Chapter 26 : Kiss

0 0 0
                                    

"Cheska" masayang bati ko sa kanya tsaka siya niyakap.

"I didn't expect that you'll be here" sabi ko kasi wala naman kasi talaga siyang sinasabi.

"Ask this Mark guy why did he told me to come over" mataray na turan niya tsaka inirapan si Mark na kalalapit lang.

"I just wanted us to have a reunion" natatawang sabi niya dahil sa inasal ni Cheska.

"Who's with you?" tanong ko kay Cheska ng bumukas ulit ang passenger seat ng kotse niya.

Sabay sabay kasi kami na dumating dito sa ginagawang building. At may driver siya kaya hindi ko inaakala na may iba pa siyang kasama.

"Oh that's my fiancée the one you introduced to me in France before you came here. He is actually a son of my mother's best friend. You know?" sabi niya na agad ko namang naintindihan.

Si Maynard. Si Cheska pala ang sinasabi niya na fiancée niya. Arrange marriage actually.

"Hi Claye, nice meeting you again" bati ni Maynard na nakalapit na pala sa amin.

"Hello Maynard. Nice seeing you with my friend" bati ko pabalik at nakipagkamayan.

Napalingon naman ako kay Clyde na bigla akong hinapit sa bewang palapit sa kanya. Napatingin sa kanya si Maynard at napakunot noo.

"Wooahh. Cloud bro I never thought that the two of you are still together" sabi niya at nakipagkamayan kay Clyde.

Malaki ang ngiti ng katabi ko samantalang ako ay napangiwi sa sinabi ni Maynard still together? Still together nga naman fake nga lang.

"I didn't expect it too" sagot niya kay Maynard na nakapag pairap sa akin.

"Who is this guy?" baling ni Maynard kay Mark.

"Oh this is Mark Clarkson honey. Our friend in Paris and Mark this is my fiancée Maynard Garcia" pakilala ni Cheska sa dalawa.

"So let's go inside?" pag aaya ni Mark.

Sumang ayon naman kami agad. Ipinakilala ko sila sa engineer bago kami tuluyang naglibot. Malapit nang matapos ang wirings kaya next week ay paglilinis at paglalagay na ng furnitures ang gagawin. Mabilis ang trabaho nila engineer Pascua. Tapos na rin nila ang pagpipintura kaya nakasuot kami ngayon ng mask dahil amoy pintura pa ang paligid. Madami kasing tauhan si engineer Pascua kaya madali talaga silang matapos at dahil na rin yun sa request ko na suggestion ni Mark para matapos agad ang building. Hindi lang kasi basta na isang businessman si Mark. Isa rin siyang engineer kaya may mga alam talaga siya.

"Hoy! Clyde masyado ka nang chansing diyan" saway ko kay Cloud ng mapansin kong lalo siya akong nilalapit sa kanya.

At ang loko ay hindi lang ako pinasin. Nakatingin lang siya sa paligid habang nakangisi. Parang tanga.

"Tanggalin mo nga yang kamay mo ang init kaya" reklamo ko.

Nauuna sa paglalakad sila Cheska at nasa likuran lang kami kaya hindi nila kami pansin. Busy rin sila sa pag uusapusap kaya hindi nila kami naririnig.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sweetheart. Samantalang kanina nung kaharap mo yung Mark na yun ang luwang luwang ng ngiti mo lalo na nung dumating yung Ken na yun na lagi mong tinatawag na Maynard" napataas ang kilay ko ng mapansin ko ang pagkainis sa boses niya.

"Mas may sense kasi sila kasama kaysa sayo" mataray na sabi ko sabay irap kahit hindi niya nakikita dahil busy din ako sa paglilibot ng paningin ko sa paligid.

"Edi dun ka na" pagtataboy sa akin tsaka binitawan na ako.

Problema nito. Pero buti naman at naisipan niyang bitawan na ako.

Broken PiecesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora