Chapter 14

3K 67 1
                                    

Nagising ako dahil sa naramdaman Kong masusuka ako. Agad akong tumayo saking Kama at dumeritso ako sa banyo dito saking kwarto. Sumuka ako duon. Nakaramdam din ako nang Hilo na Hindi ko Naman nararamdaman noon.

Nag momog ako nang tubig. Napatingin ako sa malaking salamin dito sa banyo ko, at bigla ko naman naramdaman ang pag bilis nang tibok nang puso ko nang Makita ko Ang raya nang napkin sa tabi nang make-up kit ko.

Bigla akong nagkaroon nang konklusyon na baka.... Baka buntis ako.

Nag dadalawang buwan na Mula nung huli akong nadatnan. Hindi ko na sumagi sa isio ko Ang menstruation ko, dahil na din sa masyado akong stress at madaming iniisip.

Nag desisyon akong mag pa check-up pag katapos Kong ihanda Ang almusal ni Gab. Naligo na muna ako bago ako bumaba, dahil medyo maaga pa naman. Insaktong pagkababa ko ay nakita kong paalis na si Gab nang Bahay.

"Aalis kana? Hindi ka kakain?" Tanong ko sakanya at binilisan Ang pag baba para maabutan siya.

Pero Hindi Niya ako pinansin at dumeritso na nang lakad palabas nang bahay namin. Sumunod Naman ako sakanya hanggang sa makapunta siya sa garahe nang bahay.

"Gab, mag papaalam sana ako kasi--" Hindi ko na natapos Ang sasabihin ko nang nag salita Ito at galit na tumingin sakin.

"Do your fucking thing, Hannah. I don't give a damn." He said bago sumakay sa kotse niya at nag maneho na paalis nang bahay namin.

Parang isang hele Ang pag sambit Niya nang pangalan ko, pero Ang mga sinabi Niya ay tila'y nag bigay nanaman nang kirot saking puso.

Bagsak Ang balikat ko na Pumasok sa bahay. Ininit ko na lamang Ang niluto Kong Menudo para kainin. Kung totoo man na buntis ako, ay sisiguradohin Kong aalagaan ko nang mabuti Ang magiging anak namin ni Gab.

Sumilay Naman Ang isang ngiti saking labi. Nakaramdam ako nang saya dahil sa naisip ko. Kung buntis ako ay ibig sabihin mag kaka-anak na kami ni Gab. Meaning, magiging isang ganap na kami na pamilya.

Hindi paman siguro ay nag tatalon na Ang puso ko sa tuwa. Just the thought of us being a family makes me happy. So so happy.

Nang matapos akong kumain ay nag bihis na din ako para umalis. Dumeritso ako sa OB na kilala ko para mag pa-check up. Rinig na rinig ko ang bilis na pag tibok nang puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Paano Kung Hindi ako buntis? Hindi kami magiging isang pamilya ni Gab?

Dahil sa naisip ko ay bigla na lamang ako nalungkot. Gustong gusto Kong magkaroon nang anak Kay Gab. Gusto Kong bigyan siya nang anak. Gusto ko galing Kay Gab dahil Mahal ko siya.

"Congratulations Mrs. Rivera it's positive, buntis ka." Natutuwang Sabi sakin nang doctor.

Bigla ko Naman naramdaman Ang saya saking puso. Agad Kong naramdaman Ang pamuo nang luha saking mga mata dahil sa saya na nararamdaman ko.

Wala nang paglalagyan ang saya na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Knowing that I'm pregnant and I'm going to be a mother gives me so much joy. Tila'y Ang pagiging Ina ay Isa sa pinaka mahirap ngunit pinaka masayang bagay na pwede mong maranasan sa mundong Ito.

I can't wait to tell Gab that I'm pregnant....

Nag usap pa kami nang doctor at nirisitahan din ako nang mga vitimans na kailangan Kong inumin, at sinabi Niya din Kung kailangan Ang susunod Kong check up.

Pagkatapos kong mag pa-check up ay napag pasiyahan Kong pumunta sa Kompanya ni Kuya Hayden. Gusto Kong sabihin Kay Gab Ang tungkol sa pag bubuntis ko mamayang Gabi. Sa ngayon ay sasabihin ko muna sa isa sa pinaka importanteng Tao sa buhay ko, si Kuya Hayden.

Wife's Struggle (COMPLETED)Where stories live. Discover now