Nakapwesto sya sa hanggang bewang ang tubig. Malayo ang tingin nya habang hinahagod ang buhok nya ng mga daliri nya sa kanang kamay. Sa edad nyang twenty-one, may maipagmamalaki syang katawan. Sakto lang ang height, hindi maliit at hindi rin matangkad. Hanggang balikat ko lang sya. Hindi mataba at hindi rin mapayat ang pangangatawan nya. Sakto lang para sabihin ang salitang sexy.

Lumingon sya sakin na walang emosyon sa mukha pero nung makitang nakatingin ako sa kanya at tumaas ang isa nyang kilay. Kusang napangiti ako dahil don.

Ang sungit na naman.

Napansin ko na naglakad sya papunta sa mga gamit namin. Akala ko ay hindi na sya maliligo pero naglakad sya papunta sakin pagkatapos makuha ang cellphone nya. Tumigil sya hindi kalayuan sakin at itinaas ang cellphone nya.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya.

"Kinukuhaan ka ng picture." sagot nya at tinignan ang kinuha nyang picture. "Simula pa lang kahapon ay kinukuhaan na kita ng picture at video. Kung ano ang ginawa mong training kay Tita Yzak. Wag kang mag-isip ng kung ano, kagustuhan ito ni Tita Zoe." mabilis nya naman sagot sa huli.

"Talaga bang kagustuhan yan ni Mama?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit naman kita kukuhaan ng picture, aber?" masungit na sabi nya.

"Memories sa bakasyon slash training natin dito." nakangising sagot ko.

"As if." nakaalis na sabi nya. Hinayaan ko na lang sya.

"Point guard ka kaya madali lang itong ituturo ko sayo. Ang kailangan mo lang gawin ay basahin ang galaw ng kalaban mo para magawa mo ito ng maayos. Kaya lang naman kasi hindi ito magawa ni Zoe dahil wala na syang kanang braso." sabi nya. Napayukom ako ng palad. "Kapag nagawa mo ito, magiging proud pa lalo sayo si Zoe dahil nagawa mo ang hindi nya nagawa noon." tumango ako sa kanya. "Okay, ipapakita ko muna sya sayo bago ko sya i-explain." sabi nya at nag-dribble.

Binend ko ang mga tuhod ko para bantayan sya ng maayos. Tinignan ko sya sa mukha bago bumaba sa bola. Ibinalik ko ang tingin sa mukha nya at saktong nag-dunk in sya papunta sakin. Napaatras ako at napakurap dahil sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa gilid ko na saktong nakalagpas sakin si Tita Yzak. Sobrang yuko nya na hindi ko sya agad nakita.

"Bilis ng katawan ang kailangan rito. Kailangan flexible ang katawan mo. Simple lang sya pero hindi sya ganong kadaling gawin kung mahigpit ang bantay ng kalaban. Isa pa." sabi nya at pumunta sa harapan ko.

Umayos ako ng tayo para mabantayan sya ng maayos at hindi makalagpas sakin. Muli syang nag-dunk in. Napansin ko na pupunta sya sa kanan ko kaya inihanda ko na ang katawan ko pero mabilis syang yumuko papunta sa kaliwa ko. 

"Hindi ba? flexible lang ng katawan para kapag naharangan ka sa kanan, gawin mo sa kaliwa." sabi nya. "Meron pa. Rigel, need ko ang help mo." tumingin ako kay Rigel. Kababa nya lang ng cellphone nya na nakatapat samin kanina.

Lumapit sya kay Tita Yzak at lumayo sila. Nag-usap sila at ilang sandali lang ay lumapit sakin muli si Tita Yzak. Tumingin ako kay Rigel na nakatayo sa gilid.

"Okay game." muling nag-dribble si Tita Yzak. Napansin ko naman na tumakbo palapit samin si Rigel at napansin ko rin na tumingin si Tita Yzak kay Rigel. Nakita ko rin ang pagkahawak ni Tita Yzak sa bola na nakaharap sakin ang likod ng palad nya. Ipapasa nya ang bola kay Rigel pero yun ang akala ko. Hindi ako nakakilos nung nakaalis na sa harapan ko si Tita Yzak. Ang bilis nyang kumilos para lagpasan ako.

"Same lang ang ginawa ko ngayon. Ang nangyari lang ay naisip mo na papasahan ko si Rigel. Sa pagkahawak ko ng bola at sa panlinlang ko sayo sa mga mata ko. Pang-pressure lang si Rigel. Magandang gawin ito sa teammates mong alam mong malaking impact sa team at mababahala ang kalaban." pag-eexplain nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now