BYE7: Admirers and Stalkers

109 16 15
                                    

How do I differentiate a friendly gesture between an intent of flirting?

"Beverly, tara lunch?" lapit sakin ni Raph.

Katatapos lang ng isang subject namin at ngayon ay lunch time na namin ng biglang lumapit sakin si Raph para mag alok.

Ngumiti ako kay Raph habang inaayos ko ang mga gamit ko. "Hmm, Sige tawagin ko na lang din sila Ali. Wait lang..."

Pero habang inaayos ko ang gamit ko, hindi pa rin siya umaalis saking harapan. What's wrong? May kailangan pa ba siya?

"Pahintay na lang, maya maya tatawagin ko na yung dalawa" ulit ko habang tumatayo na at isinasakbit na ang bag.

He scratched his nape, nahihiya. "U-Uh.." He cleared his throat before speaking again. Nagtaas ako ng kilay.

"Tayo lang dalawa sana?" tanong nito.

My forehead creased, bakit? ayaw niya ba kasama sila Ali? Magkaaway sila?

"Bakit?..." ako.

"Wala lang, gusto ko lang maglunch kasama ka sana.." Nagiwas agad ito ng tingin sakin.

He's acting weird today, kanina pa ito hindi makatingin sakin sa mata at para bang laging iwas sakin?

Nilibot ko ang aking paningin, wala na rin naman si Ali at Andrei kaya pwede naman siguro tutal ay sa pagkakaalam ko walang saktong vacant at lunch time sina Vicki sa sched ko. Isa pa ay uwian na namin, Maiiwan din siguro yung tatlo dahil sa mga sports activities nila.

I smiled at him after thinking about it.

"Sige, saan ba tayo kakain?"

Naglakad na kami palabas ng building. This is my first time having lunch with him na kaming dalawa lang. It's just lunch though, right? I don't have anything to worry about.

"Ikaw saan mo ba gusto?

"Hala! Ikaw ang nagyaya, ewan ko sayo. kahit saan naman eh" tawa ko.

Tumawa din ito at napailang buntong hininga na para bang kinakabahan. Is he okay? Baka kaya napipilitan lang ito kasama akong kumain?

"Hindi ko alam kung saan pwede kumain.." Nahihiyang ani nito.

Hindi naman ito mahiyain sa pagkakaalam ko? Bakit ngayon ay parang aligaga siya?

"Sa KFC na lang namiss ko dun eh" Ngiti ko nang hindi siya makapagdesisyon kung saan kami kakain.

Tumango ito. "KFC it is..."

"Wala ka bang training ngayon?"tanong ko ng makalapit na kami sa parking lot.

Medyo makulimlim at mahangin ang panahon pero sa tingin ko naman ay hindi ito tutuloy sa pag-ulan.

"Wala naman, Team A ang training ngayon. Bukas pa ako pero umaga naman ang training ko dahil puro umaga ang available na vacant ng Team B bukas"

Napatango tango ako, akala ko kasi isang bagsakan lang ang training nila yun pala ay hinahati hati nila. Nang makaabot sa kaniyang sasakyan ay binuksan ko agad ang pintuan bago pa niya ito mabuksan. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko agad ang car handle.

Nahiya tuloy ako bigla, Hindi kasi ako sanay na pinagbubuksan ng pinto. Nasanay akong ako lang ang nagbubukas sa sarili, si Newt din naman ay kahit anong sakay ko sa kotse niya ay hindi nadadala at panay pa rin alalay sakin. Pero kasi ngayon, hindi ito si Newt.

"Sorry! Natamaan ba kita?" Tanong ko kay Raph. He only smiled in return. "Hindi, okay lang. Sige na pasok ka na"

Pumasok na ako at umupo na lang habang siya ay umikot sa kotse para makaupo.

BE YOUR EVERYTHINGWhere stories live. Discover now