Part 30

1.2K 58 0
                                    

KUMURAP si Celine at muling binasa ang nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ni Daniel. Nasa bathtub si Daniel habang siya ay nakaupo sa gilid ng bathtub. Sinabi na sa kanya ng asawa ang nangyari sa restaurant. Sa totoo lang ay naghahalo-halo ang reaksiyon sa kanyang dibdib. Naroon ang pangamba, takot, at pagseselos.

"N-nakipagkita ka na sa kanya?" lakas-loob na usisa niya. Ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit umaakto ng ganoon ang asawa.

"No. Pinaimbistigahan ko lang. Hindi siya pamilyar sa akin. Pero hindi ko inaalis ang posibilidad na baka nga may anak ako sa kanya. You know there were a lot of women before you."

Lumunok siya. Nakakadaman ng munting selos. Oo, batid niya na marami ngang babae ang nauna sa kanya. Kumakalma lang ang dibdib niya sa katotohanang kahit gaano pa karami ang mga babaeng iyon ay wala naman ni isa na minahal sa mga iyon si Daniel. Tanging siya lamang. Sa kanya lamang ibinigay ni Daniel ang puso nito, ang pangalan nito, at ang lahat-lahat dito. Sa kanya lamang nito ibinahagi ang mundo nito. "At...? Ipinagpapalagay ko na may resulta na ang imbistigasyon." Binasa ni Celine ang tuyong labi. Totoo nga kaya na may ibang anak si Daniel.

Pumikit si Daniel. "Kumpirmado na nagkaroon nga kami ng relasyon. At may anak siya... at ako ang nakarehistrong ama," mahina at nag-aalangan ang tinig na sabi ni Daniel. Nakagat naman ni Celine ang dila niya. No, hindi siya dapat masaktan. Hindi naman siya niloko o pinagtaksilan ni Daniel. "I-Iniutos ko na na isailalim sa DNA testing ang bata."

"P-paano kung sa 'yo nga ang bata?"

Nagmulat ng mga mata si Daniel. Tumingin ito sa kanya, pilit pinapasok ang pinakasulok ng kanyang isipan at pilit binabasa ang nilalaman niyon. "Ano sa palagay mo ang gagawin ko?" hamon nito sa kanya.

Inabot niya ang palad ng asawa at hinawakan iyon. "Give him what is due to him."

"At ano ang nararapat, Celine? Ano ang dapat kong ibigay sa kanya?"

"A-ang pagkilala, pagmamahal, at atensiyon. Maging ang natural na karapatan niya—bilang isang Cavelli— sa yaman mo." She smiled lightly. "Huwag nating gawing isyu na magkakaroon ng kahati si Christopher sa yaman na mamanahin niya sa 'yo. I think, Christoff would be glad to have a big brother."

Lumamlam ang mga mata ni Daniel. "Are you sure?"

"Oo naman. Hindi naman mahalaga ang pera. Isa pa, hindi rin naman biro ang manggagaling na mana sa parte ko. Wala rin naman akong ill feelings para sa bata. Tanggap ko ang mga nangyari sa nakaraan mo. Siguro kung may hindi man ako sigurado, iyon ay ang tungkol sa ina niya. Ayokong may kahati sa 'yo. Sa mga anak mo lang kita puwedeng i-share pero hinding hindi sa ibang babae. Tandaan mo iyan, Daniel," may halong banta at selos na sabi niya. Binitiwan niya ang palad nito bago bahagyang dumukwang at marahang hinaplos ang pisngi ni Daniel. "You're mine."

Daniel grinned. Halatang ikinasiya ang sinabi niya. "Tatandaan ko."

"Good." Nangingiting tumayo na siya. "Ipapahanda ko na ang mesa. Magbanlaw ka na at magbihis."

"Sunshine," tawag sa kanya ni Daniel nang humakbang na siya palabas ng banyo. Nilingon niya ang asawa. "Thank you," anito. "Pinagaan mo ang dibdib ko."

Nakangiting tumango si Celine. "Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo siya nakilala agad." Pero may mga tanong si Celine na hindi masambit: Bakit kailangang itago niya sa 'yo ang bata? Tapos ngayon ay magpaparamdam siya? "You're a great father to Christoff, siguradong magiging mabuting ama ka rin sa kanya."

"DUMATING na ang helicopter," anunsiyo ni Celine sa asawa. Sakay ng helicopter na iyon si Gido para magbigay ng ulat tungkol sa DNA testing. Ayaw ni Daniel na marinig sa telepono ang resulta kaya pumunta roon ang abogado.

"I know," sabi ni Daniel. Nakapamulsa ang mga kamay na nagpalakad-lakad ito. Halatang kinakabahan.

"Daniel," nilapitan niya ang asawa at niyakap. Humahaplos ang mga palad niya sa likod nito, kinakalma ang asawa. "Magiging maayos ang lahat. Nasa tabi mo lang ako, okay?"

Tumango si Daniel. Maya-maya pa ay kumatok na ang katulong at ipinagbigay alam ang pagdating ng abogado. Agad din itong umalis.

Nilapitan ni Celine si Daniel. Iniabot niya rito ang palad niya. Tiningnan iyon ni Daniel, ngumiti, bago tinanggap. Oo, magkasama nilang haharapin ang lahat ng bagay. "Tayo na? Handa ka na?"

Tumango si Daniel. Ilang sandali pa at nagkahawak-kamay na tinungo nila ang library.

"Daniel, Celine," bati ni Gido. Tumayo ito ng pumasok sila. A cup of steaming coffee was already served on the table. Ibinalik ni Celine ang pagbati. Si Daniel ay tumango lamang.

Umupo sila, magkaugpong pa rin ang mga palad. "Please have a seat, Gido," aniya. Mukhang mabibilang ang mga salitang uusalin ni Daniel sa araw na iyon. Naupo nga ang abogado bago inilabas ang ilang papeles sa dalang atache case.

"Ano'ng balita sa ipinagagawa ko? Ano ang resulta ng DNA testing?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Daniel. "Akin ba ang bata?" Celine felt Daniel's anxiety. Maging siya man ay ninenerbiyos.

Marahang pagtango ang naging tugon ni Gido. Kung siya ay kinilabutan, si Daniel ay tila binuhusan ng nagyeyelong tubig. Namutla ito. Daniel looked away. Iniabot naman sa kanya ni Gido ang papel na nagsasaad ng resulta. Positive ang hatol na nakasulat roon.

"Sige na makakaalis ka na," anang walang emosyon na tinig ni Daniel.

"D-Daniel—"

"I said leave!" bulyaw nito, maging siya ay napapitlag. "Tatawag na lang uli ako kung may kailangan pa ako. For now I want to be alone. At ayoko nang ulitin pa ang mga sinabi ko." Tinanggal nito ang pagkakahawak sa palad niya at aburidong inihilamos ang mga palad sa mukha.

"Sige na, Gido. Pasensiya na," aniya.

"Naiintindihan ko." Nakakaunawang sabi nito bago tumayo at lumabas ng library.

"Daniel..."

"Celine don't talk. Please," may diin at otoridad na utos nito. Para bang idinidistansiya muli ni Daniel ang sarili. "Can you please leave me alone?"

Nang mag-angat ng paningin si Daniel at makita niya ang mga mata nito ay nakita ni Celine ang kadelikaduhan sa mga matang iyon. Hell was raging inside him. Kinilabutan siya. Nilalabanan iyon ni Daniel, pilit kinakalma ang tila bulkan na kumukulo at nagbabanta ng pagsabog sa dibdib nito. But he can't just contain his emotions. At batid ni Celine na hindi iyon oras para ipagpilitan niya ang presensiya niya sa asawa. "Nasa silid lang natin ako, okay?"

Tumango si Daniel. Alumpihit na lumabas si Celine nang library. Pagkasarang-pagkasara niya sa pinto ay narinig agad niya ang pagkabasag sa sahig ng kung anong bagay. Hanggang sa magkagulo roon sa tila mga itinatapon at ibinabalibag na bagay. Nagwawala si Daniel. Masisira nito ang kahit na anong bagay na mahawakan. Nakagat ni Celine ang labi niya. Please, don't hurt yourself, Daniel... daing niya. Nakakaramdam siya ng pangangatog ng tuhod at grabeng kaba.

Patuloy sa pagwawala si Daniel. Humihiyaw ito at panay pa rin ang pagsira sa mga bagay na mahawakan. Hindi niya ma-imagine kung ano na ang hitsura ng library. Malamang ay para na iyong dinaanan ng ipu-ipo. But who cares about the materials things inside that room? Madali lang iyong mapapalitan. Si Daniel ang inaalala niya. God. Sana naman pagkatapos nitong magwala ay kumalma na ito. Sana ay maibuhos na nito ang lahat ng frustrations nito...

Sunshine And You 2 (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat