Part 45

1.1K 67 4
                                    


NAGNGALIT ang mga bagang ni Daniel. Ang tila pelikula ng masasayang ala-ala nila ni Lino mula pa noong mga bata pa sila na nagpi-play sa utak niya ay tila biglang pinatay at nagdilim ang monitor. Oo, mula ng mapanood niya sa telebisyon sa kusina ang balita tungkol sa aksidente ni Lino ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang alalahanin ang nakaraan, ang mga masasayang alaala nila ni Lino. He's playing it in his mind over and over again. Kumakapit siya sa mga alaalang iyon para labanan ang reyalidad. Para maiwasan niya ang kumunoy ng depresyon. Para hindi niya mapansin ang tinig ng halimaw sa isipan niya.

Pero ngayong nakita na ng mga mata niya ang kalagayan ng kaibigan ay hindi na niya mapanindigan ang pagkontrol ng damdamin. Parang pinipilas ang puso niya sa kalagayang ito ni Lino. It felt like déjà vu. Noong nasa ganitong sitwasyon din si Celine noong maaksidente ito. Parang masamang bangungot at gustong-gusto na niyang gisingin ang sarili.

Yinakap siya ni Celine. "A-ayos lang kung iiyak ka, Daniel. K-kung...k-kung matatakot ka at mag-aalala," garalgal ang tinig na wika ni Celine. Ramdam niya ang mga luha nito na bumabasa sa suot niyang damit. "K-kausapin mo siya. Sa-sabihin mong l-lumaban siya. S-sabihin mong magpagaling siya..." Mariing pumikit si Daniel. Pero hindi naagapan ng pagpikit ang maiinit na luha na sa iasng iglap ay naipon sa mga mata niya. Nagrerebelde ang mga luhang iyon. Nagkukumawala. Matindi ang pagnanais na makalaya mula sa preso ng kanyang damdamin. "Daniel, he needs you! Kailangan niyang marinig ang boses mo, madama ang presensiya mo..."

Hindi siya tumutol nang igiya siya ni Celine papalapit sa kamang kinararatayan ni Lino. Afterwards, Celine stepped aside. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang palad ni Lino. "L-Lino..." Sa pagbuka ng bibig ay tuluyan na rin siyang napahagulhol. Oh, God! Parang puputok ang puso niya sa pag-aalala. Ang taong laging nasa tabi niya, karamay sa lahat ng sandali ay hayon helpless, delikado ang buhay. Gusto niyang magmura nang magmura at maghanap ng masisisi. Gusto niyang tawagin Siya, at magmakaawa para sa buhay ng kaibigan. Hindi, hindi niya kakayanin na mawala si Lino. He was more than a friend to him. Dito siya minsan humuhugot ng lakas, sandalan sa lahat ng oras. "Y-you can't do this to me... y-you can't, you bastard..." garalgal ang tinig na wika niya. "M-mas sanay akong ako ang nakahiga riyan at ikaw ang umaalalay sa akin. D-don't do this to me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. H-hindi ako kasing tatag mo. Oh, brother! L-laban. Lumaban ka... I c-can't lose you," garalgal ang tinig na wika niya.

Kinalma ni Daniel ang sarili. Hindi siya puwedeng magpadala sa takot at sa pag-aalala niya. Hindi niya i-e-entertain ang dumidilim na parte ng isipan niya at hindi niya pakikinggan ang mapang-udyok na tinig roon. Kailangan niyang payapain ang tila gumigising na bulkan sa kanyang kalooban. No. Magiging matatag siya. Kailangan siya ni Lino. Hindi niya ito bibiguin at--- natigilan si Daniel. Dali-dali siyang lumabas ng silid.



===============

Paki-VOTE po. :) Ano po masasabi ninyo, so far, sa kuwento? Drop a comment. :)

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon