Part 22

1.2K 56 0
                                    


PINUNO ni Celine ang kanyang baga ng lalaking-lalaki na amoy ng kanyang asawa. Amoy pawis na hinaluan ng natural na mabangong amoy nito. Ah! He was really her drug. Ang kanyang ecstacy. Ito ang kahinaan niya, lulong siya kay Daniel.

Iniangat ni Celine ang kanyang ulo, bago bahagyang umusog at inihimlay ang kanyang ulo sa hubad na dibdib ng asawa. Malakas at eratiko ang pagtibok ng puso nito. Tila tambol ang dating niyon sa kanyang tainga. Pareho silang tahimik. Ninanamnam ang sarap at luwalhating hatid ng pag-iisa ng kanilang mga katawan habang binabawi ang paghinga.

Naramdaman niya nang haplusin ng palad ni Daniel ang buhok niya. "Hindi ko pa nakukumusta ang pakiramdam mo. I mean sa naging paghaharap ninyo ng mga magulang mo..." anito. How was it?"

"I feel...whole," aniya at sinimulang paglaruan ang mga maninipis na balahibo ni Daniel sa dibdib nito. "Napunan na iyong puwang na pilit kong ipinagkakaila sa sarili ko na meron ako. N-nasagot na ang mga tanong ko. At... at hindi ako makapaniwala sa... sa pinagdanan nila."

"Ah, my dearest. Kung alam mo lang kung papaanong umiyak sila noong lumitaw ako roon at ipakita ang picture mo. So, ngayong nasagot mo na ang mga tanong mo, nahiling mo ba na sana ay hindi ka ipinaampon? Na sana ay sa kanila ka lumaki?"

Dumapa si Celine para makita ang mukha ng asawa. "Sa totoo lang ay iniisip ko ang bagay na iyan. And then I think of you and just like that I found the answer I needed." Marahang umiling siya. "No. Hindi ko gusto na mabago ang naging takbo ng buhay ko. Iyong mga pinagdaanan ko, iyon ang dahilan kung ano at sino ako ngayon. I think my life meant to be in that way. Kasi kung nagbago ang takbo ng buhay ko, kung nagbago ang landas na tinahak ko ay baka hindi tayo nagtagpo. Hindi sana ako ganito kasaya ngayon. Hindi ko sana natagpuan ang lalaking kahulugan ng buhay ko. Ang lalaking mahal na mahal na mahal na mahal ko..."

Napangiti si Daniel. Maging ang mga mata nito ay ngumingiti. Mayroong mga mumunting ilaw na nagsasayaw doon. Halatang ikinasiya ni Daniel ang narinig. "I beg to disagree, Sunshine." Ang palad nito ay lumipat sa pisngi niya at humaplos roon. "Naniniwala ako na kahit na anong landas ang tahakin natin, lagi pa rin iyong patungo sa isa't-isa. Our roads will always lead to each other. Ganoon ang laro ng kapalaran. Pagtatagpuin at pagtatagpuin ang mga pusong nakalaan para lamang sa isa't-isa."

Siya naman ang lumawak ang ngiti. "Alam mo, Mister Daniel Cavelli, habang dumadaan ang mga araw ay lalong nagiging romantiko ang mga lumalabas dito." Itinuro niya ang bibig nito, pagkatapos ay hinaplos ang outline ng labi. Ah, ang labing iyon na una rin niyang kinahumalingan noon. Buo iyon, pilyo, at masarap. At hindi napigilan ni Celine ang sarili. Hinagkan niya ang asawa. Dinama at ninamnam ang lambot at tamis niyon.

Nagpatuloy sila pagkukuwentuhan. Maya-maya pa ay hindi napigilan ni Celine ang paghikab. Hinapit siya ni Daniel. "Alas dos na. Matulog ka na. Pupunta pa tayo mamaya sa doctor mo para sa check up ng binti mo."

Hindi na tumutol si Celine dahil hinihila na rin siya ng antok. Muli siyang humikab bago nagsumiksik sa asawa. "Tell me some bedtime stories," inaantok na paglalambing niya. "'Yung tungkol sa Prinsipeng may espesyal na sakit."

Daniel chuckled. "Okay. There was once a super handsome but lonely prince."

"Handsome, huh?" inaantok na komento niya, bakas ang ngiti sa labi.

"Yes. The prince is super handsome," anito, dinampian muli ng halik ang kanyang noo. Ramdam niya ang titig ng asawa. Hinagilap niya ang palad nito at hinawakan iyon. "He was lonely because he thought he'll be forever alone in his dark kingdom...The prince was moody, arrogant... " 

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon