BYE2: Nothing much has changed

165 23 48
                                    

Bumaba ako sa van na sinasakyan namin ni Mommy. Today, we've decided to visit Vicki's house along with the village. I'm kind of excited to bond with them, it's been a long time na din kasi. I also noticed na maraming mga bagong naitayong bahay at mga bagong pintura sa lugar. I'll probably get lost here if ever I decide to take a stroll.


Since weekend naman at walang trabaho si Mommy ngayon, inalok kami nila Tita Mila na maghapunan sa kanila. Tutal din naman ay niyaya ako nila Vi na tumambay kasama sina Newt, Art at Tobin. Ang sabi pa nito ay pipinturahan daw nila yung fence sa terrace ng bahay nila Art, kaya nagsuot na lang ako ng plain black fitted shirt and a nike windbreaker pants. 

Magkakatabi lang din naman halos ang bahay, doon kasi nakatira sila Art sa tintirahan namin ni Mommy nung bata pa ako, katapat iyon ng likod ng bahay nila Vi. Si Newt naman ay kaharap lang ang bahay nila Vicki samantalang si Tobin ay katabi lang ng bahay nila newt.


"Bev, Melda!." Nilingon ko ang boses ng tumawag. Sila Tita Mila kasama ang Mama ni Newt na si Tita Magnolia. They look much more older now, obviously. Ilang taon nga naman din kasi akong nawala. Bumati at nagmano lang ako sakanila saka naman nila kami niyayang pumasok sa loob.

 

"Ito na pala si Beverly! Nako napakagandang bata. Alagang alaga sa ibang bansa hano!" Ika ni Tita  Regie, ang Mama ni Art. 

Nginitian ko ito, we only spent a little time with each other bago kami tuluyang umalis so she was kind of familiar with me.

Agad akong nagmano sa mga magulang nila Tobin, Vicki, Art at Newt.

"Nasaan po sila Vi?"

"Ah nandoon na sa amin, puntahan mo na sa likod. Mga may bitbit na sina Tobin na pintura" si Tito Mark, Tatay ni Tobin.

"Sige po, Ma, Tito, Tita. Puntahan ko lang sila" Tinanguan ako ni Mama. Iniwanan ko silang pinaguusapan naman ang mga bunso nilang anak na may sarili daw na lakad.


Newt has two younger siblings. Si Nathan Fitz at si Sherissa Beula. 2 years lang ang agwat namin ni Newt kay Fitz habang isang taon lang ang layo ng nito sa bunso. Kind of confusing because of our grade levels at school. Sila kasi ay naabutan ng K-to-12.

Si Tobias naman ay may isang bunsong kapatid 'rin, si Megara. Si Victoire ay mayroong nakababatang kapatid na lalaki, Keannu 'raw ang pangalan. Pero sa pagkakaalam 'ko ay sa Daddy niya ito nagst-stay madalas.  Habang si Art naman ay nagiisang anak kagaya ko.  

"Sa wakas! Nandito na siya." Sigaw ni Art mula sa terrace nila. We're going to paint something and he's wearing a white shirt? Is he not aware of how much mess we're going to makev laterfor him to wear white? 

"You're late!" Narinig 'ko mula roon ang boses ni Vicki. Yeah right, filipino time 'eh! Bakit ba?

"Oo na! Oo na! Malay ko bang seryoso 'yung 10 'o clock meet up dito." Pumaymewang ako habang nakatingala. May bumuntong hininga sa likod 'ko. Tumayo ako ng maayos.

"Huwag ka maniwala, kararating lang ng mga 'yan" Akbay sakin ni Newt. Dinungaw ko ito, Atleast this one is wearing a darker shade of shirt, not unlike Art's. Newt's shirt was dark blue, paired with gray short pants. Tinaasan 'ko ng kilay 'yung dalawang nakadungaw sa'amin sa itaas.

"So much for being late, huh." I scowled at them.

Ngumiti nang alanganin sakin si Vicki magsasalita pa 'ata sana ito nang biglang tumayo si Art sa ledge ng terrace kaya sinigawan niya ito agad.

"Sapaw ka talaga kahit kailan, 'pre. " Saway ni Tobin kay Newt na nasa pintuan ng bahay. He was wearing a mustard yellow shirt and a black sweat shorts just like Art whose wearing one too. Among the three of the guys, Tobin's features were the softest but his eyes was the opposite, his chinky piercing eyes always stared like a hawk. But overall, when he's not in his brooding state he's just your typical friendly nice guy. Though ever since we were kids, his boxy smile was what I considered as his best feature. His wavy dark brown hair perfectly flopped over his forehead, he ruffled it before waving at me. "Hi Beverly!" 

BE YOUR EVERYTHINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora