Part 52

1.3K 56 1
                                    


Hanggang...

"Rot in hell!" dumadagundong na sigaw ni Daniel bago magkasunod na ipinukol sa deriksiyon nina Peter at Gido ang kung anong hawak ng mga palad nito.

Napatili na lang si Celine nang mapagtanto kung ano ang nangyari. Ang mga mata niya ay nanlaki sa nasaksihan. Si Peter, may nakatarak na kutsilyo noo nito. Mulagat ang mga mata nito at tuluyang nabitawan ang baril, ganoon din si Christopher. Mabilis na gumana ang reflex ni Celine, nag-dive siya at sinalo ang bata. Nang masalo ang anak ay mahigpit na niyakap niya ito, ipinaloob sa mga bisig niya, at prinotektahan. "Oh, God. Oh, God..." umiiyak na usal niya.

"Maaa!" umiiyak na palahaw ni Christopher. Mapula na ang mukha nito at naghahalo na ang luha, sipon, at laway.

"Hush. Yakap ka na ni mommy. It's okay, it's okay. It's over, son. Daddy save us..." aniya. Nang marinig niya ang pagpalahaw ni Hugo ay napalingon siya sa deriksiyon nito. Si Gido. May punyal din na nakatarak sa tapat ng dibdib nito. Pero hindi tulad ni Peter na wala ng hininga, si Gido ay naghihingalo pa. She gets it. Naaalala niya ang kuwento ni Lino na mahusay umano si Daniel sa larong dart. Lagi daw itong nakaka-bull's eye. Koordinado umano ang reflex nito, ang ritmo, at ang vision... At ang skills na iyon ay ginagamit din umano ni Daniel sa pangangaso. Ngayon ay ginamit iyon ni Daniel para makaligtas sila sa sitwasyong iyon. Thank God. God is so good. Hindi Niya hinayaang mapahamak sila.

Tumayo si Celine na karga si Christopher. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Hugo at kinarga rin ito. "K-kaawaan ka ng Diyos," umiiyak na usal niya kay Gido. Si Gido na marahil ay nagsisisi din dahil sa huling sandali ay may pumatak na butil ng luha sa mga mata nito. Tapos na ang bangungot. Tapos na ang pinakamahabang oras sa buhay ni Celine. Ligtas na sila.

Naagaw ang atensiyon ni Celine ng isang lagabog. "D-Daniel..." bulalas niya. "Daniel!" hiyaw niya ng makita niyang bumagsak ang katawan ni Daniel at magsimula iyong manginig na para bang kinukumbulsiyon. Huwag kang mataranta Celine, huwag...paalala niya sa sarili. Binitiwan niya ang mga bata bago mabilis na tinungo ang silid ng mga yaya. Tama siya ng hinala na nakagapos nga ang mga ito at mat busal. Mabilis na kinalas niya ang isa. "Humingi ka ng tulong sa security sa baba, bilis!" utos niya bago kinalas din ang sa isa pa. "Tumawag ka rin ng ambulansiya sa baba. Si Lando gisingin!"

Nang makalas niya ang gapos nito ay ito na ang nagtanggal ng busal. "O-opo, opo..." umiiyak at hindi magkandatutong tumakbo ito palabas.

"Ang mga bata, tingnan mo sila," utos niya sa isa pa bago nagmamadaling bumalik kay Daniel.

Seizure. Daniel is having a seizure. Naghagilap si Celine ng kutsara at inilagay iyon sa bibig ng asawa. Pagkatapos ay kinuha niya sa silid ang mga paunang gamot na dapat maiturok sa katawan ni Daniel sa pagkakataong inaatake ito ng seizure. Bagaman natataranta, maayos naman niyang naibigay ang mga gamot na kailangan. Ang sugat sa balikat ay tinalian ni Celine ng pinunit na bahagi ng kanyang damit. "Y-you'll be all right..." aniya sa asawa, niyakap niya ang nagkokumbulsiyon nitong katawan. Tiningnan siya ni Daniel, may kislap iyon ng pagmamahal, may luha ng saya sa kaalamang ligtas na silang mag-ina. "I love you. Ligtas na tayo, l-ligtas na tayo, Daniel. It's over. Thank God it's over..." puno ng emosyon na usal niya. "D-Daniel..." hintakot na wika niya nang tumitirik na ang mga mata ni Daniel. "Danie—l! Tulong, tu—long!"

Sunshine And You 2 (Completed)Where stories live. Discover now