Chapter 9

3K 63 0
                                    

"Yes, i would just like to confirm if na-reserve naba Yung hall na pina-reserve ko yesterday?" Tanong ko sa sekretaryang kausapin ko saking cellphone.

"Yes Mam. Can I ask po if this is Hannah Ana Rivera?" Magalang na tanong nang kausap ko.

"Yes, it's me. I'll just call you back if there will be some changes or additions sa pina-book namin. Thank you very much." Sabi ko.

"Sure Mam, Thank you and have a good day." Sabi neto. Binaba ko na Yung tawag bago tumingin ulit sa notebook na nasa harapan ko.

Kailangan ko pang tumawag sa pinagawan ko nang invitations para sa birthday ni Gab. Nag dial ulit ako sa cellphone ko bago ko iyun tinawagan. Nakailang ring Lang bago sinagot.

"Hello?" Bungad sakin.

"Hi! Hmmm, this is Hannah Rivera. Ako Yung nag pagawa nang invitations kahapon, tatanong ko po Kung pwede ko nabang makuha Yun ngayon?" Tanong ko.

"Ay, Yes mam! Kakatapos Lang namin gawin. Pwede niyo nang ma-pick up dito mga after lunch." Sabi Naman niya. Napangiti Naman ako.

"Sige, Kukunin ko na Lang diyan mamaya. Maraming salamat." Sabi ko bago binaba Ang tawag.

Tinignan ko ulit Ang notebook ko Kung meron paba akong dapat tawagan, pero Nakita Kong Wala Naman na. Sinira ko Yung notebook ko, bago ako nag inat.

Sa mga nag daang araw ay naging busy ako sa pag aayos nang birthday ni Gab. Medyo minadali Kasi Yung Plano since next week na Yung birthday Niya, kaya medyo nahirapan din akong maka pag book nang venue, ode kaya sa invitations, tapos may catering pa.

Pero Wala Naman sakin Yung pagod ko e. Basta para Kay Gab, gagawin ko Ang lahat. Ang importante ay Ang maging masaya siya sa birthday Niya. Makita ko Lang siyang masaya ay masaya na din ako.

Tumayo na ako Mula saking kinauupuan, bago ako umakyat sa kwarto ko. Kakatapos ko Lang din mag linis nang bahay, kaya Naman medyo pawis pa ako at pagod. Pero maliligo na Lang ako dahil malapit na mag alas dose, at ippick-up ko pa Yung invitations.

Balak ko din Kasi pagkagaling ko sa pinagawaan ko nang invitations ay dederitso din ako sa bar ni Casper. Medyo matagal na din Nung Huli akong pumunta dun, tapos para na din mabigay ko Yung mga invitations nila.

Nang matapos akong maligo ay nag ayos na ako at agad na umalis saming bahay. Ginamit ko na Yung kotse ko dahil ayoko din namang mag commute ngayon, mas trip Kong mag drive.

Ilang sandali Lang din Ang lumipas bago ako makarating sa shop na pinagawan ko nang invitations. Nang makuha ko na iyun at nang makabayad, ay agad na akong umalis dun at dumeritso sa bar ni Casper.

Hapon pa Lang pero Ang Alam ko ay minsan tumatambay sila dun kahit Hindi pa Gabi. Nang marating ko Ang bar ni Casper, ay agad ako dun Pumasok. Pinapasok na din ako nang mga nag ttrabaho dun, dahil kilala naman nila ako.

Maliban Kasi sa palagi kami dito ni Jackson dati, ay dito din ako madalas pumupunta pag hinahanap ko si Gab. Kaya Alam nang mga workers dito na kaibigan ko sila Casper.

Dumeritso ako sa VIP room, nag babakasali Lang na baka nandun sila. Kung Wala man, ay pupunta na lamang ako sa opisina ni Casper para bigyan siya nang invitation. Pero laking tuwa ko nang Makita Kong nandun sila Tazanna, Jackson, Bryzon, Lauren, At Gab.

"Ana?" Tawag sakin ni Zanna. Ngumiti Naman ako bago pumunta sa kanilang direksyon.

Nakita ko Ang matatalim na tingin ni Lauren sakin. Iniwas ko na lamang Ang tingin ko sakanya, dahil Alam ko namang galit Ito sakin.

Ilang taon na ang lumipas pero galit pa din siya sakin. I sighed heavily. Kung Alam Niya Lang Yung totoo. Sana Hindi siya nagagalit sakin ngayon.

"Hi!" Pilit Ang ginawa Kong ngiti para sakanila ni Zanna.

"Han, what are you doing here?" Tanong ni Jackson sakin.

Tila'y ramdam Niya din na ayaw ni Lauren sa presensya ko, at Parang sinasabi sakin na dapat ay Hindi kami magsama ni Lauren sa isang kwarto.

Hindi Naman ako pumunta dito para mang gulo e. At hinding Hindi ko gagawin Yun. Kaibigan Ang Turing ko Kay Lauren, at kahit Anu pang galit Ang meron siya sakin, ay iintindihin ko kahit na minsan sobrang sakit na.

Kagaya kanina ay pilit pa din Ang ginawa Kong pag ngiti. "I'm here to give these to you guys." Sabi ko bago ko inabot Yung mga invitations sa kanila.

"What's this?" Tanong ni Bryzon.

"Open it." Excited na Sabi ko.

Binuksan Naman nilang lahat maliban nga Lang Kay Lauren na naka cross Ang dalawang kamay sa harap nang kanyang dibdib, at Panay Ang irap sakin.

"Pwede Naman Kasi sabihin, Ang dami pang Arte." Rinig Kong Sabi niya, pero kagaya nang sinabi ko. Hindi ako pumunta para mang gulo.

Kaya Naman imbes na patulan si Lauren, ay minabuti ko na lamang na hindi Ito pansinin at nag kunwaring walang narinig.

"A party?" Tanong ni Jackson.

"Kaninong party?" Tanong Naman nang kanyang asawa na si Zanna.

"It's actually for--" Hindi ko na natapos Ang sasabihin ko nang biglang mag salita si Lauren.

"Ang kapal din Naman nang mukha mo!" Sigaw neto bago tumayo sa kanyang kina-uupuan at lumapit sakin.

Natigilan Naman ako at gulat na napatingin sakanya. "Anu?" Tanong ko sakanya.

"You! Napaka walanghiya mo! Nakuha mo pang mag pa party pag katapos nang nangyari?!" Galit na galit niyang Sabi.

Nagtaka Naman ako dahil sa sinabi Niya. Anung nangyari? Wala akong Alam. Hindi ko Alam Yung sinasabi Niya.

"Love, calm down." Sabi ni Nathan na boyfriend Niya.

"Don't tell me to fucking calm down! This girl is really getting on my nerves!" Sigaw neto at nagulat Naman ako nang bigla Niya akong sinampal.

"Lau!" Rinig Kong sigaw ni Zanna at agad na naramdaman Ang pag lapit Niya sakin at pag yakap. "Stop it!" Sigaw neto Kay Lauren.

"You fucking woman! How dare to invite us on your party? How dare you to even throw a party?! Pag katapos ma aksidente ni Casper at ni Khacy? Nakuha mo pa talagang mag saya?" Sabi neto na pagulat sakin.

Hindi ko Alam Ang sasabihin ko. Hindi ko Alam na na-aksidente si Casper at Khacy. Hindi ko Alam. Wala akong Alam..

"Ngayon Alam ko na Kung bakit Hindi ka kayang mahalin ni Gab." Sabi ni Lauren bago lumabas nang VIP room.

Dun na lamang tumulo Ang mga Luha ko. Masakit Yung mga binitawan na salita ni Lauren. Masakit din Yung sampal Niya.

Pero Ang mas masakit ay Ang malaman Kong na-aksidente Yung mga kaibigan ko at Hindi ko Alam. Wala akong Alam.

Tapos... Tapos binanggit Niya pa si Gab. Mas lalong dinurog Ang puso ko dahil dun. Pakiramdam ko ay kailanman ay Hindi ako mamahalin ni Gab. Na walang mag mamahal sakin.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zanna.

"I'm sorry. I have to go." Yun na lamang Ang nasabi ko bago lumabas din nang VIP room at umalis nang Bar ni Casper.

Bakit ganito? Bakit umiiyak nanaman ako? Bakit nasasaktan nanaman ako?

Wife's Struggle (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora