Chapter 7

3K 65 0
                                    

(Flashback)

Nandito ako ngayon sa garden nang school namin. Kanina pa ako nandito at hinihintay lamang Ang aking bestfriend.

Palagi Kaming nag kikita dito, dahil parehas Kaming mahilig sa bulalak at sa green na mga bagay. Our favorite color is Green. Kaya Naman sobra kaming natutuwa sa tuwing nasa garden kami, Kasi napapa libutan kami nang mga kahoy.

"Na saan na kaya Yun?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan Ang cellphone ko Kung may tinext ba ito o wala.

Pero kagaya kanina, ay wala pa ding text galing sa aking bestfriend. Baka may dinaanan lang. Ode kaya baka bumili nang pag Kain. Ode kaya, baka pumunta nanaman siya sa crush Niya!

Naku! Yung babaeng Yun!

Sinabi ko Naman sakanya na Iba na lang Yung i-crush Niya e. Alam niya naman na Hindi niya pwede maging crush yung crush niya ngayon. Pero anu paba ang inaasahan ko sakanya? Eh sobrang tigas nang ulo nun!

"A!" Agad hinanap nang mga Mata ko Kung saan nanggaling ang Boses na Yun.

Nakita ko ang kanina ko pang hinihintay na bestfriend ko na nag lalakad na papalit sa direksyon ko. Nakita Kong may dala itong plastic na may lamang pag Kain.

Ah... Mabuti Naman Hindi na siya pumunta sa crush niya. Mas okay na yung ma late siya sa usapan namin dahil sa bumili nang pagkain, keysa namang pumunta pa siya sa crush niya.

"A! Akala ko pumunta ka nanaman dun." Sabi ko sakanya nang makarating na siya sa harapan ko.

Umupo Ito sa tabi ko bago binigay sakin ang plastic na hawak Niya. Agad ko namang kinuha iyun. Laman nang plastic na dala ni A ang paborito naming ice cream at ube cake.

Bigla tuloy akong natakam dahil sa nakita ko.

"Pumunta Naman ako dun e." Sabi ni A sakin.

Gulat na tinignan ko Ito, pero Parang Wala Lang sakanya Ang pag ka bigla ko dahil komportable lang itong kumakain nang paborito naming ice cream.

"Anu?!" Sigaw ko sakanya na ikinabigla niya.

"Ang OA, A! Kumalma ka nga, I was just silently watching him, okay?" Saad pa neto sakin.

"Pero A, Alam mo namang Hindi kayo pwede nun! Mag pinsan kayo, anu ba?!" Pag papaintindi ko sakanya.

Hindi ko na Alam kung ilang beses ko nang nasabi sakanya na mag pinsan sila nung crush niya, kaya impossibleng maging sila. Pero Hindi ko na din mabilang Kung ilang beses Lang din pinapasok ni A sa isang Tenga niya at binalabas sa kabila yung paliwanag ko.

"Not by blood!" Giit pa neto.

Napabuga na lamang ako nang isang malalim na hininga bago kumain nang ice cream na dala niya.

Bahala siya diyan, Basta ilang ulit ko nang pinaliwag sakanya na impossible talaga maging sila nang crush Niya. Siya Lang talaga Yung masasaktan sa huli.

Bakit ba Kasi Hindi Niya na Lang ako gayahin? Boys for me are like toys. Paiba iba nang lalake bawat buwan. Bakit ko Naman Kasi seseryosohin Ang isang relasyon? Ang isang lalake?

Pweeh! Mas masarap mag laro-laro Lang nu! No strings attached Kung Baga.

"Wag kana magalit sakin, A. Alam ko Naman na impossibleng maging kami e. But I'm just happy seeing him from afar, A. I'm happy just seeing him smile, kahit Hindi ako Yung dahilan nang pag ngiti Niya. I'm happy just looking him from afar." Sabi ni A sakin.

Wife's Struggle (COMPLETED)Where stories live. Discover now