Part 12

1.4K 66 0
                                    


"SIR, POSITIVE. Sila nga po ang mga magulang ng asawa ninyo."

Tumuwid ang likod ni Daniel. Ang private investigator na siyang namumuno sa pagpapahanap niya sa mga magulang ng kanyang asawa ang kausap niya sa telepono. At dahil walang alam si Celine sa bagay na iyon, lumayo siya rito at nagtungo sa library para doon tanggapin ang tawag. "How sure are you?"

"Nakakuha kami ng birth registrations at iba pang supporting documents, Sir. Bukod doon, nahahawig po sa asawa ninyo ang isa niyang kapatid."

Marahan siyang tumango. "Sige, susunod ako diyan. Bukas ng gabi ay nariyan na ako." Ibinaba ni Daniel ang telepono. Natagpuan na ng tauhan niya ang mga magulang ni Celine. Ipinahanap niya ang mga magulang ng kanyang asawa dahil noong minsang magkuwento siya sa asawa ng tungkol sa mga magulang niya—kung paano siya minahal at prinotektahan ng mommy at daddy niya— ay nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Batid niya na nangungulila ito at maraming tanong sa totoo nitong pinagmulan. Na kahit gaano pa nito itago, mayroong tandang pananong sa pagkatao nito. Kaya nagdesisiyon siya na hanapin ang mga ito. Umupa siya ng mga tao na ang forte ay pagsasaliksik ng mga impormasyon at paghahanap ng tao. Hindi madali dahil limitado ang mga impormasyong meron siya.

Ngayon ay may mga sagot na siya. Lamang, paano niya sasabihin sa asawa ang tungkol roon? Ah, mas makabubuti siguro kung sisiguruhin muna niya na tama ang impormasyon bago niya ipagbigay-alam sa asawa ang tungkol sa natagpuang mga magulang nito.

Lumabas na ng library si Daniel. Sana lang ay huwag maghinala si Celine kung bakit kailangan niyang umalis ng mag-isa gayong hanggat maaari ay hindi niya iniaalis sa kanyang paningin ang asawa. Kailangan niyang pumunta roon dahil gusto niyang siguruhin kung ano ang ihahandog ng mga ito kay Celine: pagmamahal ba o sama ng loob. Sisiguraduhin muna niya kung nangungulila rin ang mga ito kay Celine. O, baka naman wala na palang pakialam ang mga ito kay Celine at tuluyan nang kinalimutan ang tungkol rito. Kailangan nyang makasiguro para sa kapakanan ng kanyang asawa.

"CHRISTOFF, hush...Bakit ba nagliligalig ang baby ko, ha?" pagpayapa ni Celine kay Christopher. Isinayaw-sayaw niya ito pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Pagkagising pa lang nito ay hindi na maganda ang mood. Aburido. Napalitan na niya ang diaper sa pag-aakalang naiirita lamang ito sa basa o may duming diaper pero wala pa rin. Hindi rin naman kinakabagan at lalong hindi gutom.

"Shhh. Ano'ng masakit sa baby? Tahan na, anak..." aniya. Namumula na ang ilong at mga mata nito.

"Ma'am ako na po. Baka pagod na po kayo," anang yaya ng bata.

"No, kaya ko naman. Thanks." Nahawakan nito ang buhok niya at hinila iyon habang patuloy sa pagpalahaw. "Da—a. Ahh. Da—a. Dada," anito.

"Oh, my God!" Palatak ni Celine na hindi malaman kung matatawa o ano. Nakuha na niya. "Hinahanap mo si Daddy? Ha?" Napailing siya. Bakit nga ba nawaglit sa isip niya ang bagay na iyon. Tulog na si Christopher kagabi nang umalis ang ama nito. Paggising ng bata kaninang umaga ay masama na nga ang mood nito. "'Ya," aniya sa yaya. "Alam mo na ang gagawin."

"Opo, Ma'am," nangingiting sabi nito. Tumalima ito para kunin ang T-shirt na hinubad ni Daniel kagabi. Daniel's scent would surely pacify the child. Effective iyon dahil ilang beses na niya iyong ginawa.

"Da—ah!"

"Hush, sweetheart. Tatawagan na natin si Daddy, okay?"

Tila nakakaintindi na tumahan si Christopher. Ganoon pa man patuloy sa pagkibot-kibot ang maliit na labi na para bang ano mang sandali ay muli na naman itong aatungal ng iyak. Ibinaba niya ang anak sa kama. Agad din namang nakabalik si Yaya dala ang T-shirt ni Daniel. Inilagay niya iyon sa tiyan ng bata na agad nitong hinawakan at pinaglaruan. Pareho silang napangiti na lang ng yaya. Kapagkuwan ay kinuha niya ang telepono. Idadayal pa lang niya ang numero ng asawa nang tumunog iyon. Si Daniel ang tumatawag.

Agad niyang tinanggap ang tawag. "Daniel, mabuti at tumawag ka. Actually idinadayal ko na sana ang numero mo para tawagan ka."

"Any problem?" May bahid ng pagkaalerto at pag-aalala ang tinig nito. "Are you okay? Si Christopher?"

"Sweetheart, relax."

"Da—a. Daa!" usal ng bata habang patuloy pa rin sa paglalaro sa damit. Panay ang padyak ng mga paa nito habang malawak ang pagkakangiti. Halatang wala ng sumpong.

"Did I just hear my son saying 'Dada'?" masayang tanong naman ni Daniel sa kabilang linya.

"Hay, naku, Daniel, hinahanap ka ng anak mo. Iyak nang iyak. Tumahan lang noong sabihin ko na tatawagan ka namin. At noong maamoy ang damit mo, ayon, nakangiti na. He's playing with your shirt now."

Daniel chuckled. "Magvi-video call ako. Sa Ipad na para malaki ang screen. I love you, sunshine." Nawala na nga ito sa linya. Pagkaraan ng ilang segundo ay ang Ipad naman ang tumunog. Tinanggap niya ang video call. Pagkatapos ay tumabi siya ng higa kay Christoff.

"Hi, Daddy. I miss you po," aniya bago ikinaway-kaway ang maliit na braso ng bata sa screen. The child giggles when he saw his father's face. Binitiwan na nito ang hawak na damit at pilit inaaabot ang ipad.

"Dah. Daa—a," the child mumbled.

"Christopher, anak, I told you to behave, 'di ba? Huwag pahirapan si mommy... Babalik din agad ang daddy promise."

Sabi ni Daniel ay business ang dahilan ng pagluwas nito. Pero duda si Celine roon. Hangga't maaari ay hindi siya iniaalis ng kanyang asawa sa paningin nito pero noong isuhestiyon niya na sasama sila ni Christoff ay sinabi nitong mapapagod lang umano sila sa byahe dahil babalik din naman agad ito kinahapunan. May punto naman ito sa rason nito kaya lang may kakaibang kutob talaga siya. Na para bang may itinatago sa kanya si Daniel. A woman's instinct maybe. Kung ano man iyon, bakit hindi iyon masabi sa kanya ni Daniel? 

Sunshine And You 2 (Completed)Where stories live. Discover now