Part 3

2.6K 85 0
                                    

 "OH, PLEASE. Stop, Daniel," natatawang inikutan ni Celine ng mga mata ang asawa. He was giving her wicked smiles and wicked glances. Nasa himpapawid sila noon, sakay ng pribadong helicopter nito. Paluwas sila ng Maynila para dumalo sa birthday party ng anak nina Marc at Riza. At para sa isang speaking engagements na dadaluhan niya para sa krusadang 'Responsible Driving' kung saan isa siya sa mga nagtatag kasama ang ilang kaibigan. Gusto niyang magbigay ng lecture, lalo na sa mga kabataan, kung ano ang panganib na dala ng pagmamaneho ng lasing. Naranasan na niya ang maaksidente kaya alam niya.

Tulad ng nakagawian, papalubog na ang araw ng bumiyahe sila. Tamang-tama lang naman dahil gabi naman ang birthday party.

Tumawa si Daniel. Tawang buo, baritono, lalaking-lalaki. He was so dashing. Kahit sinong babae yata talaga ay manlalambot ang tuhod sa taglay nitong kakisigan. And those stare he was giving her right now is just sinfully mesmerizing. Oh. Hindi lang iyon nakakamangha, nakakapagpagulo rin ng sensuwalidad ng isang babae. Nakakagising ng sex drive. His sexuality was oozing. Iyong tipong, gigitaw sa balintataw mo ang maiinit na eksena hanggang sa dumating ka sa punto na ipag-aalukan mo ang sarili mo rito. Yes, Daniel possessed that kind of power. Oh, hell. Hayon nga at pakiramdam niya ay nanunuyo na naman ang lalamunan niya. "Stop staring..."

"Why?" tanong ni Daniel. Pilyo ang ngiting nakaukit sa labi. "Hindi ka na kumportable na tinititigan kita? Ha. Mag-ingat ka sa isasagot mo, Sunshine..."

Kinagat ni Celine ang kanyang pang-ibabang labi para pigilin ang kilig na nararamdaman. Ah, kanya ang lalaking ito. Kanya lamang. "Oh, I like— No. I love it. I love it when you're looking at me that intensely. Kasi nakikita ko, nababasa ko sa mga mata mo na ako lang. Na ako lang ang nariyan sa puso mo." Nginisihan niya ang asawa. "Na ako lang ang gusto mong..." Ibinitin niya ang sasabihin.

"Oh, yes..." makapal ang tinig na agad na pagsalo ni Daniel. "Ikaw lang ang gusto kung makaniig, halikan, sambahin. That is correct. But why are you stopping me again? Bakit ayaw mong nakatitig ako sa 'yo?" Mukhang hindi ito matatahimik hangga't hindi siya nagbibigay ng rasong katanggap-tanggap para rito.

She giggled. "Kasi po, my alpha male husband, ikaw ang nagpipiloto. Diyan ka mag-concentrate. Kung hindi mo napapansin, ilang beses na tayong dumaan sa makakapal na ulap. Bahagyang naaalog ang eroplano. Your son is sleeping. Alam mo naman na nag-aalburuto iyon kapag naaabala ang tulog."

Maging si Daniel ay natawa. Pareho nilang sinulyapan ang sanggol na natutulog sa likuran ng cockpit. Naroon din at nakabantay ang yaya ni Christoff. Noong ipanganak si Christoff, bumili si Daniel ng bagong eroplano. Costumized, this time. Ang pagiging child-friendly ang pangunahing konsiderasyon. "Yeah. You're right. Bakit kasi ang ganda mo?" anito, tila naninisi pa.

"What?" Tuluyan na siyang napabungisngis.

"I can't take my eyes off you," reklamo pa nito. And then he smiled gently at her.

"Daniel..." aniya maya-maya.

"Yeah?"

"Napansin ko lang na mula noong magsama tayo, hindi ka na inaatake. I'm not talking about seizures kasi sabi ni Lino sa buong buhay mo daw ay ilang beses ka lang nag-seizure. Iyong mood swings at abdominal pain ang madalas daw umatake. Pero walang atake ng depresyon, ano? Wala kahit abdominal pain. And you're always in good mood."

"Yeah," malugod na sang-ayon ni Daniel. Napansin niya nang ilagay ni Daniel sa auto pilot ang eroplano. Pagkatapos ay binalingan siya ng asawa at kinuha ang kamay niya. "Siguro dahil wala namang dahilan para ma-depress ako. Although minsan, kahit walang dahilan umaatake talaga ang depression. Well, maybe because I'm happy and content. Buo ako, masaya, at kuntento. Wala na akong mahihiling pa. Hindi tulad noon na pakiramdam ko may kulang, may puwang sa puso ko. Isa pa, hindi rin naman ako nasisinagan ng araw." Daniel's hand went to her face. Marahang hinaplos nito ang pisngi niya habang masuyong nakatitig sa kanya. "And of course, my goddess doctor is always reminding me to take my medicines."

Kinuha ni Celine ang palad nitong nasa pisngi niya at dinala sa kanyang labi. "God is good." Bagaman masaya siya sa mga nangyayari, sa kaibuturan ng puso ni Celine ay may bumabangon na kaba. Masaya sila at halos perpekto ang mundong binuo. Pero sabi nila, wala naman daw perpekto sa mundo. Paano kung panandalian lang pala ang lahat ng ito? Ah, nonsense, Celine, kastigo niya sa sarili. Pinag-aalala mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari. Just cross the bridge when you get there.

Sunshine And You 2 (Completed)Where stories live. Discover now