Scenes behind sweetness

167 34 2
                                    

🖊Regi Glimmer

"Scenes behind Sweetness(Her side)"

——

" Ang sweet niyo naman may pa flowers pa talaga si Gio, sana all talaga Brielle!" Kanchaw ng isa kong katrabaho. Ngumiti lang ako.

——

"Balita ko sinurpresa ka daw ni Gio ahh? Pinadalhan ka daw ng maraming chocolates at hinarana ka sa live video. Proud sayo yieee nakakaiinggit!" Tukso ni Lynx.

——

"Diba ikaw yung muntik na mabastos pero pinagtanggol nung kaibigan ni Gio? Balita ko pinabantayan ka talaga ni Gio, napakathoughtful niya no? Keep mo siya, bihira na ang ganyan hihi." Payo ng isang dating kaibigan.

——

"Anak totoo ba? Wala na daw kayo ni Gio? Ang daming lumalabas sa social media Brielle! Puro bash at rants tungkol sayo!"

Pagod na tinignan ko si mama. Bumuntong hininga ako. Napupuno na ako. Pati ba naman siya?

"Niloko mo ba siya? May nagawa kaba? Papatawarin ka non! Ano ka ba namang bata ka! Ang swerte swerte mo sa tao tapos ganyan ginagawa niya—"

"Ma tama na! Alin ba ang mga sinasabi niyong swerte ko sa kanya?! Ang mga chocolate? Mga bulaklak? Na kapalit ay presensya niya?! Hindi ko kailangan non! Ang kailangan ko ay siya... oras ma.. Atensyon."

"Dapat ka makuntento Brielle hindi—"

Sumeryoso ako. Sunod sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Ang bigat sa dibdib ko na matagal ko nang itinatago ay tila gustong lumabas. Gustong gusto ko ipagtanggol ang sarili ko. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko. Tila mag bumara sa lalamunan ko, basang basa nadin ang pisnge ko dahil sa luha.

"Makontento saan ma? Sa isa o dalawang text bawat araw? Sa mga post niya sa Fb na malayo sa mga ginagawa niya? Pag magkasama kami ay halos hindi niya ako kausapin! Halos hindi niya ako bigyan ng oras niya ma... napapagod nako manlimos ma.. akala ng iba napakasaya namin, pero lahat yun ay hindi totoo! Ikeep ko siya ma gaya ng sabi nila? Pano kung sa pag keep ko sa kanya sarili ko ang mawala? Baka ako ang maubos? Yung sa kaibigan niya? Oo nagpapasalamat ako don... pero ma hindi ba siya dapat yon? I'm tired.. I'm tired chasing people.. I'm tired begging for his attention.. Im tired faking my smiles.. im tired faking our relationship ."

-🌺

ONE SHOT COLLECTION Where stories live. Discover now