BYE9: We Can't Have Faith for Everybody Part 1

130 12 21
                                    

Kinabukasan ay hindi naman na ganoon kasama ang pakiramdam ko. Newt ended up cooking for the both of us in the morning, tapos na siya kumain pero ako ay hindi pa. Nahihilo pa kasi talaga ako at nanghihina.

Naalala ko bigla si Dad, how did he find us? Nakakasama lang talaga ng loob ang biglang pag-sulpot niya, hindi kasi inaasahan and God! I was so scared. Why would you stalk your own daughter? Anyone who does that must be sick in the head! Ilang minuto pa ng katahimikan at narinig namin ang doorbell.

Tinitigan ko si Newt na tumayo para pagbuksan ng pinto ang dumating. "Where is she? Is she okay? I told you to update me!"

Well, here comes the fury of Mother Earth.

Nilayo ko ang bowl sa akin.

"Beverly! You scared the hell out of me!" Sigaw ni Vicki sabay hampas sa'kin! Napadaing agad ako, fuck! I got even more dizzy, naalog ako eh!

"Victoire" Newt warned. I shot them a tired look. Tinaas ni Vicki kamay niya, "Ay sorry, sorry" she apologized and then hugged me. Pinanuod ko si Newt na salinan ng tubig ang baso ko.

"You done?" Nakakunot ang noo niya. Tumango lang ako. Si Vicki ay hinihimas ang likod ko. Nilapag ni Newt ang paracetamol sa harap ko.

Ugh, I hate drinking tablet medicines. Nahihirapan ako lunukin eh. "Go drink your meds na" si Vicki.

Pinilit kong inumin 'yon, napangiwi pa nga ako bago mabilisang inabot sakin ni Newt ang baso ko.

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ni Vicki. Tumikhim ako, nanlalata. "Si-"

"Bev, go to your room. Magpahinga ka muna" Utos ni Newt. Nahihilo na naman ulit ako kaya hindi na ako nagmatigas. I looked at Newt wanting to say thank you for the food and for last night but I'm too dizzy to say something.

Tinignan ko siya while he did the same to me, tumango lang siya. He blinked at me sweetly and smiled faintly.

Hinatid niya ako ng tingin hanggang sa kwarto. He'll handle Vicki. Sa loob pa ng kwarto ay narinig ko pa ang Malabong tinig ng dalawa na naguusap. Hindi ko na ito masyadong napagtuunan dahil sa biglang pagsakit na naman ng ulo ko. I know for sure, Newt can explain everything to Victoire.

Masakit man ang ulo ay hindi ko pa rin nagawan makatulog. I just can't seem to shake the thought of my father coming here. I wonder what he's up to. No matter how much I try to forget him and just bury his memories, I can't. Iba ang sakit na nadulot niya sa akin at sa amin. It took a lot of time for us to heal, I don't understand why he's here. I just can't seem to let go of that hurt and the grudge that I'm feeling after all those years. Funny how the ones you love the most are the ones who can lift you in an instant but ironically, they're also the ones who can destroy you without even trying.

I closed my eyes as I tried to sleep once again. Narinig kong bumukas ang pinto, lumubog ang espasyo sa kama sa tabi ko. It's Newt, I'm sure of it. Naglagay siya ng basang bimpo sa aking noo.

"I know you're having a hard time right now. So rest, Bev. Andito lang ako..." His words felt like a lullaby. Ganon na lang kabilis akong nakatulog.


















"Wala ka 'bang bahay, Newt?" Napairap ako. I was already cramming from the schoolwork na hindi ko nagawa. Plus, may exam na kami this week! Wrong timing talaga ang sakit ko.

"Bakit? ayaw mo ba ako dito?" Nilaro niya ang buhok ko sa likod. Kanina pa siya ganyan. Nakahiga kasi siya sa sofa habang ako naman ay sa sahig nakaupo at nakakalat ang mga gamit sa eskwelahan sa coffee table namin.

Ang galing talaga ng Newt Lopez na 'to! Ako ang may-ari ng bahay pero ako 'yung nasa sahig.

Newt didn't open up about the issue about my Dad. I can sense that he's trying to be casual, like he's stepping on egg shells. He thinks that one wrong move about my Dad, I'll probably break down again. He worries about me that much. Hindi na din ako nag-kwento dahil pilit kong inabala ang sarili ko sa mga gawain. Luckily, I still had so much to do. Itinuon ko ang atensyon sa ibang bagay at inilihis ang mga pangyayari noong isang araw.

BE YOUR EVERYTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon