Oneshot

3K 52 22
                                    

Dalawang buwan na simula ng mamatay ang ex-girlfriend ng kapatid ko na si Sheena,
dalawang buwan na rin simula nang nagbago ang kapatid ko. Hindi na ito masyadong lumalabas ng bahay ni hindi mo rin makausap ng maayos. Madalas ko siyang nakikitang tulala o di kaya'y tumatawa magisa.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam nag gagawin, naawa ako sa kapatid.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ako ng katok sa pintuan
wala akong inaasahan na bisita kaya hindi ko alam kung sino iyon.

Sumilip ako sa peephole ng pinto.

Nanlaki ang mata ko at napaatras.

Napahawak ako sa pader dahil sa gulat. Mabilis ang tibok ng puso ko.

Isang babaeng duguan.

Napasapo ko ang aking dibdib na hindi tumitigil sa pag pintig ng mabilis.

Seryoso ba 'yon? Hindi kaya'y pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata o di kaya'y may bumibiro lang sa'kin?

Huminga akong malalim at nilakasan ang ko ang loob ko. Unti unti akong lumapit sa pinto habang patuloy na pumipintig ng mabilis ang puso ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob.

Napapikit ako ng mariin. Masyado akong pinangungunahan ng kaba.

Isa..


Dalawa..

Nangibabaw ang malakas na tili ko at napatakip ako ng mukha.

"Ate ano ba!"

Agad kong nilingon ang humawak sa likod ko.

Kumurap ako at nilingon ang likod ko.
Si Baron. Para akong nabunutan ng tinik pero hindi parin kumakalma ang puso ko.

Iritadong tumingin sakin ang kapatid ko.

"I-ikaw pala B-baron"
"May sakit kaba? Bat ka namumutla? Anong ginagawa mo dito sa pinto?"

Sunod sunod niyang tanong. Hindi ko magawang ibuka ang nanginginig kong bibig.

Hindi ko nasagot ang tanong ng kapatid ko muli kong sinulyapan ang pinto ng condo ko.

"Ate? Tara na tss." Napasimangot si Baron ng hindi ko sya pinansin.

Tumalikod na siya sakin at
dumiretso sa banyo. Mukang maliligo dahil rinig ko dito ang lagaslas ng tubig mula sa shower.

Nagbukas akg tv, umupo ako sa sofa at hinintay itong magbukas.

Matagal ito bago mag bukas, namamatay at mabubuhay muli.

Nakunot ang noo ko at bahagya akong napakurap.

Akmang papatayin ko ito ng bigla itong namatay ng kusa.

Alam kong walang dahilan para kabahan ako pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Maya maya ay nagbukas na ang Tv.

Isang babaeng naka pula ang nakahiga sa isang mahabang lamesa ang lumabas sa tv, madilim sa lugar isang ilaw lang na nakasentro sa babae ang nagbibigay liwanag sa silid.
Sa una akala ko ay isang bagong horror movie na palabas ang pinapanood ko.

Napaupo ako ng maayos ng itapat sa babae ang camera. Napatayo ako ng makilala ito.

Si Sheena..

Nanginginig ang tuhod ko at rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Si Sheena ang babaeng nasa tv ngayon!

Tila hinang hina siya. Pinipilit niyang igalaw ang katawan niya.
Hindi ko na halos makilala ang dalagita, puno ng pasa ang maputi nitong hita, putok ang labi at magulo ang buhok panay din ang hikbi nito. Hindi maiwasang magtubig ang mata ko.

ONE SHOT COLLECTION Where stories live. Discover now