Chapter 23 : Friend

0 0 0
                                    

Agad akong tumayo at sinipa ang paa ng salarin at aroganteng lalaki na pumasok sa kwarto ko.

"Ouch" daing niya pero tinalikuran ko lang siya at umupo sa kama ko.

"Napapala mo. Ano bang ginagawa mo dito hah?" mataray na tanong ko.

"Sinundan kita wala ka kasi sa condo pagbalik ko tapos hindi ka rin umuwi. Nag alala kaya ako tapos makikita ko may kadate ka" nakangiwi pero naiirita na lintaya niya.

"Ano naman sayo ngayon?"

"Hindi mo rin sinasagot yung mga tawag ko. Tsaka bakit magkasama kayo ng Marvin na iyon. Ano na lang iisipin ng publiko kapag nakita nila na may ibang kasama ang fiancée ko sa isang restaurant" mahabang sabi niya na hindi ko naman inintindi.

"Hindi mo ako fiancée yung fiancée mo kasama mo kanina sa isang restaurant" sabat ko.

"So nakita mo pala kami?" nakangisi na, na sabi niya tsk. Bipolar.

"Anong sinasabi mo? Nakita ko lang sa social media kalat na kaya" palusot ko.

Effective naman dahil agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.

Napakunot ang noo niya at napasabunot sa ulo. Agad siyang nagtipa sa cellphone niya at may tinawagan.

"Kelly may bagong upload sa social media na picture namin ni Ivony asikasuhin mo agad. Kailangan mabura agad yun para hindi na kumalat lalo lang gugulo kapag nakita nila iyon" sabi niya sa kausap at ibinaba ang cellphone.

"Bakit ba ayaw mong makilala ng publiko kung sino ang totoo mong fiancée hah?" curious na tanong ko.

Diba pagkakataon  na niya yun pero ayaw niya pa. Kung mahal niya talaga si girl dapat ipaglaban niya kahit ikasira pa ng career niya.

"Gugulo lang ang lahat" maikli ngunit seryoso na sagot niya.

"Pwede naman nating sabihin na siya talaga yung fiancée tapos business partner ako ng pinsan mo tapos pinapunta tayo ng pinsan mo sa condo niya kaya magkasama tayo ng nakita nila tayo dun"

"You didn't know kung paano tumakbo ang media they only believe what they want to believe kaya mabuti pa mag ingat ka na lang at gawin yung dapat mong gawin" seryosong sabi niya.

"Bakit b-" naputol ang sasabihin ko dahil....

"Shut up. Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nag upload ng picture? You never change you are still childish. Laro pa rin ang tingin mo sa lahat ng bagay" tiim bagang na sabi niya kaya napatulala ako.

Did I feel frightened just now? No. Wala naman akong dapat ikatakot ah. Tsaka ano sabi niya? Ako childish?

"Oo ako nga ang nag upload ng picture pero wala kang karapatan na sabihan ako ng childish you didn't anything about me. You don't know my reasons" madiing sabi ko habang pinapakalma ang sarili sa inis.

Sinabi ko na ba na maikli ang pasensya ko?

"Really? Ano pala ang tawag mo sa ginawa mo?" nangangalaiting sabi niya.

Hindi ko maintindihan kung anong pinanghuhugutan nito ng galit. Aishh kainis.

"Bakit ba ganyan ka makareact? Kung tutuusin ako nga dapat ang nagagalit dito dahil hinila mo ako sa sitwasyon na ito" hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko.

"Ayaw ko lang may masira na career sa amin. Kapag nasira ako maisasali ang mga kaibigan ko. Kung wala kang pakialam na masira ang career ko. Please kahit yung career na lang ng mga kaibigan ko ang isipin mo dahil naging kaibigan mo rin naman sila" mahinang sabi nito.

That hits me. I forgot his bandmate is my friends back then.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Napuno ng katahimikan ang buong silid. Pinagmasdan ko lang siya. He looks tired. Parang wala siyang tulog sa itsura niya. Muli akong napabuntong hininga bago siya tinaasan ng kilay.

Broken PiecesWhere stories live. Discover now