Part 25

1.2K 59 0
                                    

GUSTONG iikot ni Celine ang mga mata niya. Paano ba naman ay pinagtitinginan si Daniel ng mga kababaihan. Na animo noon lang nakakita ang mga ito ng lalaking tulad ni Daniel. Lalaking matangkad, makisig, at napakaguwapo. Daniel is really oozing with sex appeal. Hindi puwedeng hindi mag-uukol ng ikalawang sulyap ang mga babaeng nakakakita rito. Aware kaya doon si Daniel? Marahil. Baka matagal na itong nasanay sa ganoong atensiyon. Baka nga binatilyo pa lang ito ay nalulunod na ito sa atensiyon ng mga babae. Nakakapanggigil lang na isipin ang bagay na iyon. Mapag-angkin na humawak siya sa braso ng asawa. Ito pa rin ang may karga kay Christoff.

"You are frowning," puna ni Daniel sa kanya.

Sumimangot siya. "Alam mo kung bakit. Manhid ka kung hindi mo alam," masungit niyang tugon.

Tumawa si Daniel. Tawang hindi niya gustong makarating sa pandinig ng iba dahil napaka-sexy niyon. "Alam mong kahit maghubad sila sa harapan ko, hindi ko sila papatulan."

"Pero hinuhubaran ka naman nila sa isipan nila," pagmamarakulyo niya. Ang mga babaeng iyon, lalo na iyong may mga active sex life ay siguradong naglulumikot ang imahinasyon.

Humarap sa kanya si Daniel kaya napilitan siyang huminto sa paghakbang. Hinuli nito ang kanyang paningin. "I'm yours, all of me." Gamit ang isang libreng palad ay sinapo nito ang kanang bahagi ng pisngi niya. Pagkatapos ay hinagkan siya nito. Walang pakialam si Daniel sa paligid. Hinagkan siya nito, sinigurong sa pamamagitan ng halik na iyon ay maiparating sa kanya ang damdamin nito. At nagtagumpay naman si Daniel. Kumalma siya. Gumanti ng halik. "Kapag may tiningnan akong ibang babae, tiningnan na may pagnanasa, doon ka magselos. Pero duda ako kung darating ang sandaling iyon. Ikaw lang, Celine. Ikaw lang."

Tuluyan nang gumuhit ang ngiti sa labi ni Celine. "Kain muna tayo? Nagutom ako sa pagmamarakulyo ko," naglalambing niyang wika sabay yakap ng mga braso sa baiwang nito. Yeah, girls, this man is mine. Mine alone. "Nakakaubos ng energy ang pagseselos. Hay. Paano pa kaya ako magrereact kung may nanghaharot talaga sa 'yo? Isa lang ang sigurado ko, hindi ako magmumukmok at magngingitngit lang sa isang tabi. Maghalo na ang balat sa tinalupan."

Tumawa si Daniel. "Hindi naman ako magpapaharot. But you know what? I'm feeling good right now. I mean, nakakatuwa rin na nagre-react ka ng ganyan. You're being territorial and possessive. And I like it. Parang affirmation kung ano ang halaga ko sa 'yo."

"Bakit kailangan ng affirmation?" Kunwari ay nakasimangot na sabi niya. "Hindi ko ba naipapadama sa 'yo kung ano ang halaga mo sa akin? Kung gaano kita kamahal? Ouch. Ang sakit no'n, Daniel." Umakto siyang nasaktan talaga sa pahayag nito.

Tila nataranta naman ito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean—"

"Got you!" humahagikhik na sabi niya. Nahulog si Daniel sa bitag niya. Siyempre ay alam naman niya at naiintindihan kung ano talaga ang nais nitong ipakahulugan.

"Silly," anitong umiiling, bagaman nakangiti. "Kain na nga tayo. Ano ang gusto mong kainin?"

"Ikaw," pilyang tugon niya. Daniel groaned. Halatang sineryoso at naapektuhan ito sa sinabi niya. Ganoon sila sa isa't-isa. A simple stare, a simple word can turn them on. "Biro lang. Gusto ko ng Pizza," agad na pagbawi niya.

"Pizza it is," anito. "For now. Then you'll have me later. We'll have each other later."



HUMANTONG ang mag-anak sa isang Italian Restaurant.

"Pizza lang?" tanong ni Daniel kay Celine. Sinusuri nito ang menu. Si Christoff ay nakaupo sa isang high chair. "Pasta dish ayaw mo? Or, ako talaga ang gusto mong kainin?" tudyo nito sa kanya. His smile was wicked. Maging ang kislap ng mga mata ay mapanukso. Ni walang pakialam si Daniel sa waiter na nakaantabay sa kanila.

Natawa siya. "Vegetable salad na lang. Salad and Pizza. That's all. Ayoko ng mabigat sa tiyan," aniya.

"Okay." Binalingan ni Daniel ang waiter at sinabi ang mga order nila. Agad naman itong tumalima. "How about bukas na lang tayo umuwi sa isla? Naisip ko lang na baka gusto mong gumugol pa ng kahit kaunting oras sa pamilya mo. Or, imbitahan mo sila sa isla. That's fine with me."

"Hmm. Magandang ideya. Panay nga ang tawag sa akin ni Nanay. Mag-dinner naman daw tayo sa kanila. At si Christoff, gusto rin nilang makilala."

"Walang problema. Though baka magtaka sila pag naging mapili ako sa pagkain. You know, hindi nila alam na may mga pagkain at ingredients na bawal sa akin. You can tell them my condition. I won't mind. Ayoko lang na gagawin iyong paksa sa harap ko. Na para bang isa akong kakaibang nilalang o alien na kailangang suriin at i-interrogate." Nagkibit-balikat si Daniel.

"Hindi. Sa palagay ko ay masyado pang maaga para malaman nila ang kondisyon mo. Let's take one step at a time. Tawagan ko na lang si Yolly para makapagpaluto ng ilang putahe na bibitbitin natin pagpunta doon," aniya. Si Yolly ang asawa ng driver nilang si Lando.

Pagkaraan pa ng ilang minuto ay dumating na ang mga in-order nila. 

Sunshine And You 2 (Completed)Where stories live. Discover now