Part 55

1.6K 70 1
                                    


"HINDI MO gagawin iyan, Daniel," umiiling na sabi ni Lino.

"I will and I can," matigas na saad ni Daniel.

Napailing si Celine. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Pag-iinitan ni Daniel ang DeKart at mga kumpanyang may kinalaman doon. Si Lino ay nakahiga sa hospital bed habang si Daniel ay may cast ang isang braso. Nakaupo ito sa isang silya habang siya ay naroon sa sofa at doon nakaupo. Sadya siyang dumistansiya para bigyan ng espasyo ang dalawa.

"And you will do exactly what I said," nagngingitngit na wika pa ni Daniel. "I-pu-pull out natin lahat ng pera natin sa DeKart. At hindi ako titigil hangga't hindi dumadapa ang kumpanyang iyon. Pagbabayarin ko sila hanggang sa gumapang sila sa lupa!"

"You will let me handle this," hindi yumuyuko na sabi naman ni Lino. "Wala kang gagawin, Daniel. Ako ang bahala sa DeKart. Ako ang bahalang dumiskarte sa mga taong nagbalak sa akin ng masama."

Hindi gustong makisali ni Celine sa pagtatalo ng dalawa pero hindi niya mapigilan na lihim na mapangiti. Look at them, para talagang magkapatid ang dalawa. Nagtatalo pero hindi maipagkakaila na may pagpapahalaga naman para sa isa't-isa. Pinag-usapan na nina Daniel at Lino ang nangyari. Nalaman na rin nila ang dahilan ng pag-uwi ni Lino. Natuklasan na pala nito ang tungkol sa pagnanakaw ni Peter ng pera at iyon sana ang aayusin nito dahil hindi alam kung papaano ipararating kay Daniel ang natuklasan. Lamang ay nangyari nga ang aksidente at naging mabilis na ang pangyayari. Halos matulala si Lino ng ikuwento niya ang nangyari sa penthouse. "Kaya pala, nakaramdam ako ng kakaiba noong mapansin ko na madalas bisitahin ni Gido si Hugo na kung ano-ano ang pasalubong. Parang kinutuban rin ako na hindi mawari. Napansin ko rin na kakaiba kung tingnan niya ang bata para bang may pagmamahal, may kakaibang koneksiyon. Hindi ko lang in-entertain ang pagdududa ko," sabi ni Lino kanina. "Pero noong malaman ko ang pagnanakaw ni Peter, naisip ko rin na paimbistigahan na rin si Gido lalo pa at malapit silang magkaibigan. Naaalala mo, Daniel, noong minsang tumawag ako at ibalita ko sa 'yo na nakita ko si Gido sa City Of Sins na natatalo sa poker? May narinig ako na milyones na daw ang talo ng player na iyon—si Gido nga. Iyon ang nagpatibay sa kutob ko na baka nga magkasabwat sila."

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" tanong ni Daniel.

"Yes," agad namang tugon ni Lino. "Ako ang maniningil, Daniel. Sa akin sila may utang kaya ako ang maniningil. At malaki ang interes."

Sinulyapan siya ni Daniel na para bang hinihingi nito ang opinyon niya kung pagbibigyan ba ang kaibigan. Kibit-balikat ang ibinigay niya rito. "Sige," ani ni Daniel na ibinalik kay Lino ang atensiyon. "Ikaw ang bahala." Tumayo si Daniel, lumapit kay Lino at tinapik ang balikat nito. "Get well soon and kick some nasty ass."

Ngumiti si Lino at tumango. "I will. Sige na. Umuwi na kayo. Kailangan n'yo ring magpahinga. Inaantok na rin naman ako," pagtataboy sa kanila ni Lino.

Tumayo siya at nilapitan ang dalawa. Celine kissed Lino's head. "Babalik kami bukas."

"Yeah. Isama n'yo rin ang inaanak ko," ani ni Lino.

Inakbayan siya ni Daniel. Yumakap naman siya sa baiwang nito. "Maiwan ka na namin," sabi ni Daniel. Tango ang isinagot ni Lino. Tinungo na nila ang pinto.

"Daniel," pagtawag ni Lino. Pareho silang lumingon. "Huwag mo na silang isipin, ha? Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Wala kang kasalanan. Wala silang dapat isisi sa 'yo. Ginawa mo lang ang dapat mong gawin sa oras na iyon. It was their choice, Daniel. Pinili nilang maging ganoon ang kapalaran nila..."

Daniel's eyes became weary. Pagkuwa'y marahang tumango ito. Tutulungan niya ito na mapaghilom ang sugat na iyon. Mananalangin siya na sana ay matuto pa ring magtiwala ang asawa niya.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon