Silent Voice

134 32 2
                                    

🖊Regi Glimmer

"Mama! Hintayin mo ako!"

Dire diretso akong sumakay sa bus. Pauwi na ako galing sa eskuwelahan. Isa akong public school teacher.

Umupo ako sa bandang dulo ng bus, pinili ko ang pwesto malapit sa bintana.

"Ma, tignan mo o, umuulan." Tumingin ako sa labas. Oo nga.

"Miss san po kayo?" Kundoktor.

"Estrella, isa." May biglang kumalabit sa akin.

"Ma dalawa tayo. Ikaw talaga po ang daya. Gusto mo po kumandong na lang ako sa inyo?" Pinandilatan ko siya ng mata. Napapahiyang tumingin siya sa ibaba.

Inabot sakin ng kundoktor ang ticket at umalis na. Nilalamig ako. Malamig ngayon at tagulan. Maya maya ay bumaba na din ako. Kinuha ko ang payong ko at lumabas na.

"Ma hintay po!"

Hindi ko pinansin.

"Ma nababasa po ako!"

"Mama!!"

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya at kinapitan ang braso. Nakita kong napangiwi siya.

"Tigilan mo na ako." Madiin kong sabi at pinanlisikan siya ng mata.

"M-ma.. n-nasasaktan p-po ako.. A-Aray!"

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka titigil!" Patapon ko siyang binitawan. Mabigat ang dibdib ko. Pinipigilan ko ang mga luha kong pumatak.

"M-ma h-h-hindi mo p-po ba t-talaga k-kaya mahalin si Y-Yesha? Di naman po a-ako magi-ging pabigat s-sa inyo.." humihikbing pakiusap niya. Nagpantig ang tenga ko. Nadurog ang puso ko ngunit lumamang ang galit. Hindi ako pwede magka ganito! Nagtiim bagang ako.

"Tigilan mo na ako! Patay ka na Yesha! Patay kana! Patahimikin mo na kami!"

"M-mama.."

"Tama na a-anak.. nakikiusap ako.. p-patahimikin mo n-na kami.."

"Masaya ka po ba sa bago niyong pamilya? Kaya niyo po ba s-sila pinili k-kesa sa b-buhay ko? G-ganun po ba a-ako makakasagabal sa k-kasal niyo mama?" Umiiyak na sabi niya. Hindi ko matanggap na marinig to. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagsinghap. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko. Nadudurog ang puso ko.

"Sige po m-mama.. Aalis na po si Yesha.. pero babantayan ko po kayo lagi.. lalo na po si Baby brother ko.. mama.. last nalang p-po, sana *sobs* w-wag n-niyo po g-gagawin sa kanya yung ginawa niyo saakin.. hayaan mong mabuhay si baby brother ko at maging masaya po kayo." Umiiyak na mukha ni Yesha ang huli kong nakita. Napaupo ako sa semento ng bigla siyang mawala. Wala akong pake sa iisipin ng iba, wala ng mas isasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, hindi na ata natapos ang pagbagsak ng luha ko. Patawarin mo ako anak, hindi naging mabuti si mama. Humikbi ako. Patawarin mo nagkamali si mama anak Diyos ko! Patawarin niyo ho ako. Humikbi muli ako. Anak.. patawarin mo si mama.. nagsisisi ako..

ONE SHOT COLLECTION Où les histoires vivent. Découvrez maintenant