Chapter 4 : Birthday

0 0 0
                                    

"Tutulungan mo na ba ako?"

"Oo na, ibalik mo na sa akin yung iPad ko"

"Mangako ka muna"

"Oo na nga eh, ang kulit. You really like her that much huh" sabi ko at pilit na inaagaw ang iPad ko sa kanya.

Andito ako ngayon sa sports complex kasama si Maynard. Siya kasi ang nakakita sa iPad ko at kinukulit niya ako na tulungan siya kay Maine. At hindi niya ibabalik sa akin ang iPad ko kapag hindi ko siya tutulungan. Nakakairita diba tsk. Hindi ko alam na may pagkamakulit ang isang ito.

"Yes" tuwang tuwa naman na sagot niya. Kaya nagkibit balikat na lang ako tsaka inagaw sa kanya yung iPad ko.

"Kapag ako hindi mo tinulungan ipagkakalat ko na girlfriend kita" banta niya kaya natawa ako.

Akala niya ba makukuha niya ako sa banta niya. Tsk. Ang childish.

"Haha, do you think matatakot mo ako diyan. Lalo kang hindi mapapalapit kay Maine niyan kapag ipinagkalat mo na girlfriend mo ako" nakangising sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumalikod at umalis. Tsk seriously. Bastos talaga.

"Thank you" pasigaw na sabi ko sa kanya at habang kumakaway kahit hindi niya makita. Medyo nakalayo na kasi siya.

Ngayon nga rin pala kami pupunta sa ewan kung saan na pagdarausan ng kaarawan ng kapatid ni Maine at hinihintay ko na rin sila dito. Sinundo niya pa kasi ang iba kaya sabi ko na dito na ako maghihintay.

Maya maya pa ay dumating na sila Maine. Naka van sila ready na para sa picnic. Binuksan niya ang pinto at kumaway sa akin kaya kumaway din ako pabalik. Tsaka lumapit na doon at sumakay.

Medyo siksikan sa van kasi kasama rin ang iba naming classmates.

Pagdating namin sa beach resort ay tangahali na. Kaya naghanda na kami ng kakainin habang yung iba ay dinala ang mga gamit sa loob ng cottage.

"Ate Claye, pwedeng magpaihaw nito" pakiusap sa akin ni Manny kapatid ni Maine (he is just five years young). 

Andito kasi ako sa labas at nag iihaw ng saging.  Inabot sa akin ni Manny ang hawak na marshmallows.

Kinuha ko naman ito at tsaka siya nginitian.

"Okea baby" sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Tinuhog ko ang ibang marshmallows at tsaka inihaw kasabay ng mga saging.

Maya maya ay tapos ko ng iihaw ang mga marshmallows.

"It's done baby Manny" sabi ko sabay bigay sa kanya ng marshmallows niya.

"Thank you ate Claye" sabi niya tsaka masayang umalis.

Matapos kong maihaw lahat ay tapos na rin silang magluto ng ibang pagkain kaya nagsikainan na kami.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto namin ni Maine at nag facebook saglit tsaka natulog. Nakakapagod kasi yung byahe.

.......................

"Gosh ang gwapo talaga ng mga members ng Cloud band"

"Sinabi mo pa lalo na yung vocalist nila"

"Mas cute kaya yung drummer"

"Si Benson ako yung pianist"

"Well kay Chase ako"

Nagising ako sa ingay nila sa labas ng kwarto.  Iminulat ko ang mata ko. Gabi na pala. Lumabas ako para makita kung sino ang nag iingay.

"Ang ingay niyo ano bang pinag uusapan niyo" usisa ko sa kanila.

"Yung performance ng Cloud band kanina sa gym, grabe ang gwapo nila" kinikilig na sabi ni Angelina.

Broken PiecesWhere stories live. Discover now