Chapter 21

3.5K 86 6
                                    

(Gab's POV)

Nakatitig Lang ako sa mahimbing na natutulog Kong asawa. Tumigil na Ito kakaiyak at pag wawala dahil na din sa may tinusok sakanya na pang pakalma at pang patulog.

Masakit sakin na makitang ganito ang kalayagayan ni Hannah. Pero mas lalo masakit sakin ang mamatayan nang anak.

Hindi ko magawang isipin na Wala na Yung anak namin. Hindi ko man masabi Kay Hannah, pero Ang anak namin ang naging isang dahilan Kung bakit ako nag bago.

Nung nalaman Kong buntis si Hannah ay Hindi ko aakalain na makakaramdam ako nang ganung kasiyahan. Naging gago man ako dahil sa tinanong ko pa si Hannah kung akin ba Yung dinadala Niya, pero sobrang saya ko dahil sa mag kaka-anak na ko.

Hindi ko man ma amin sa sarili ko noon, pero Alam Kong unti unti akong nahuhulog Kay Hannah kahit pa nung buhay pa si Aileen. Alam Kong mag bestfriend silang dalawa, kaya nung nililigawan ko si Aileen ay Hindi ko din maiwasan Ang Hindi mapansin si Hannah.

Nabuo lamang Ang galit ko Kay Hannah dahil sa inakala naming siya ang pumatay Kay Aileen. Masakit sakin Ang pag kamatay ni Aileen dahil na din sa matagal ko itong minahal. Ngunit ang Hindi ko Lang matanggap ay ang patayin ni Hannah si Aileen. Dun lamang ako nagalit. Kaya nagawa ko siyang saktan physically and emotionally.

"Gab." Napalingon ako nang tawagan ako ni Kuya Hayden.

Hindi man sabihin sakin ni Hannah, Alam Kong Hindi sang-ayon si Kuya Hayden na pakasalan Niya ako. Alam ko din na ayaw ako ni Kuya Hayden para Kay Hannah, dahil na din sa Alam nang lahat na si Aileen talaga Yung Mahal ko. But not until I met Hannah...

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwed ba tayong mag usap?" Tanong neto.

Tumango Naman ako bago sinulyapan ulit si Hannah at sumunod palabas nang kwarto neto. Umupo si Kuya Hayden sa isang bench na nasa labas nang kwarto ni Hannah kaya naman umupo na din ako sa tabi Niya. 

Hindi ako nag salita dahil hinintay kong Mauna siyang mag salita. Alam Kong meron siyang importanteng sasabihin, at Alam kong ngayon na niya ikkwento sakin Yung matagal ko nang gustong malaman.

"It was Hannah's gun." Simula ni Kuya Hayden. Natigilan ako dahil sa sinabi Niya, pero Hindi pa Rin ako nag salita.

"The night when Aileen died, sinabi ko Kay Hannah that she should be careful dahil Alam naming depress si Aileen. Hindi natin Alam Ang tumatakbo sa utak ni Aileen nung mga panahon na Yun, but we didn't expect that... That she'll be killing herself." Dugtong ni Kuya Hayden.

Kilala nang lahat si Aileen bilang isang masiyahan na babae. She's always the happy go lucky girl. Kaya minahal ko siya dahil sa positibo netong personalidad. But I didn't expect that she end up like that.

Tama nga Ang Sabi nila, love can do everything. Pate ang unti unti Kang saktan at wasakin, ay may kakayahan din ang pag-ibig.

"Hannah asked me if she should bring her gun that night. Pero dahil sa gusto Kong protektahan Ang kapatid ko, sinabi Kong dalhin Niya yung baril niya nung pinuntahan niya si Aileen." Kwento ulit ni Kuya Hayden and.

"Pero bakit may baril si Hannah?" Tanong ko sakanya.

Nakita ko Ang pag tingin neto sakin bago ulit humarap at bumuntog hininga.

"It was because she wants to protect herself from Dex." Natigilan ako sa sinabi Niya.

"Dex?" Nag tatakang tanong ko.

"Ex ni Hannah si Dex. We all know na walang minahal si Hannah sa mga ex Niya, because she was to scared to commit in love. Tanging ikaw Lang Yung minahal Niya, Gab." Sabi ni Kuya Hayden.

Wife's Struggle (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora