Artificial world

425 40 12
                                    

Hagikhikan at malalakas na tawa lang ang maririnig mo sa sala. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin ako sayo. Ganito pala ang pakiramdam na kasama ka.

"Pwede bang dito nalang ako?" Nakangiti kong tanong sayo. Natawa ka at bahagyang kinurot ang ilong ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa simpleng ginawa mo.

Namula ako at nakaramdam na tila may mga paruparung nagsisigalawan sa tiyan ko. Imbis na sumagot ka ay niyakap moko. Itinago ko ang muka ko sa leeg mo.

Ang sarap sa pakiramdam, parang ayoko na matapos.

"Ry hindi pwede alam mo yan" may bahid ng lungkot ang boses mo.

Napangiti ako ng malungkot. Sinong niloko ko. Natawa ako sa sariling kahibangan.
Hindi ko kayang tumingala sayo. Hindi ko kayang makita ang mga mata mo.

Mga matang  walang buhay.
Tila isa kang robot na susunod sa kahit na anong sabihin ko. Sasabihin kung anong naisin ko, gagawin kung anong maisip ko.

Tumayo ako at naglakad palabas sa pinto. Nakuyom ko ang kamao ko, kasabay ng pagpikit ko ang pagtulo ng luha ko.

Sa pag mulat ko ng mga mata ko ay nasa kwarto na ako. Malayo sayo.
Dahan dahan kong kinusot ang aking mata na masakit pa dahil sa matagal na pagkakapikit.

Isa akong lucid dreamer.

I created you.

I created you to love me.

Para kahit papaano maramdaman ko kung pano mahalin. Pero hindi ko maduga ang sarili ko dahil alam kong sa totoong buhay hindi moko magugustuhan.

Lumabas ako ng bahay, gusto ko magpalamig. Ngunit nakita ko ang childhood bestfriend ko na si Tonton.

Yung lalaking kanina lang ay kasama ko sa panaginip ko.

Ngumiti ako ng malungkot at napabuntong hininga habang nakatitig sa kanya mula sa malayo.

I know you will never love me.

But at least,

In my dreams you are with me.

-🌺

ONE SHOT COLLECTION Where stories live. Discover now