag taka Lang ako dahil parang tinutulogan Yung Kama ko. Wala namang ibang Tao dito bukod Kay Gab, pero bakit ko Naman iisipin na dito siya natutulog? Eh may sariling kwarto Naman siya.

Bumaba ako Mula sa second floor papuntang first floor nang bahay ni Gab, na naging bahay ko din noon. Hindi ko maiwasan Ang Hindi malungkot at makaramdam nang sakit dahil sa mga alaala ko dito dati.

In this living room.... Dito ako palagi sinasaktan ni Gab. Ito din Yung saksi sa pag iyak ko. Ngunit, naging saksi din Ito Kung paano unti unting nag bago si Gab sa sakin at Kung paano ko naramdaman Ang pag mamahal Niya.

That was the sad part. The painful part is...

In this living room... Dito ako walang tigil at walang awang sinaktan ni Dex. Dito niya ako sinaktan na para bang gusto Niya na akong patayin. Yung Sala ding Ito Ang may saksi Nung... Nung namatay Yung baby ko.

Agad akong tumingala nang maramdaman ko Ang pagmuo nang luha saking mga Mata.

Kahit pala isang taon na Ang nakalipas at kahit pala sabihin ko na okay ako at masaya ako dahil sa nakasama ko ulit si Gab, ay Hindi pa din nawawala Yung sakit.

Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin Mula saking likuran. Nilingon ko iyun at agad akong napangiti nang Makita Kong si Gab pala.

"Nagising ba Kita?" Tanong ko dito. Umiling Ito bago nilagay Ang mukha Niya sa leeg ko.

"Nope. Pero dapat ginising mo ko." He said. Napanguso Naman ako.

"Ayokong gisingin ka. Napaka himbing nang tulog mo e." Sabi ko. Narinig ko Naman Ang pag tawa neto.

"Ngayon Lang ulit ako nakatulog nang ganun ka himbing." He said. Kunot noong tinignan ko Naman Ito.

"Why?" I asked.

"Nung iniwan mo ko,  pakiramdam ko gumigising Lang ako dahil sa kailangan Kong gumising. Everything is fine pero Alam ko sa sarili ko na merong kulang, and I know so well na ikaw Yun." Sabi ni Gab na nag patigil sakin.

Hindi ko Alam Kung paano at Kung Anu Ang irreact ko sa sinabi Niya. I didn't know and I didn't expect that he is feeling this way.

Akala ko noon ay naging okay siya nung nag hiwalay kami, pero mali ako. Katulad ko ay naging miserable din ito. Just like me he was also devastated because of what happened.

Parang gusto Kong sisisihin ang sarili ko dahil sa nangyari samin ni Gab. At sino rin ba yung pwede Kong sisisihin? Eh ako Naman Ang may kasalanan Kung bakit namin naramdaman Yun ni Gab. Ako Ang may kasalanan Kung bakit kami nag dusa ni Gab.

Hinarap ko Ito dahilan para mapatingin Ito sa mukha ko. "I'm sorry." Simula ko. "I'm sorry dahil naduwag ako. I'm sorry dahil naging selfish ako. I'm sorry dahil sumuko ako agad. I'm sorry dahil iniwan Kita. I'm sorry Gab...." Sabi ko.

Ramdam ko din Ang pamumuo nang luha saking mga Mata. Nakita ko itong nakatingin sakin na tila'y ramdam din Ang sakit na nararamdaman ko.

"I-I'm sorry...." Basag Ang boses Kong Sabi at Hindi ko na napigilan Ang Hindi mapaiyak.

Napayuko ako dahil sa walang tigil na pag agos nang luha ko. Kinulong Naman ni Gab Ang mukha ko sa pagitan nang kanyang kamay, dahilan upang mapatingin ako nang deritso sakanyang mga mata.

"Hearing you say sorry is the last thing that I want to hear." He said. Umiiyak Lang ako habang nakatingin sakanya.

It's my fault. Kung Hindi ko na Lang Sana siya iniwan. Kung Hindi na Lang Sana ako naging selfish.... Sana, mag kasama pa din kami hanggang ngayon. Sana, mag asawa pa din kami hanggang ngayon.

"Kung meron mang tao na hihinge nang patawad, ay ako Yun. I was an asshole. Sinaktan Kita, sinabihan nang mga masasakit na salita, I even accused you for killing Aileen. Ako Yung gago. Ako Yung may kasalanan. Kaya dapat.. dapat ako Ang huminge nang sorry. Not you Ai.. not you." Sabi neto habang nakatingin sakin.

Natigilan ako dahil sa sinabi Niya. Yung unti  unti pag Hina nang iyak ko kanina, ay bumalik sa walang katapusang pag agos nang luha ko dahil sa sinabi Niya.

"Y-You don't know what you're saying." Sabi ko. Nakita ko Naman Ang pag taka sa pag mumukha ni Gab.

"What do you mean?" He confusingly asked.

Tinignan ko siya deritso sa kanyang mga mata bago humugot nang isang malalim na hininga.

"What you think you know about Aileen's death is not really what happened." I said.

"Anung ibig mong sabihin?" He asked.

"I.... I didn't tell anyone about what really happened that night." I said. I sighed heavily. "I got a chance... A chance to save Aileen." I said.

Wife's Struggle (COMPLETED)Where stories live. Discover now