Reminiscing Memories

216 48 5
                                    

Title: Reminiscing moments

"Kuya bumili ba siya ngayon?" Nakangiti kong tanong sa sorbetero, malungkot na umiling ang matanda.

Nawala ang ngiti sa aking mga labi at naupo nalang sa malapit na bench dito sa park. Araw araw, walang palya. Lagi akong nandito.

Gustong gusto niya ang sorbetes ni manong, kahit nasa malayo pa kami handa siyang bumyahe para lang dito.
"Hindi parin ba siya bumabalik?" Tumabi sakin si manong Raul. Sa sandaling panahon ay napalapit na rin sakin ang matanda.
"Hindi pa po, ewan ko ba manong napakatanga ko kasi, sinayang ko yung babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ako. Bakit ba ako nagpadala sa panandaliang saya?

Para pa nga akong tanga. Araw araw inaamoy ko yung punda niya sa bahay ko, para kahit papaano ay maiibsan ang pangungulila ko. Na iimagine ko na nandun siya sa cr namin tumitili kasi malamig ang tubig. Alam mo ba manong? Gustong gusto niya pag minemake upan niya ako haha, pag andito kami sa park gustong gusto niya na ipiggy back ride ko siya, kahit ang bigat niya tinitiis ko. Yung sintas niya lagi niyang nakakalimutan itali, kahit na nga nakita niya ayaw nya parin ayusin, ayaw niya daw yumuko kasi yung fats niya naiipit HAHA siraulong babaenh yun." Nakangiti kong kwento kasabay ng pagtulo ng luha koMahinang tinapik ni manong Raul ang balikat ko At ngumiti.

"Magkakaayos din kayo"

Sana nga.. Kahit makita ko lang siya

---------

Pinagbigyan ako sa hiling ko, nagkita uli kami masaya ako sobrang saya napaka ganda niya, nangingilid ang luha ko habang pinagmamasdan siya habang naglalakad papunta sa altar papalapit sa gawi ko. Pasimple akong nagmunas ng luha.
Tumigil siya sa harap ko na may luha ang mata
"Salamat" wika niya ng walang tinig. Ngumiti ako at hinalikan ang kamay niya kasabay ng pag agos ng luha at pag kawasak ng puso ko. Kahit na napakasakit pikit mata kong inabot sa katabi ko ang kamay niya. Wala na palang mas sasakit pa bukod sa pagpapalaya sa taong mahal mo. Akay akay ng mahal niya sabay silang nagpunta sa altar. Hindi pa man nila naabot ang destinasyon ay umalis na ako. Hindi ko kaya. Saglit na panahon lang ako nawala may nakahanap na agad sa kanya. Nagkamali ako pero akala ko maiintindihan niya uli ako tulad ng lagi niyang ginagawa pero hindi. Napayuko nalang ako habang tahimik na umiiyak sa labas ng simbahan. Ikakasal na siya ngayon pero hindi sa akin.Hindi ko alam kung paano ako gigising sa bawat umaga na hindi na siya ang katabi? Isang pagkakamali lang pero nawala sakin yung babaeng pinakamamahal ko. Sinayang ko yung babaeng handa ako tanggapin ng buong buo at ngayon nakahanap na siya ng lalaking kaya siyang mahalin higit sa kaya ko, isang lalaking hindi lilingon sa iba. Isang lalaking hindi gaya ko.

-🌺

ONE SHOT COLLECTION Where stories live. Discover now