Chapter 15 : Heart break

0 0 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas at masasabi ko na maraming nagbago. Ako, si Maine, si Kelly, si Angelina ay parepareho ng lalaki na gusto. Although pare pareho kami ay hindi kami nag aaway away. Nag aasaran pa nga kami eh at wala naman napipikon.

"Andiyan na siya" bulong ni Angelina kaya napatingin ako sa likod ko kung saan siya nakatingin.

And there pumasok lang naman ang isang napakagwapong lalaki sa canteen kasama ang mga kaibigan niya.

Napatingin siya sa gawi namin kaya kinikilig na napangiti kami sa kanya pabalik. Well wala siyang alam na gusto namin siya.

Si Maine pala wala na sila ni Harold nalaman kasi ito ng parents niya kaya ayun pinaghiwalay sila. Sinabi ko rin sa kanya na gusto siya ni Maynard pero hindi ito naniniwala dahil sobrang lapit daw namin ni Maynard sa isa't-isa kaya imposible daw.

At kung tinatanong niyo kung sino ang nagugustuhan namin it's no other than Maynard. Haha yes. Sweet naman kasi ito. Gentle man at syempre siya ang isa na nagcomfort sa akin nung basag pa ang puso ko.

"Tinitingnan mo nanaman yang ex mo na nakikipaglandian sa isang higad" napatingin ako kay Maine na nagsalita.

Tinawanan ko lang ito kaya inirapan niya ako. Napaubo naman ako sa bigla niyang pagirap. Well hindi naman kasi talaga siya nang iirap.

"Tsk" napatingin ako sa humahagod sa likod ko and I'm not mistaken it's Maynard base na rin sa amoy ng pabango niya.

"Thanks" pasasalamat ko ng makahulma na ako.

"Your welcome" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Do you like Claye?" nabigla kaming lahat sa biglaang tanong ni Kelly.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at napabuntong hininga.

"Yes" sagot niya na ikinabigla ko.

"Wha-what?" nalilitong tanong ko I thought si Maine ang gusto niya.

"You heard it right?" nakangiting turan nito.

"What I mean is wh-why and whe-when?" kanda utal utal na tanong ko.

"I don't know either" kibit balikat na sagot niya.

Matamang nakatingin ang kasama namin sa table maya maya ay napuno na ng kantyawan.

Naiilang ako at nalilito kaya agad akong tumayo na nakakuha ng atensyon nila.

"C-cr lang ako" paalam ko.

Pagpasok ko pa lang ng cr ay agad akong naghilamos.

Bakit ganun ang nararamdaman ko. A part of me is happy but a part of me is confused.

Matapos kong punasan ang mukha ko ay tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa labas kaya agad ko itong tinaasan ng kilay. Anong ginagawa ng isang ito dito.

Bago pa ako magsalita ay nahatak na ako nito paalis.

"Teka, ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" angal ko

Hindi ito sumagot kahit halos sumigaw na ako. Tsk. Nakakainis na.

Hinablot ko ang braso ko na hawak niya ng makarating kami sa likod ng school.

Napahinto naman ito sa ginawa kong paghablot.

"Now what?" inis na tanong ko.

"I'm sorry if..."

Agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"Apology accepted" sabi ko at akmang tatalikuran na siya ng lumuhod siya.

Broken PiecesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum