Chapter 17 : Comeback

0 0 0
                                    

Napangiti ako pagtungtong ko pa lang sa labas ng airport. Philippines is still Philippines polluted air is still here. At ang mainit pa rin ang klima lalo at summer ngayon. Pinagmasdan ko muna ang paligid parang hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na ulit ako. Well marami na ang nagbago sa mga buildings dahil mas naging matataas ito..

Agad akong tumawag ng taxi nang may makita ako. Agad naman akong pinuntahan nito at nilagay ni manong driver ang maleta ko sa compartment ng taxi.

Nang makasakay ako ay sinabi ko yung address.

Dun muna ako sa condo ni Ate Martha tutuloy at siya yung sinasabi ko na business partner ko.

Masyado kasi atang nawili sa akin si ate Martha.

Wala naman na kasing tumutuloy sa condo niya dahil may bahay na siya at kasama ang pamilya niya.

She's rich and have a company pero hindi parin mawala ang hilig nito sa fashion kaya ayun.

Dumaan muna ako ng mall para makabili ng ilang  kailangan ko. Pagkatapos mamili ay dumiretso muna ako sa isang restaurant para kumain. Nakakagutom kasi ang biyahe kahit may madaming makakain sa eroplano. Well siguro ay namiss ko lang talaga ang pagkain dito.

Paglabas ko ng restaurant ng may muntik ng makasagasa sa akin.

"Hoy ano ba?" Sigaw ko dito pero parang wala lang. Umandar ito ulit paalis.

Tiningnan ko ang plaka ito at minemorize. Tsk. May araw ka rin sa akin.

Tinawagan ko si ate Martha ng makarating na ako sa condo unit niya.

"Nakarating na ako ate" bungad ko dito.

"Mabuti naman. Kumusta ang byahe?"

"Okay naman ate. Salamat hah"

"Walang anuman Claye basta ikaw. Malakas ka sa akin" sabi niya kaya napatawa ako.

"Ate Martha talaga"

"Nakahanap na pala ako ng place na magandang pagpatayuan ng boutique mo. I will send you the address"

"Really! O my gosh excited na ako" masayang sabi ko.

"Haha I'm more than excited. Sige na. I'll hung up. Tinatawag na ako ni Matty" she's talking about her son.

"Okay ate thanks. Ulit"

"Ano ka ba. I'll hung up na ingat" sabi nito at tinapos na ang tawag narinig ko na kasi ang tawag sa kanya ni Matty.

Tinawagan ko na rin si mom at dad para sabihin na nakarating na ako at kung na saan ako.

"Hay" napabuntong hininga ako habang nakaupo sa sopa.

I badly need a rest. It's already 5 pm.

Pumasok na ako sa kwarto at natulog na.

Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Tamad na kinapa ko ito sa bandang kanan ko. Dahil sa pagkakatanda ko ay dito ko ito nailagay.

Nagtaka ako ng may mahawakan akong matigas na bagay.

Wala naman ito kagabi ah. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko ng bumungad sa akin ang isang mukha na malapit lang sa mukha ko.

"Ahhhhhhhhhh" agad akong napabangon ng magmulat ito.

"Who the hell are you?" sigaw nito na napatayo kaya napatalon ako sa gulat.

Nakatalikod ako kaya hindi ko makita ang mukha nito pero sigurado akong lalaki ito dahil sa baritonong boses nito.

"Ikaw ang dapat-" nabitin sa ere yung sasabihin ko ng makaharap ako.

Broken PiecesWhere stories live. Discover now