Part 38

1.1K 52 0
                                    


"I THINK the ball is in Lino's court," komento ni Daniel. Naroon sina Marc at ang iba pang malalapit na kaibigan sa Cavelli Place para sa isang maliit na pagtitipon. They were there to officialy welcome Hugo to the Cavelli family. Si Riza, Celine at dalawa pang babae ay nasa sala at nagkukuwentuhan din. Habang silag mga kalalakihan ay naging topic ang DeKart na balak pamunuan ni Lino. "He can easily get the seat. Takot ang mga tao na kapag hindi nakuha ni Lino ang pamunuan ay ipo-pull out ni Lino ang shares niya. Kapag nangyari iyon, malalagay sa alanganin ang kumpanya. At kapag hindi agad nakakuha ng investor ay baka tuluyan iyong ma-bankrupt."

"Sa totoo lang ay nagdadalang-isip na ako," ani ni Lino. "Bigla akong natakot sa responsibilidad. Malaking kumpanya ang DeKart, paano kung hindi ko iyon mapamunuan ng maayos. Ano nga ba ang alam ko sa pagpapatakbo ng malaking negosyo?" Totoo iyon, kinakabahan siya. Noong una ay gusto lang naman kasi niyang makuha ang DeKart dahil sa isang babae na empleyado roon. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito kapag pumasok siya roon bilang boss nito. Oh, that woman. He wanted her in his bed! At hindi siya titigil hangga't hindi ito nakukuha. Simula nang makita niya ito ay naakit na siya rito, nagnasa ng matindi rito.

"Oh, come on," hindi-kumbinsidong tugon ni Marc. "Bukambibig ka ni Daniel. You were a BS BMA summa cum laude!" humahangang sabi ni Marc. Napatingin tuloy siya kay Daniel. Nagkibit-balikat lang naman ito na tila ba sinasabing 'I can't help it. I'm proud of you.' "And, hey, look at me, wala rin naman akong alam sa pagnenegosyo noong iwanan ko ang mundo ng motorcycle racing para asikasuhin ang business namin," dagdag pa ni Marc.

Tinapik ni Daniel ang balikat niya. "Have a little faith in yourself, man," anito sa kanya. "Sa Amsterdam nga may nahihimok kang investors."

Napailing na lang siya. "Speaking of Amsterdam and investors, baka sa isang araw ay bumalik ako roon. May mga kakausapin pa akong tao roon na interesadong ipasok ang negosyo nila sa Pilipinas."

"That was great," ani ni Marc. "Give me call if you need a partner. Mga dalawang buwan lang naman kaming mananatili sa Spain. Hindi na kami nakatanggi ni Riza sa mga elders, gusto nilang makasama ng mas matagal ang mga bata."

"Tatandaan ko," tugon niya.

Maya-maya pa ay tumunog ang doorbell. "Mukhang nariyan na sina Gido at Peter," ani ni Daniel.

"Ako na ang magbubukas ng pinto." Tumayo siya at tinungo ang pinto. Si Gido nga ang naroon. "Pasok, 'tol. Nasaan si Peter?"

"Hindi na kami nagsabay dahil may dadaanan pa daw siya."

"Ganoon ba?" Napansin niya na marami itong bitbit na paper bags.

"A-ah. For Hugo," anito ng tila mapansin na nakatingin siya sa mga bitbit nito. "M-mga laruan at damit. Meron din para kay Christopher."

"Yeah. Of course." Nasundan ni Lino ng tingin si Gido. Mukha itong biglang ninerbiyos. At hindi malaman ni Lino kung paanong nangyari pero biglang nag-flash sa isipan niya ang mga pagkakataong pumupunta roon si Gido na may bitbit na kahit ano para kay Hugo, syempre meron din naman para kay Christopher. Ganoon din ang mga eksena kapag inaaliw nito ang bata.

"Hey," pagpukaw sa kanya ni Daniel. "Something wrong?"

Umiling siya. "Wala. Wala naman," aniya bago iwinaksi ang gumugulo sa kanyang isipan. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan. Nang makaramdam ng panunubig ay nagpa-excuse si Lino, pumasok sa loob at tinungo ang comfort room. Agad din naman siyang natapos. Pabalik na siya sa terasa nang maulinigan niya ang hagikhik ng bata. Masasabi niyang kay Hugo ang hagikhik. Nagmumula iyon sa nursery. Napangiti siya at tila lumambot ang puso niya sa hagikhik na iyon. Ipinasya niyang kunin ang bata. Tinungo ni Lino ang nursery. Bukas ang pinto. Nakita niya roon si Gido, ito pala ang nagpapatawa sa bata.

Sunshine And You 2 (Completed)Where stories live. Discover now